Kilig na kilig si Angelica dahil inakala niya ba siya talaga ang sinadya na puntahan ng binatang abogado. May dala pa itong bouquet ng bulaklak at bihis ba bihis. Hindi alam ni Angelica kung paano niya ito napapayag na pumunta samantalang sa mga reply nito sa kanya ay para itong hindi interesado. Kaya naman ng marinig niya ang sinabi ni Justine na sino sa mga anak niya ang pinunta nito ay naisip kaagad ni Angelica na siya iyon. Siya kasi ang umaya rito. Kahit alam ni Angelica na ayaw ng mga magulang niya kay Justine ay ipinagsawalang pakialam niya iyon. Hindi niya mapigilan ang sarili na maging clingy sa guwapong abogado. Na kahit kaharap nila si Justine ay sobrang sweet niya rito. Si Yvann naman ay nanatiling tahimik. Masama ang loob sa nobya. Kaya naman nang bumaba ito ay Madilim na ang tingin niya rito. "I FOUGHT FOR MY LOVE FOR YOU. Hindi mo alam ang pinagdaanan kong sakit dahil pinili kitang mahalin tapos gaganituhin mo lang ako?" Sa isip-isip ni Yvann habang hindi inaalis ang
ATTORNEY YVANN PEREZ POINT OF VIEW Nagagalit ako kay Lucy Pearl dahil sa ginawa niyo sa akin. Sad to say, pinagmukha niya akong tanga. Pero itong galit ko, pinipilit kong mawala. Pinipilit ko siyang intindihin dahil mahal na mahal ko siya. Masakit. Oo, masakit! Alam mo yung pakiramdam na Gustong-gusto mong iayos ang lahat pero ako lang pala ang may gusto. Madilim ang mga titig ko sa kanya. Hindi niya magawang tumingin sa akin. Lalong sumasama ang loob ko sa ginagawa niya sa akin. Kung alam lang niya kung gaano ko ka-gusto na ipagsigawan siya sa lahat.Hindi nagtagal, bigla nang nagsalita si Justine. Sa akin siya nakatingin kaya ako pala ang gusto niya kausapin. Muli, ay parang napahiya ako sa kanilang lahat ng sabihin nito sa akin na hindi niya ako tanggap at hindi niya mapapayagan ang panliligaw ko sa kahit sa sino pa niyang anak. But ofcourse, I ask my self, why? As far as I remember is okay naman kami. If it comes to assets and liabilities, alam niya na may ibubuga ako. Bilang a
Biglang nakikita si Yvann at saglit na nakatulog habang siya ay nagmamaneho. Mabuti na lang at may makabagong modelo ang kanyang sasakyan at kaagad itong nag-alarm nang malapit na siyang bumangga. Dahil doon ay nagising siya at nai-preno ang sasakyan. Nang imulat niya ang kanyang mata. Kahit naniningkit ay namukhaan niya ang babaeng bumaba mula sa kotse na umovertake sa kaniya ngayon ngayon lang. Si Angelica. Mula pa sa mansyon ay sinundan na siya nito. Bumaba si Angelica mula sa sasakyan at kinatok ang bintana ni Yvann. Tumakas si Angelica mula sa mga magulang dahil gusto niyang personal na humingi ng pasensya sa binatang abogado mula sa pambabastos ng kaniyang magulang. Ibinaba naman ni Yvann ang kaniyang bintana. "What are you doing here? Gabing gabi na, ah? Delikado dito sa labas at baka mapaano ka," saad ni Yvann sa dalaga. Mapungay ang mga mata at amoy sa loob ng sasakyan na amoy alak ito. Alam na kaagad ni Angelica na nakainom ito dahil pinipilit na lang nitong imulat ng m
YVANN PEREZ POINT OF VIEW I can't believe na sa iisang kwarto lamang kami nagpalipas ng gabi ni Angelica. Kapatid ni Lucy Pearl. Hindi lang iyon, sa iisang kama lang kami natulog. Yes. Pinapauwi ko siya pero siya itong mapilit na tumabi sa akin.Ang awkward lang sa part ko dahil kapatid siya ng nobya ko. Siya na hindi tinatago ang pagkagusto sa akin. Siya na walang nalalaman tungkol sa lihim naming relasyon ng kapatid niya. I swear to God na kahit na kay Angelica na ang lahat ng katangian ng isang babae na gustuhin talaga ng lalaki ay wala akong ginawa. Oo. Hinayaan ko siyang tumabi sa akin dahil mapilit siya. Maniwala man sila o sa hindi, lumipas ang magdamag na walang namagitan sa amin. Lasing ako pero nakakakilala pa naman ako. Tinulugan ko lang siya. Kinabukasan, nagising ako na naroon pa rin siya sa tabi ko. Nakapatong ang kamay niya sa dibdib ko at nakasiksik ang ulo sa leeg ko. Kung may makakakita nga sa amin ay iisipin na mayroon kaming espesyal na relasyon. Sinubukan kong
