Share

Chapter 40

Anika's POV

NAKASUNOD ako sa likuran ni Sir Isaac, kalalabas lang namin ng police station. Hindi ako makapaniwala na binayaran niya ng kalahating milyon ang babaeng iyon para sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad. Paano ko siya mababayaran? Saan ako kukuha nang ganoong kalaking halaga?

"Anika?"

Nagising ako sa malalim na pag-iisip. Nakita kong nakaharap na sa akin si Sir Isaac, may pag-aalala sa simpatico niyang mukha.

"Sir, hindi n'yo na po dapat ginawa iyon. Napakalaki po ng kalahating milyon."

Naglakad siya palapit sa akin at binigyan ako maliit na ngiti. "Anika, I'm your boss. Dapat tinawagan mo ako, responsibilidad kita."

"Hindi mo po ako responsibilidad."

"Naganap ang aksidente habang nagtatrabaho ka sa akin. Partyly, I am responsible for what happened."

"Sir, babayaran ko po kayo. Pangako, magbabayad po ako."

Hinawakan niya ako sa isang balikat. "How about a thank you first?" He smiled. "Huwag mo na muna isipin ang bayad. Namumutla ka. You're still shocked. Let's go to the clinic.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status