Salamat po sa pagbabasa lagi...
ATHENA’S POV “CLOSE your eyes, man,” utos ni GS sa anak. Titig na titig noon si Ayden sa dating boss habang nakaupo sa counter kaya ganoon din ang huli. “A-ako na lang kaya,” ani ko kay GS nang akmang pupunasan niya ang mukha ni Ayden. May hawak siyang wipes noon na bahagya niyang binasa. Nilingon ako ni GS. “Dyan ka lang.” Tumingin pa si GS sa damit ko. “Baka madumihan ang damit mo, puting-puti pa naman,” “P-pero masyado na kaming nakakaabala sa ‘yo.” “Hindi naman ako ganoon kaabala. Saka nag-e-enjoy si Prince sa labas, hindi niya ako hahanapin.” “I-ikaw ang bahala,” ani ko na lang. Nandito kami ngayon sa isang silid na inuukupa nilang mag-ama at nasa pintuan ako ngayon ng banyo habang sila ay nasa loob. Hindi ko maiwasang magpalipat-lipat nang tingin sa dalawa dahil parehas na silang tahimik habang patuloy na nagpupunas. Si Ayden na hindi inaalis ang tingin sa kaharap. Si GS naman, minsan nahuhuli kong titingin sa salamin pagkuwa’y sa anak. “W-what’s your name, man?” seryo
ATHENA'S POVNAGISING ako sa sunod-sunod na tawag sa aking telepono. Pagtingin ko, pasado alas-dos na pala ng madaling araw. Si Athe Chona ko pala iyon, kaya naman mabilis ko siyang sinagot."A-Ate, napatawag ka?" malat pa ang boses ko dahil sa kagigising ko lang. Saka kanina ko pa ramdam ito, ang panaka-nakang pagkati ng aking lalamunan. Kaya hindi na ako nagtaka na medyo minalat na ako."Mabuti at sinagot mo na. Nasaan ka?"Hindi muna ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."Um, n-nandito ako sa bahay ng dati kong katrabaho, Ate. N-nakikitulog. M-malapit kasi sa istasyon ng pulis kaya hindi na niya ako pinauwi.""Mabuti naman. Kaya ako napatawag sa 'yo para sabihing sumama pala si Ayden kila Isagani.Kanina ka pa raw tinatawagan ni Isagani, pero hindi ka raw ma-contact. 'Yon pala, mali ang numerong nai-save niya. Ngayon ko lang din nasagot tawag niya dahil nag-charge ako pagdating ko. Naka-off kaya hindi ko rin nakita kaagad ang mga text ni Isagani. Juskong bata na 'y
ATHENA'S POV "DON'T leave me, please," pakiusap ni Graeson sa akin mayamaya. Tumayo lang ako dahil may kukunin lang sana ako sa kusina. Nandito pa rin kami sa sala. Hindi ko naman siya kayang buhatin papunta sa silid niya. Saka nanghihina raw ang katawan niya kaya sa sofa na lang siya nahiga. "Babalik ako, okay? Kukuha lang ako ng soup. Hinintay talaga kitang magising." "O-okay. I thought aalis ka na." Bahagya siyang ngumiti sa akin. "H-hindi, wala kang kasama dito. Saka ihahatid na lang daw ni Isagani si Ayden bukas sa akin." Tumango siya sa akin. "Thank you," sinserong sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya. Ganito pala bumait ang dragon. Pero sana manatili ang kabaitan niya, ano? Para hindi na rin ma-stress ang mga nasa paligid niya. Saka nagiging magandang lalaki siya tingnan kapag nakangiti at masaya. Para naman siyang balo na matanda kapag nakasimangot, namumukhang bugnutin din. Ano na kaya ang pakitungo niya sa opisina? Hindi na kasi ako nakikibalita sa mga dati kong
ATHENA'S POV "Mama! Nandito po sila Prince!" Napatigil ako sa pagkukusot nang marinig ang sinabi ni Ayden mula sa taas. Nandito ako sa banyo sa may baba. Mas malaki kasi ang banyo dito kaya dito ako naglalaba ng damit naming dalawa. Kakasara lang ng kainan noon at pasado alas otso na. Hanggang 7:30 lang talaga ang kainan namin dahil marami pa akong ginagawa. Gaya na lamang ng paggawa ng mga ide-deliver. Pero ngayon, wala pa dahil napadala ko na ang mga order. "Matulog ka na, anak! Masyado nang late!" ani ko imbes na paniwalaan siya. May pasok bukas kaya imposibleng pupunta dito si Prince. At sino ang kasama, si G? Busy din iyon sa trabaho. Hindi na kami nagkita ni GS pagkatapos ng araw na iyon. Pero tumatawag siya sa akin at nangungumusta. Lagi. Kahit na marami akong ginagawa sa araw, tumatawag siya. Minsan nga naiiwan kong naka-loudspeaker, pinapakinggan niya ang pinag-uusapan namin ng mga tauhan at mga customers ko. Super tiyaga niya rin. Ilang sandali na akonh nagkukuskos n
