Share

CHAPTER 4

Emman Pov

Napatitig ako sa kanya ng mariin. Mapungay-pungay ang mata nito akong tinitignan dahil sa ilaw ng sasakyan na parang inaaninag at kinikilala kung sino ako.

Malakas parin ang buhos ng ulan. Pero wala akong pakealam.

Ang mahalaga ay ang babae sa harapan ko na may pulang likido sa bahagi ng katawan nito. Mabilis itong kumalat dahil na rin sa ulan.

"Ugh. F.ck!" D***g nito at hinawakan ang kung nasaan ang sugat nito.

"Sh.t!" Agad ko siyang nilapitan, tinulungan at inakay patungo sa sasakyan ko. "Anu ba kasing pinaggagawa mo?!" May halong inis sa boses ko.

Binuksan ko ang passenger seat at pinaupo dun. Kita ko sa mukha nito ang pagkairita. "Hey, I'm talking to you." mautoridad na tanong ko sa kanya at walang pakealam sa malakas ng buhos ng ulan.

"It's none of your business" walang emosyong sagot nito.

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo at napabuntong hininga. "Tsk" sinarado ko ang pintoan ng sasakyan at tumungo sa drivers seat. Binuhay ang makina at pinasibad ito ng takbo.

Habang sa daan ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. Walang kahit na sinong nagsasalita sa amin. Yeah, ofcourse Hindi naman nagsasalita ang isang yan.

Siguro magpapamisa ako kung magsasalita yan ng pagkahaba-haba.

Pasulyap-sulyap ako sa gawi niya. Nakapikit lang ito at nakakunot-noong hinahawakan ang sugat nito. Nagtiim bagang ito. "What?!" Sikmat niya. Agad naman akong napatingin sa harap. Shit. Paano niya nalaman na nakatitig ako sa kanya?

"Kailangan kitang dalhin sa malapit na ospital" sabi ko sa kanya habang nasa harapa ang atensyon ko.

Napabalikwas siya ng upo at napadaing dahil sa paggalaw niya. "Hindi. Iuwi mo'ko" sabi niya habang titig na titig sa gawi ko. Sinulyapan ko muna siya saglit at tinoun ulit sa pagmamaneho.

"Hindi. Kailangang gamutin niyang sugat mo"

"No. Iuwi mo'ko"

Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Tanaw na tanaw ko na ang ospital. Narinig ko siyang malakas na bumuntong hininga.

"Ano ba?!! Hindi mo ba talaga ako iuuwi? Bakit ba napaka-pakealamero mo?! Sino ka ba para pakealaman mo ako? Hindi naman kita tatay para utos-utosan! At ang ayoko sa lahat yung dinidiktahan ako! Because you don't me!" Sigaw niya dahilan para mapapreno ako.

Lumingon ako sa gawi niya. Madilim ang mukha nitong tinitigan ako parang anumang sandali ay papatayin niya ako.

Oo nga naman, sino ba ako para pakealaman siya? Isa lang naman niya akong kapit-bahay na nag-aalala.

"At wala kang pakealam kung anu man ang mangyare sa akin." dugtong niya. Napakaseryoso ng mga mata nito. Madiin rin nyang hinawakan ang sugat nito.

Tiim bagang ko siyang tinitigan at napabuntong hininga.

NANG makarating sa Gate 1 ng subdivision. Pumasok na ako  ng makilala ng bantay ang sasakyan ko at sinaluduhan ako ng guard.

Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay niya. Ina-unblock ang seatbelt at lumabas.

Malakas parin ang buhos ng ulan. Pero hindi na ako nagabala pa na gumamit ng payong dahil kanina pa ako nababasa ng ulan. Lumapit ako sa pinto ng passenger seat at binuksan ito.

Aalayan ko na sana siya ng tinabig niya ako. Lumabas ito ng paika-ika habang nakahawak sa braso nito. Pero inalalayan ko parin siya dahil muntik na itong matumba. Tiningnan ko ang mukha nito. Namumutla ito at nakapikit. Sh.t!

Tinatawag ko ang pangalan niya habang mahinang tinatapik ang pisngi.

No response. Nang hindi ito sumagot o dumilat man lang ay doon na ako nag panic.

Dapat talaga dinala ko na siya sa Hospital. Binuhat ko siya kahit nahihirapan ay nag-doorbell ako ng paulit-ulit.

