Share

138.

Ano ang ginagawa ng babaeng ito rito?!

“Daddy, huhuhu!!!”

Nanikip ang dibdib niya ng tumakbo ang bata at yumakap sa walang malay na si Kairo. Alam niyang mali… walang kasalanan ang bata, pero gusto niyang itaboy at palayasin ang dalawa. Kinain ng takot ang puso niya… paano kung dumating ang mga anak niya at makita ang mga ito?

Hindi!!!

“Hindi ka mukhang nagulat ng makita ang anak ko. So you know about us? Sinabi na ba ni Kairo ang tungkol sa amin?” Nakataas pa ang kilay na tanong ni Kley.

Hindi siya nakasagot.

Lumapit si Kley kay Kairo. Kumuyom ang kamao ni Alena ng makita kung paano nito haplusin ang pisngi ng lalaking mahal niya, halatang sinasadya pa nitong ipakita sa kanya ‘yon, na parang nagsasabi na ‘hindi lang siya ang may karapatan.

Nanlaki ang mata niya ng bumaba ang ulo ni Kley.

“Layuan mo si Kairo!” Bago pa mahalikan ni Kley si Kairo ay malakas na siyang itinulak ni Alena sa pader.

“Ouch!” Napaigik si Kley sa sakit.

“Mommy!” Nilapitan ni Art ang ina at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Bukas pa po...️ Thank you po sa pagbabasa...
goodnovel comment avatar
Gina Durango
Na saan ang karugtong nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status