ATTY Yvann Perez point of view Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Ang nararamdaman ko at ang tunay na sinisigaw ng puso ko. After I saw her again, my heart beats fast. I really missed her. Nang makita ko si Lucy Pearl ay bigla akong nagkuli, kung tama pa bang ipagpatuloy ko ang paghihiganti ko o itatama ko ang mga pagkakamali ko?Kung ako lang ang tatanungin, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya at kailan man ay hindi mawawala. naguguluhan lang ako dahil mas sumiklab ang galit ko nang malaman ko pa na tunay ko pa lang ina si Selina. Ang galit ko sa mga Garcia ay ganun na lang, lalo na kay Angelica. Hindi kayang pawiin iyon ng pagmamahal ko kay Lucy Pearl lalo pa at ang isinusukli ng pagmamahal na iyon ay pasakit na paulit-ulit na dunudurog sa puso ko. Bumalik ako sa party nang masama ang loob. pinagtuunan ko ang pag-inom ng alak kesa makisama sa mapapangasawa ko. Hindi naman kasi ako masaya. infact, nasusuka ako sa pagmumukha ni Angelica."Nandiyan ka lang pala... kan
Nakapikit lamang ang mga mata ni Yvann Ngunit hindi siya tulog. nararamdaman niya na inaakit ni Angelica ang kaniyang kahinaan bilang lalaki. hinahalikan siya nito sa pisngi, sa labi, at sa leeg ngunit nagtulug-tugan pa rin siya hanggang sa manawa si Angelica.Yvann doesn't feel anything to Angelica. Kahit na anong gawin nitong pang aakit ay iisang tao lang ang kaniyang naiisip. What happened to them is just an accident. Akala ni Yvann ay si Lucy Pearl ang kaniig niya noong gabi na iyon kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi rin gusto maikasal ni Yvann kay Angelica kung hindi dahil sa mithiin niya na makaganti. Iyon nga lang, paano niya itutuloy ang paghihiganti kung siya rin at siya lang ang nasasaktan.Nang sa tantsa niya na malalim na ang tulog ni Angelica ay saka niya idinilat ang kaniyang mga mata at sinigurado na tulog na ito. Dahan-dahan at maingat siyang bumangon at lumabas ng kwarto para pumunta sa kwarto ni Lucy Pearl. Labis ang naging pagseselos ni Yvann nang makit
Halos mawalan na ng lakas si Angelica sa kakaiyak mula sa labas ng pinto. Hindi na niya maatim ang mga ungol na naririnig. "Kaya pala nagtulug-tulugan ka kanina dahil iba pala ang gusto mong lumandi sa 'yo. Kahit kailan ka talaga, Lucy Pearl! malandi ka talaga!"______________ANGELICA GARCIA POINT OF VIEWNagising ako nang wala sa tabi ko ang fiance ko. Noong una, inakala ko na nasa banyo lamang siya ngunit nang matagal na akong nag-aantay at wala pa ring Yvann na lumalabas ay doon na ako nagpasyang tignan siya sa loob ng banyo. nagtaka ako nang makita kong walang tao. ibig sabihin, lumabas si Yvann. Akala ko ay bumaba siya para manigarilyo o kumain. patungo na sana ako ng hagdan ng parang may narinig ako na boses ng dalawang tao na parang nagtatalo. Napaisip ako ng husto dahil nagmumula iyon sa kwarto ng aking nakakabatang kapatid. Dahil doon ay napatigil ako at nakuha ang aking atensyon. Palaisipan kasi sa akin kung sino ang kasama ni Lucy Pearl sa loob. sa pagkakatanda ko ay umuw
Buong akala ni Lucy Pearl ay totoo ngang may nagtakip ng unan sa kaniyang mukha at nagbabalak na patayin siya. "Akala ko totoo na. Diyos ko! bangungot lang pala." sa isip-isip niya matapos niyang magising. Laking pasalamat niya at Nagising siya mula sa nakakatakot na bangungot na iyon. kung hindi kasi ay tuluyan ng mawawalan ng pag-asa ang pag-iibigan nila ni Yvann.Mabuti na lang at panaginip lang iyon kaya may tiyansa pa na magkaroon sila ng happy ending ni Yvann. Dali-dali na bumangon si Lucy Pearl at nagtungo sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. Kahit na nakakatakot ang panaginip niya kagabi ay hindi niya iyon ininda. Inisip na lang niya na dala lang iyon ng matinding pagod mula sa ginawa nila kagabi ni Yvann kaya siya nanaginip ng masama. Ganoon pa man ay lamang pa rin kay Lucy Pearl ang matinding kasiyahan at pinanghahawakan niya ngayon ang sinabi ni Yvann. Para sa kaniya ay wala ng ibang dahilan para magbago ang isip niya. tuloy na tuloy na ang pagsama niya kay Yvann