"F.ck! Bakit ang tagal!" Bulong ko. Tinignan ko ulit siya. Namumutla na talaga ito. Nag-doorbell ulit ako. Ay agad namang bumukas ito at iniluwa ang kapatid ni Ella na si Gab.

"Teka eto na--" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng makita niya ako at ang kapatid niya na buhat-buhat ko. Nanlaking mata niya kaming tinitigan at napadako ang tingin niya sa akin. 

"Sh.t!" Akmang kukunin niya sa akin si Ella ng inilayo ko ito sa kanya at walang anu-ano ay pumasok ako sa loob ng bahay nito at inilapag siya sa sofa.

Narinig ko pa si Gab na bumulong pero pinagsawalang bahala ko ito. Ang iniisip ko lang ngayon ay si Ella.

"May first aid kit kayo?" Walang lingon-lingon kong tanong sa kanya. Tsini-tsek kung malalim ba ang sugat nito.

"W-wala" sagot niya.

Inutusan ko siyang kunin ang pinapakuha ko sa kanya at ako naman ay pinunit ang sout na damit nito. Kitang-kita kung gaano kalalim ito.

Narinig ko naman ang yabag ni Gab papalapit sa akin at inilapag ang pinapakuha ko. "May alak kayo?" Tanong ko ulit na ngayon ay nakatungin kay Gab na ngayon ay may pag-aalala sa mukha at napakunot-noo ito.

"Bakit iinom ka?" Marahas akong napalingon sa kanya at binatukan. "Aray sakit nun ah!" Sabi niya habang hinihimas ang ulo nito.

"Basta kunin mo na lang" nagmadali itong pumasok sa kusina at agad din namang lumabas kasama ang pinapakuha ko.

Inabot niya ito sa akin at mabilis na tinanggal ang takip. Kumuha muna ako ng tela at pinakagat ito kay Ella. At sinimulan ang paggamot rito.

Dahil isa akong pulis ay may kaalaman din ako pagdating aa ganito. Dahil hindi talaga maiiwasan ang ganitong pangyayare.

Napadaing ito sa sakit ng binuhos ko sa sugat nito ang alak.

"Aarrggghhhh!!!" Hinawakan naman siya ni Gab para hindi ito masyadong gumalaw.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa mini table nito at ginawa ang dapat gawin.

Hinugot ko ang bala sa balikat nito gamit ang kutsilyo dahilan para mapasigaw sa sakit si Ella at gumalaw ng konti. Pinagpapawisan narin ito dahil siguro sa sakit na nararamdaman.

Mga ilang sandali ay nakuha ko na ang bala sa balikat nito at binendahan.

Agad akong napatrapo sa noo kong may pawis dahil sa wakas ay natapos rin. Napasandal ako sa gilid ng sofa dahil sa pagod.

Sinilip ko muna si Ella at mahimbing na itong natutulog at nakahinga na rin ako ng maluwag.

Binalingan ko ng tingin si Gab na ngayon ay nakatingin sa akin ng seryoso. Pinantayan ko rin ang titig nito sa akin.

Wala akong karapatang maghinala pero meron sa loob ko na nagtatanong. Napaka-misteryoso nilang magkakapatid.

Alam kong napaka-jolly at masayahin ni Gab pero meron sa loob-loob nito na may tinatago sila. Sa likod ng mga salamin nito na may lihim silang pinakatatago.

Bumuga ako ng hangin. Alam kong mali ang maghinala pero parte yun ng katauhan ng isang tao lalong lalo na at alagad ka ng batas.

Simula ng maging kapit-bahay ko sila ay nagsunod-sunod narin ang pagkamatay ng mga malalaking tao dito sa siyudad.

Ipinilig ko ang ulo ko at ibinura ang nasa isip ko. Ugh. Ano ba itong pinag-iisip ko. Tumayo na ako sa kinauupuan at nagpaalam na umalis na.

"Sige, salamat ulit" tumango lang ako at lumabas ng bahay nila. Buti tumila na rin ang ulan.

Pumasok naman ako sa bahay ko at naligo pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama. Nakipagtitigan sa kisame ng kwarto.

Napabuntong hininga ulit ako. Nabubuang na ata ako kakaisip.