I guess this is the pain that it is hard to deal with. Its the end. A broken ending. Anong sakit sa part ko na ang taong bumuo ng mundo ko ay siya rin pa lang wawasak nito. Ang taong naging dahilan ng ngiti ko ay siya rin pala ang papawi nito. Ang malala pa nito ay nag-iwan siya ng malalim na sugat sa aking puso na nagdudulot sa akin ng matinding kalungkutan ngayon. Wala na. Kahit na gusto ko pang ilipat ang pahina ang magbukas ng panibagong yugto para sa aming dalawa ay hindi na. Hindi ko siya kayang patawarin. Oo. May pagkukulang ako pero hindi iyon sapat na dahilan para lokohin niya ako. Sa ate ko pa talaga! Ang daming babae pero bakit sa ate ko pa?Naiintindihan ko naman na may gusto sa kaniya ang ate. Malaking pagkagusto! Pero bakit pumatol siya? Huling huli namin sila na magkapatong at naghahalikan sa ilalim ng puting kumot. Walang suot na kahit na anong saplot si Ate. Bilang kasintahan niya, napaka sakit sa akin non. Hindi ako makapag-react dahil walang nakakaalam sa amin na
"Dad, how's ate? Is she okay? Ano? Umaarte lang siya , 'di ba?" Sinalubong ko sila agad. Tanging si mommy at Daddy na lang ang bumalik. Wala si ate. For sure, umaarte na lang yon. Siya na ang best Actress.Tinaas ni Dad ang isa niyang kamay para patigilin ako sa aking sinasabi. "Enough, Lucy Pearl. Hindi okay ang ate mo. Her life is in danger because of what you did. Dahil sa pag-aaway niyo, inatake ang ate mo at dahil doon, nalagay sa panganib ang buhay niya at kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon." Seryoso at parang pagalit na sabi ni Daddy. Nilagpasan niya ako. Nila ako. "W-what? Totoo ba? Sino ang may sabi?" Hinabol ko sila at pilit na nakikibalita. Parang kalokohan naman kasi na lumala ng ganoon. Hindi naman ako ganoong kalakas para masaktan si Ate.Saglit naman ns tumigil si Dad. Hinarap ako. Hinihilot niya ang sintido. He looks like he's trying to be calm right now but he obviously looks pissed of talking to me."Yung doktor niya... Bumalik ang sakit ng ate mo at ang..
"WHAT?!! PAANONG TUMAKAS? ASAAN SIYA NGAYON? IBIG SABIHIN HINDI MO NA SIYA KASAMA NGAYON?" Sigaw ni Justine mula sa kabilang linya. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ni Lucy Pearl."E, boss, nagpaalam lang po na may bibilhin. Hindi na po bumalik. 3 oras na po akong nag-iintay, wala na po talaga." Paliwanag naman ng driver na nagulat din."Nalintikan na! Sige, intayin mo pa rin diyan, baka bumalik. Ipapahanap ko na rin sa mga tao ko." Alam ni Justine na may karapatan ngang magdamdam ang kanilang bunsong anak. mula kasi ng maliit pa ito ay palaging si Angelica ang kinakampihan nila mula rito. Bata pa lang kasi si Lucy Pearl ay pasaway na talaga kaya naman sa tuwing Isusumbong ni Angelica ay kinagagalitan nila. Noong una ay hindi naman Favoritsm ang ginagawa nila. pareho nilang mahal ang mga anak nila at pantay ang tingin sa bawat isa. Sa nangyari ngayon, talagang kahit sinong anak ay magdadamdam talaga. bukod pa doon, may mga problema si Lucy Pearl na hindi sinasabi sa kanila."B
MAKALIPAS ANG TATLONG ARAWKatatapos lang sumailalim ni Angelica mula sa isang major operation sa kaniyang puso. Tagumpay naman ito at nasa tabi niya lang at naka suporta ang kaniyang mga magulang. Hindi na nila nagawang ilihim sa publiko ang tungkol sa operasyon at sakit ni Angelica. Masyado kasing naantala ang kaniyang kabila at kabilaan niyang proyekto. Dahil sa sakit ni Angelica, hindi na rin niya magagawa ang mga proyektong iyon. Iyon nga lang, hindi siya para antayin na gumaling. Kaagad na humanap ng ipapalit sa kaniyang endorsement , Movie, at tv shows.Naiintindihan naman yon ni Angelica at hindi rin naman niya gustong magkasakit para hindi niya magawa ang mga proyekto na nagkakahalaga rin ng bilyon kung bibilangin. Sa mga oras na ito, ang tanging nais ni Angelica ay ang makauwi na sa mansyon. Pinayagan naman siya ng kaniyang mga doktor ngunit marami itong mga bilin. Maraming bawal na gawin. Bawal mapagod, bawal malungkot, at bawal magalit. Sa puso kasi ang sakit niya kaya k