Share

TTPCIAM; Chapter 5

AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA

Lumabas ako ng bahay ni Sir. Clinton dala ko ang jacket ko na kulay royal blue. Saktong pag labas ko nakita ko ang buong pamilya nasa labas.

Hindi pa ako official na ang papakilala sa pamilya pero mas okay na hindi na dahil ayoko maalala nila ako matapos ang kontrata ko.

“Chef? Halika ipapakilala kita sa aking asawa..” tawag sa akin ni Ma’am Amelia. Napa hinga ako ng malalim at binaba ko muna ang dala ko at nag lakad ako ng tahimik.

“Anong damit yan? Parang hindi ka naman babae!?” May halong pandidiri na wika ni Britney.

Binalingan ko ito at nag salita. “Pakialam mo ba? Ikaw ba nagsusuot?” Tanong ko dito na kina singhap nilang lahat.

Yumuko ako at para magbigay ng galang. “Magandang gabi po, Mr. And Mrs. Clemenza..” malumanay kong bati.

“Napaka bastos ng chef na ito, Amir?” Angal ng isang lalaki, mukhang ama ito ni Britney.

Pero wala parin akong pakialam, “My son’s chef is right. Magandang gabi din hija,”nakangiting bati si Sir. Amir.

Imbes na ngumiti ako at tumango lang ako. “Saan ang punta mo pala hija? May dala kang gamit? May ginawa ba ang anak ko at lalayas ka?” Sunod sunod na tanong ni Ma’am Amelia.

Napagawi ako at agad umiling. “Uuwi po muna ako babalik din po ako mamaya o bukas na po bago mag agahan..” magalang kong paalam.

Nakita ko naman na huminga ito ng malalim. Bago pa ito mag salita may nag salita na sa likod ko. “Aalis na ako, kayo na bahala kina Britney pwede din sila dito matulog..” paalam ni Sir Clinton.

Naka itim ito ng suot mula ulo hanggang paa, tinapunan ako ng tingin nito at nag salita ito. “Ayoko na makaka pasok ka sa gulo at pangalan ng pamilya ko ang madadawit..” malamig na banta nito.

Ngumisi ako at nag salita. “Huwag ako ang alalahanin nyo, Sir. Kaya ko lusutan sarili kong problema. Ma’am, Sir. Mauna na po ako.” Paalam ko at yumuko na ako at mabilis akong nag lakad dinampot ko ang bag na dala ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.

CLINTON MATHEW HOWARD - CLEMENZA

“Ibang klase ang bagong chef mo anak hindi man lang siya nasindak kay Britney?” Tanong ni mommy, nakita ko na umalis na ang chef ko.

Napa singhap ang magulang ko ng biglang haru-rot ang sasakyan nito, nakita ko pang umapoy ang inilabas na usok ng tambutso ng sasakyan nito.

“Interesting women, gusto ko kumuha ka anak ng information sa babaeng yun. Gusto ko pa siya makilala!” Utos ni dad.

“Tito? Nandito pa ako okay? Ako ang fiancée bakit lahat kayo naka tuon sa babaeng yun? Bago lang yun ah?” Pagtatanong ni Britney.

“Can you please, shut it?” Tanong ko dito at umalis na ako.

“Napaka mo talaga, andun yung tatay oh?” Wika ni Steve ang kaibigan ko, kasama ko ito simula pa high school.

“Wala naman akong pakialam sa existing ng babaeng yan, alam niyo bakit ko yan pinakiki-samahan..” sagot ko at pumasok na ako sa backseat ng sasakyan.

“Bakit pa kasi hindi mo sabihin na hindi siya yung babae na hinahanap mo? Napaka dali lang naman gawin yun?” Tanong sa akin ni Charles.

“Hangga’t hindi ko siya nakikita hindi ako titigil mag hanap. At reserba ko lang si Britney, kahit ikasal kami madali lang siyang idispatsya.” Walang puso kong sagot.

Wala naman akong pakialam sa nararamdaman ng babaeng yun, just for the show only nakikinabang din ang Clemenza sa pamilya ng mga Mddend mas lalo sa ama nito.

“Malapit lang dito ang location ng palitan.” Wika ni Steve.

Tumango ako bago mag salita. “Basta walang mangingialam na kahit sino sa palitan na ito. Kundi mayayari ka sakin Steve.” Pag babanta ko.

“Bakit ako? Inutusan lang ako ng Lolo mo!” Pag palag nito tiningnan ko ito ng masama.

AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA

Pagdating ko sa mismong location sinuot ko na ang earpiece ko at bumaba na ako ng sasakyan ko. Pinarada ko ang sasakyan ko sa hindi kalayuan sa mismong fish port.

