〰️
“Ayan, luto na!” Nakangiting naglagay ng pagkain sa tray si Serena. Nang aalis na ang dalaga upang i-akyat ito sa kwarto ni Axel ay pinigilan siya ni Rosan. “Naku, ma’am Serena, ang bilin ni Sir Axel ay hindi siya maaring istorbohin sa kwarto dahil gusto niya magpahinga.” Nakadama siya ng panghihinayang. Pinaghirapan pa naman itong lutuin para sa kanyang amo subalit hindi maiibigay rito. “Pasensya ka na, ma’am, ah. Hindi kasi agad nagsabi si Sir kaya tapos ka na makapagluto. Napagod ka pa tuloy.” Nanghihinayang man ay ngumiti si Serena rito. “Anong sayang? Pwede naman natin kainin ito.” Nakakatuwa talaga ang dalaga, iyon ang nasa isip ng lahat habang kinakain ang masarap na niluto nito. Samantala, si Serena, naghihinayang dahil hindi pa rin bumaba si Axel. Halos isang linggo na simula ng tikman nito ang luto niya. Marahil binobola lamang siya ng binata ng sabihin nito na masarap ang luto niya. “I want you to be the one to have a meeting with Mr. Ong, Axel. I will be busy next
“Ma’am, tititigan mo nalang ba ang telepono?” Napansin ni Rosan na kanina pa nakatingin si Serena rito. “Balak mo bang tawagan ang pamilya mo para ipaalam ang pagbabalik mo?” Hindi nakasagot ang dalaga. Paano kung si Stacey ang makasagot nito? Nangungulila na siya sa kanyang ama. Takot man, kailangan ni Serena na subukan. Kapag ang private ng daddy niya ang nakasagot, tiyak na itatapat nito ang telepono sa tenga nga kanyang ama. Sapat nasa kanya na marinig ang boses ng ama! Iyon lang, sasaya na siya! “Hello?” Agad na natuptop ni Serena ang labi ng marinig ang pamilyar na boses ng nobyo. “J— “Sino iyan, Joem?” Tanong ni Stacey. “Tara na, kanina pa naghihintay sina mommy at daddy sa dining hall.” Nanginginig na ibinaba ni Serena ang telepono dahil sa takot. “Ma’am!” Nag alala si Rosan, paano ay umiiyak na ngayon ang dalaga, nanginginig pa sa takot ang katawan nito. Samantala, tahimik na nakamasid lamang si Axel kay Serena na ngayon ay umiiyak. And just like the other day,
“Pasensya ka na, mam Serena, gusto ka man namin papasukin pero ang bilin ni sir Axel ay hindi po pwede. Baka mapagalitan po kami.” Nanlulumo si Serena. Hindi niya masisisi ang binata dahil kasalanan niya ang nangyari. Dahil sa kanya ay nalagay sa panganib ang buhay nito. Kinagat niya ang luha para pigilin ang mapaiyak. Hanggang ngayon ay sinisi niya ang sarili sa nangyari. Hindi siya mapakali at makatulog sa sobrang pag aalala. Kagabi pa nakaalis ang doktor. Ngayon ay hapon na at nagpapahinga na ang binata. Papunta na rin ang magulang ni Axel rito ngayon. Inabot nalang ng gabi ay hindi pa rin siya mapakali. “Mam Serena, pinapatawag ka ni Sir Axel, gusto ka daw pong makausap.” Nagliwanag ang mukha niya at dalidaling nagpunta sa kwarto ng binata. Mabuti nalang at pinayagan na siya. Gusto-gusto niya talaga na humingi ng tawad sa nangyari. Alam niya. Napalunok siya ng sumalubong sa kanya ang malamig na ekspresyon ni Axel. Parang binalot ng lamig ang silid dahil sa nakakatakot nit
[Apol] Napanganga siya habang nakatingala sa gusaling nasa harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas naman pala ng gusali na kanyang pag-aapplyan. Ang taas at napakalaki ng gusali. Mukhang hindi ito pipitsuging kumpanya katulad ng inaasahan niya. Isang kaibigan ang nagrekomenda sa kanya na mag-apply rito. Ayon sa kaibigan niya, malaki ang magiging sahod sa kumpanyang ito. Kaya't agad siyang pumayag dahil kailangan niya ng pera para sa ate niyang malapit ng manganak at mayro'ng heart disease. Binigyan siya ng kaibigan niya ng isang Gold Card. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Pwede daw bumale ng malaking pera kapag natanggap siya kaya sinunggaban niya ang oportunidad na ito. Sabi pa ng kaibigan niya, daig pa niya ang nangibang bansa kapag nakapasok siya rito. Napakamot siya sa ulo. Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad niya rito? “Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kahit sino basta pursigido at masipag sa tr
This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Agad na bumangon si Apol nang magising. "Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya. Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood. Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya. Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pangarap na
[Apol]Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki. Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya. "Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya. Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano b
[Apol]Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway ni Apol sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman. Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain ng lahat ito? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas. Daig pa ang mayro’ng piyesta sa dami, parang mayro’ng handaan.Walang sinabi si Mr. X na maupo siya, kaya naman siya ay nanataling nakatayo. Mahirap na, baka mamaya ay masabihan siyang bastos, at bigla na lamang siyang barilin. Maganda na ang sigurado; mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Ang walang emosyon na si Mr. X ay tumingin sa kanya, kaya naman agad na yumuko siya para iwasan ang tingin nito."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses nitong tanong. "Pasensya na po." Pinigilan niya ang mapakamot sa ulo. Siya na nga iton
[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N