Ella's Pov

Iminulat ko ang mga ko. Inilibot ang paningin sa boung paligid at makitang bahay ko ito at nasa sofa ako. Bumgangon ako at napadaing dahil sa sakit na naramdaman sa balikat.

"Gising ka na pala." pambungad sa akin ni Gab papabas ito galing sa kusina at umupo sa harapan ko na pang-isahang taong upuan. Humalukipkip itong humarap sa akin.

"Alam mo ba kung sino ang naghatid sa'yo rito?" nakatingin lang ito ng diretso sa akin na walang emosyon sa mukha kapagkuwan ay pilyong ngumiti ito. 

"At alam mo bang sino ang gumamot sa'yo" napakunot-noo ako. Pinagmasdan ko sandali ang sugat ko sa balikat at tumingin ulit sa kanya. Wag mong sabihing...

"Naalala mo?" Sabay nakakaloko na tawa at napalitan ulit ng pagkaseryoso. 

"Alam mo ba ang consequences kung malalaman niya kung sino talaga tayo?" Tanong niya habang nagtitipak sa keyboard ng laptop nito ng hindi nakatingin sa akin. 

"Lalong-lalo na't isa siyang pulis hindi lang ordinaryong pulis kung hindi nagta-trabaho rin siya sa FBI" kasabay nun ay ihinarap niya sa akin ang laptop sa akin na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Emmanuel Alejo.

Nakatitig lang ako sa screen ng laptop. SPO3 Emmanuel Alejo, an NBI Police for 5 years. At marami ring siyang awards na natanggap. Mga parangal sa kanyang mahusay na pagtatrabaho bilang isang Police. Mga Drugs man o krimen.

Bumuntong hininga ako seryosong tinitigan siya. "Kung malalaman man niya...I'll finished him first before he inform this to his colleagues"

"Talaga lang ha?" Nakataas ang kilay nito at naka-cross arms at nakadi-kwatro akong tinitigan. Ilang segundo ko pa siyang pinagmasdan at nagkibit-balikat at tumayo. 

"Aalis na ako pupuntahan ko pa si Boss" yun lang ang sinabi niya at lumabas ng bahay.

Bumuga ako ng hangin at ihiniga ang katawan sa sofa. Tinakpan ng braso ko na walang sugat ang mata ko para makapagpahinga. Hindi pa nakakasampong segundo ay may nagdoorbell.

"Uurrghh!"

Emman's POV

Pagkalabas ko ng banyo at matapos maligo ay nagbihis ako ng uniporme para pumasok sa trabaho. Bigla ako napatigil ng maalala ang nangyare kagabi. 

Gising na kaya siya? 

Nagmamadali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagabala pang mag-almusal at nagmamadaling lumabas ng gate.

Naabutan ko naman ang kapatid ni Ella na papaalis gamit ang Ducati nito. Nice. Dumeretso ako sa gate ng bahay nila at nagdoorbell.

Mga ilang segundong wala paring nagbubukas ay nagdoorbell ulit ako ng sunod-sunod. Napangisi ako ng may sumigaw galing sa loob.

"P.ta! Sandali!!" Naghintay ako ng ilang minuto para pagbuksan ako.

Nang bumukas at iniluwa ang babaeng sadya ko ay ngumuti ako ng napakalawak. "Hi." Sabi ko habang kumakaway. Nakabusangot niya akong tinitigan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito na nakabusangot parin ang mukha.

Napadako ang tingin ko sa braso nito. Sa tingin ko okay na ito. "Dinadalaw ka. May masama ba roon?" May ngisi sa mga labi kong sabi.

"Oo lalong-lalo na kung ikaw"

"Aww...sakit nun bhe.." Nagkukunwari pa akong nasaktan sa sinabi niya.

Napangiwi ito. Parang gusto ko matawa sa itsura niya.

"Buwesit! Wala akong oras sa'yo!" Pagsasarhan niya sana ako ng gate ng ihinarang ko ang paa ko rito. Sh,t ang sakit? Bakit sa tv, hindi masakit yun? TSk.

"Teka!! Hindi mo ba ako papapasokin?"

"Hindi! Kaya lumayas ka shooo!"

"Ayoko! Kaya papapasukin moko.." dahil nahihirapan siya dahil sa sugat niya sa braso. Kaya madali lang para sakin na makapasok ako.

"Kainis." Bulong ni Ella. Napangisi ako ng matagumpay.

