Share

Chapter 67

Siguro iyon nga ang tamang gawin. Kailangan na naming harapin ang parents ko. Ito ang bagay na nabigo kaming gawin noong una kaming nagkaroon ng relasyon. At hindi ulit namin nagawa noong nagkabalikan kami pagkagaling ko sa states.

Kaya ngayon dapat ay harapin namin sila nang magkasama. Kailangan na naming itama ang lahat.

Nanatili pa kami sa bayan hanggang sa tuluyang lumubog ang araw. Lumalamig na ang paligid kaya kailangan ko nang umuwi para hindi ako mahamugan.

“Anong sasakyan natin pauwi?” tanong ko.

Naglalakad kami patungo sa bungad na kalsada dahil hindi naman kasya dito sa kinaroroonan namin ang mga sasakyan. Magkahawak kamay kaming dalawa, bagay na na-miss kong gawin.

“Wala akong dalang sasakyan dito kaya hihiramin ko na lang ang motor ng kaibigan ko,” sabi niya.

Tumango ako. “Ayos lang sa ‘kin.”

Nagtungo kami sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang motor na sinasabi niya. Kahit hindi ako gaanong pamilyar sa mga motor, alam kong mamahalin ito. May nakatatak pang Ducati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status