Sa gitna nang pag-aakalang wala nang buhay ang doktor na si hennan ng lahat ay nagulat na lang sila nang biglang gumalaw ang mga daliri nito. "Buhay pa siya! buhay siya! Dalhin natin siya sa ospital!" Sigaw ni Lucy Pearl. Nagkaroon siya ng pag-asa. kanina pa kasi siya umiiyak dahil sa nangyari sa Doktor at kanina pa niya sinisisi ang sarili sa mapait na sinapit nito. Even Angelica. natuwa siya nang makitang gumalaw ang daliri ng Doktor. Ibig sabihin ay walang namatay sa kaniyang kapalpakan. She failed to poisoned her sister. Ganun pa man ay malaking takot ang inihatid kay Angelica nang ibang tao ang napahamak sa kaniyang balak sa kaniyang kapatid. Dahil naroon na rin ang mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari ay sila na rin ang nagsugod sa Ospital kay Hennan. Nakasunod sa kanila ang mag-asawang hailey at Justine at si Lucy Pearl at ang tanging naiwan sa mansyon ay si Yvann at Angelica. Palaisipan kay Yvann kung aksidente lang baa talaga ang nangyari. Wala siyang ebidensya ngunit
Nang mahimasmasan sa inis si Angelica ay agad siyang lumabas ng mansyon at sumakay sa isang sasakyan niya at dali-dali na minaneho. Sa iisang lugar lamang ang naiisip niya na pupuntahan ni Yvann at iyon ay wala nang iba kung hindi sa Ospital kung saan naroroon si Lucy Pearl. Mabilis ang takbo ni Angelica dahil kailangan niyang mapigilan ang dalawa. Ilang minuto na lamang ang bibilangin at malapit nang mag-alas diyes. She is running out of time. Kahit anong bilis kasi ng patakbo niya ay hindi pa niya nakikita ang sasakyan ni Yvann. paniguradong kapag nahuli siya ay magiging huling na ang lahat. "Hindi niyo pwede gawin sa akin ito!"Maya maya pa ay nakarating na siya sa nasabing ospital. Buong akala niya ay huli na ang lahat ngunit kaagad siyang napangiti nang malawak nang makita niya ang nakababata niyang kapatid na nakatayo sa may harapan ng Ospital, hawak ang cellphone nito at panay ang lingap sa paligid na tila may inaantay. Napangiti si Angelica dahil hindi pa huli sa kaniya ang
lingid sa kaalaman ng lahat na si Justine ang nasa likod nang pagpapakulong kay Yvann. Bukod sa alam niyang nagkaroon ito sa bunsong anak na si Lucy pearl ay malaki pa rin ang pagtutol niya na maikasal ito sa panganay niyang anak na si angelica dahil para kay Justine ay walang kwentang lalaki si Yvann para tuhugin nito ang kaniyang dalawang anak. quetionable pa ang pagkatao nito at hindi niya alam kung saan bang pamilya ito at bakit ganoon na lang ito kayaman.para protektahan ang kaniyang mga anak ay umupa si Justine ng private investigator upang alamin ang tunay na pagkakalinlan nito. Hindi siya nagkamali ng hinala dahil sa pagkakaaresto ni Yvann. ibig sabihin ay may mali nga sa pagkatao nito. Pinaimbestigahan ni Justine nang mabuti ang background ni Yvann. At doon, doon napatunayan na ang yaman na pagmamay-ari nito ngayon ay hindi sa kaniya nakapangalan kung hindi sa ina nito na siyang nawawala hanggang ngayon. Dahil si Yvann ang namamahala ng mga yaman nito, siya rin ang itinutur
JUSTINE GARCIA POINT OF VIEW Akala ko, after naming ikasal ng aking asawa at mapalaki ng maayos ang mga anak namin ay magiging masaya na kami at mamamatay ng nay ngiti sa labi. Matanda na kami at kung kailan pa kakaunting oras na lamang ang ilalagi namin dito sa mundo ay ganito pa ang mga nangyayari. Hindi naging madali ang nakaraan namin ni Hailey ngunit mas mahirap pala ang hamon kapag nagsilakihan na ang mga anak namin. We, us parents, we only wants whats best for them. We want to see them happy and successful pero hindi ganoon ang nangyayari ngayon. Habang lumalaon ay nagiging kumplikado ang lahat at wala akong ibang sisisihin dito kung hindi ang sarili ko lamang. naging selfish ako noon kaya minunulto ako ng kahapon. Si Selina, hanggang ngayon ay ipinamumukha niya pa rin sa akin ang mga maling nagawa ko noong nakaraan. Of all people, bakit si Evanz pa ang naging anak niya? Si Evanz na minahal ko at tinuring na parang isang tunay na anak. He came back to seek revenges. i knew t