"So?" Tanong ko habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng uniporme ko.

"Ewan ko sayo, bahala ka nga dyan. Bwesit!" Sabay alis papunta sa loob ng bahay niya. Nagkibit-balikat lang ako at sumunod aa kanya.

Naabutan ko siyang nakahiga sa sofa at nakatakip ang mukha nito ng braso niya habang ang isa naman ay yung may sugat. Napatingin ako sa relo ko. Hmm..may oras pa naman ako.

Pumasok ako sa kusina nito at naghanap ng mga rekado. Kahit papaano marunong akong magluto. Lalo na at ako lang mag-isa.

Nang mahanap ko na ay inilapag ko ito sa lamesa at hiniwa ang mga ito. Buti nlng at kompleto sila dito. Nang matapos ko ng hiwain ay nagsimula na akong gisahin ang mga pinaghihiwa ko.

Sunod koo namang ginawa ay yung hotdog at itlog.

"What are you doing?" Napalingon ako sa nagsalita nasa may hamba ng pintuan at ibinalik agad ang atensyon ko sa ginagawa.

"Malamang nagluluto" state to the fact na sagot ko. Inilapag ko naman ito pagkatapos.

"Alam kong nagluluto ka, ang ibig kong sabihin bakit nagluluto ka?" May inis sa tono nito.

Napatawa ako bago sumagot "Pinagluluto ka malamang"

"what?!"

"Ay. Binge...sabi ko nagluluto ako kasi gutom na ako" sabi ko pagkalapag ng panghuling niluto ko. "Okay, Let's eat!" Sabay upo.

Tinitigan lang niya ako nasa may pintuan parin ito na nakatayo. "Tss..." lumapit ito at agad na umupo at nagsimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain. Pasulyap-sulyap ko syang tinitigan. Uhmm...tatanungin ko ba o hindi?

"Bakit ka ba tingin ng tingin? Kanina ka pa ha?!" Singhal niya sa akin dahilan para manlaki ang mata kong titigan siya at matigilan sa pagkain. Bakit ba lagi niyang napapansin na tingin ng tingin ako sa kanya.

Napakamot ako ng ulo. "Ah...Eh..kung hindi mo mamasamain may itatanong sana ako"

"Spill it" nagpatuloy ito sa pagkain.

Bumuga muna ako ng hangin at nagsalita "Ano bang nangayre sayo kagabe?"

Napatigil siya sa tanong ko at mariin akong tinitigan. "As I said, it's none of your business"

Tinitigan ko siya "May pakealam ako kasi trabaho ko yun...paano kung sundan ka ulit ng taong gumawa nyan sayo?"

She sighed. "Pwede ba, ayoko ng maalala ang nangyare kahapon?" Naiirita na wika niya.

"Ano bang nangyare kahapon?"

"Naholdap ako at lumaban kaya ganito.."

"Okay" yun lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Suwerte mo rin 'no?" Napatingala ako para tignan siya at napakunot-noo.

"Ha?"

"Eto..."turo niya sa mga niluto ko "Walangya ka rin anu? Dito ka pa kumain e may bahay ka naman jan..babayaran mo ito bwesit ka!" Sabi niya sabay alis. Pinagmasdan ko lang siyang lumabas ng kusina.

Napapailing ako at napakamot na lang sa batok ko. Nagmamagandang loob lang naman ako dito. Pero yung kumain..ah..eh..sort of.

Napatawa na lang ako sa pinagiisip ko. Haaiissss..hindi ka naman ganito Emman ah? Anyare ba sa akin? Gaya ngayon nagpapa-late pa ako sa trabaho para kay Ella.

Tsk. Tumayo ako at niligpit ang mga ginamit namin sa pagkain. Ililigpit ko na nga lang ito. At kailangan ko pang pumasok sa trabaho.

Papalabas na ako sa bahay ni ella at hindi na ako nakapag paalam dahil wala na siya dun. Papasok na ako sa sasakyan ko ng magring ang phone ko.

"Hello?"

"Emman..."

Napakunot-noo ako. "Oh bakit?"

"Kahapon sa Raid...andoon ang vigilante at pinatay si Draven Scott"

Mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa sasakyan at binuhay ang makina at pinahaharurot ito ng takbo. 

Sino ba talaga ang vigilanteng ito at pinapatay niya ang mga malalaking tao?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status