ATHENA'S POV"G..."Napahawak ako sa kamay niyang humahaplos sa aking hita.Hindi ako sumagot kanina kaya napaupo siya at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako sinasamyo na niya ang aking buhok at ang kamay ay naglulumikot."I really missed you, Athena," bulong niya mayamaya sa akin. "Hindi mo ba ako na-miss?""N-na-miss... Pero hindi ito maari.""Why, hon? I'm sure, gusto mo rin. I can feel it." Muli niyang pinagapang ang kamay at palapit na iyon sa pagitan ng hita niya.Napakapit ako sa damit niya nang padaanin niya nang isang beses ang hiwa kong may suot pa."W-wag, G," pakiusap ko.Napabuntong-hininga siya pagkuwa'y tumigil. "Ano ba kasing pumipigil sa nararamdaman mo sa akin?""I-ikaw mismo.""What?! Me? H-how? It's obvious, isn't it?You have my surrender, hon.""G..." Naupo ako at humarap sa kanya. "Hindi maganda ang unang engkuwentro natin, naalala mo ba? At kahit na naging maganda ang samahan natin nitong nagdaan, hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Saka naipangako ko sa saril
GRAESON'S POVMABILIS ang takbo ko papuntang sasakyan ko nang makalabas ng kainan nila Athena. Hinintay ko pang makapasok ang ina niya bago ako tumakbo. Pero bago ako nakaalis ay narinig kong tinatanong niya si Prince kung kanino anak. Hindi ko na narinig ang sinagot ni Athena. Baka kasi biglang dumaan din ang kapatid niyang ayaw sa akin. Yes, tahasan niyang sinabi sa akin ang lahat nang araw na dumalaw siya sa bahay ko mismo. Kaya wala na nga akong maihaharap sa kanila talaga. Sinasamantala ko lang ang kalagayan ni Athena dahil alam kong babalik kami sa dati. Napamura ako pagkapasok ko nang maalala ang telepono ko. Naiwan ko yata sa mesa nila Athena! Napahampas ako sa manibela at hindi sinasadyang matamaan ang busina kaya napatingin ako sa bahay nila Athena, partikular na sa bintana. Napalabi ako nang marinig ang pagbukas ng binatana nila. Buti na lang, tinted ang salamin. Baka lapitan pa ng ina ni Athena kaya iginiya ko na ang sarili ko paalis. Tatawagan ko na lang si Athena mama
ATHENA’S POV "KIM, anong ginagawa mo dito?" Kaagad kong sinalubong ang pababa ng pick-up. Si Kim ay kapatid ni Ma'am Carla. Nakilala ko lang din siya sa restaurant nila. Laging siya ang nagre-receive ng mga dini-deliver ko. "Hindi ba naitawag ni Ate Carla na ako ang magpi-pick up ng mga order niya?" Saglit akong natigilan. Oo nga pala, naitawag na ito sa akin kahapon. Akala ko naman isa sa mga tauhan ni Ma'am, si Kim pala. "Naitawag niya pero ang akala ko isa sa tauhan niyo." "Oh, ako ang laging walang ginagawa kaya ako na ang nagprisinta." Ngumiti siya sa akin. Tumingin siya sa kainan ko. Anim lang ang mesa doon, at hindi ganoon kalaki. Pero hindi nawawalan ng customer. Kaya masuwerte rin ang puwesto ko. Malapit din kasi sa isang factory at may establishment ng gobyerno din kaya sila ang mga nagiging customer ko. "Mukhang masasarap ang ulam niyo dito," nakangiting sabi niya sa akin nang balingan ako. "Um, medyo? Mga lutong bahay lang," "I love it. Sakto, hindi pa ako nagla-l
ATHENA'S POVINIWASAN kong makita ni Ayden sila G at Prince ng mga sumunod na oras. Pumupunta kami ni Ayden sa mga rides na wala sila, na hindi ko siya tanaw. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita siyang masaya na kasama ang babaeng iyon. Para bang normal na sa kanila iyon. Komportable sila sa isa't-isa.Pero hindi ko akalaing makakasabay ni Ayden si Prince sa grand carousel. Hindi na ako nakaiwas.At dahil gusto ni Ayden na kasama si Prince at G ay hinayaan ko na lang silang apat. Si Prince kasama ang babae, at si Ayden naman at si G. At kung titingnan sila sa malayo ay masayang pamilya. Kaya nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib. Para bang nagseselos ako. Kaya naman pagkatapos ay kaagad kong hinila si Ayden."Athena, wait." Pigil sa akin ni G. "Nagugutom ang bata, at gusto niya raw na kumain tayo nang magkakasama."Tumingin sa akin si Ayden. "Nagugutom na po ako. Okay lang po ba kung sabay-sabay tayo?""Ako rin po, Miss Athena, nagugutom na." Ngumiti pa si Prince sa akin.Kagat a