Naka lagay sa isang eskinita ang sasakyan ko doon ko ito pinarada, nag tungo ako sa likod ng kotse ko at kinuha ko ang sniper ko. Naka assemble na ito kaya wala na akong gagawin kundi umakyat sa gusaling nasa tabi ko.

“Ava? Nasa location kana?” Narinig kong tanong ni Bryant sa akin.

“Kararating ko lang, paakyat na ako ng gusali. Nasa isang daang milya ang layo ko sa mismong fish port..” sagot ko at inuga ko na muna ang bakal na hagdan.

Nang makita ko naman na matibay pa umakyat na ako. “Napakalayo mo! Kaya mo sa ganyan kalayo?” Tanong nito.

“Ngayon ka pa talaga nag duda ha? Oo naman limang daan nga nagagawa ko pumatay ng ganun kalayo? Ito pa kaya?” Hindi Makapaniwala kong tanong dito.

Nang maka-akyat na ako sa taas doon ko malinaw na nakita ang fish port, ngumisi ako at sinet up ko na ang gamit ko.

“Malamang, hindi mo balwarte ang maynila, ni hindi mo nga kabisado dito.” Sagot ni Bryant natawa naman ako dahil totoo yun.

Sanay ako sa probinsya lang o sa ibang bansa at sa hindi kalakihan na bayan. Hindi naman bago sa akin ang maynila, hindi ko lang kabisado.

“Oo nga pala diba may kilala dito na mafia din? Sino sila?” Tanong ko kay Bryant.

“Bakit mo natanong? Sila ang sinasabi na mas delikado pa kay Kazimir yung babae kasi ang boss nila..” sagot nito.

Napa tigil naman ako at nag salita ito ulit. “Napa tigil ka ata? Babae ang boss nila, ewan ko kung kilala ni Kazimir yun, pero kung oo sino kaya mananalo?” Mapag larong tanong nito na kina tawa ko.

“Tingin mo may pakialam yun? Alam mong wala pero kung mag kaharap kami ng sinasabi mo, hindi naman ako papayag na mapahiya tayo..” wika ko at inayos ko ng lense ng sniper ko at tiningnan ko ang mga target.

“Hahaha narinig ko mas walang pakialam yun, but anyway palapit na sila..” wika nito, kaya naman kinargahan ko na ng bala ito at umayos ako ng pag kakaupo. Nakabuka ang dalawang hita ko at ang pole ng pinag patungan ko ng sniper ay nasa pagitan ng naka buka kong hita.

Pinikit ko ang kanan kong mata at kinasa ko ang sniper ko. “Huwag muna, hintayin mo na lumabas si Mr. Yao sa ulo mo patamaan..” narinig kong utos ni Bryant.

“Alam ko, trabaho ko ito Bryant huwag kang maingay! Siguraduhin mo lang na walang makaka kita sakin..” pabulong kong sagot dito.

Nakita ko na tumigil na ang malaking private yacht, “Ang kinatatakutan ko, biglang sumulpot ang mga mafia na yun at sila ang tumapos dyan. Sigurado yan malaking gulo yan..” wika na naman ni Bryant.

“Bakit sila din ba ang gumugulo sa mga ito?” Tanong ko naman dito hanggang bumukas ang isang cargo truck at nakita ko ang pag labas ng mga babae.

“Dalawa lang tayo, paano natin maliligtas ang mga babae?” Tanong naman ni Bryant.

“Tapusin sila yun ang magandang paraan!” Sagot ko at tinutok ko na ang nguso ng baril sa ulo ni Mr. Yao.

“Teka may naka stand by sa malapit kaso isa lang eh..” wika nito, ngunit hindi ko na ito pinakinggan hanggang pakawalan ko na ang isang bala sa ulo ni Yao.

Sunod kong tinutok ito sa kasama nito, sunod naman sa lalaking naka itim na damit. Ngunit ng iputok ko ulit naka iwas na ito hanggang naiwan na ang mga babae.

“Bryant, mag tawag kana ng pulis tama na ito!” Utos ko at pinanood ko silang nag kaka gulo.

“Umalis kana mamaya malaman pa nila saan naka derekta ang asinta!” Utos nito kaya kinuha ko ang gamit ko at mabilis akong tumakbo patungo sa dulo ng rooftop.

Sinampa ko sa balikat ko ang gamit ko at bumaba na ako ng mabilis. “Bryant? Balitaan mo ako tungkol sa mga babae!” Bilin ko dito, nang maka baba ako agad akong pumasok sa sasakyan ko at nilagay ko sa likod ang aking sniper.

“Oo, balitaan kita bilisan mo na!” Pag mamadali nito kaya agad kong pina haru-rot ang sasakyan ko pabalik sa Clemenza.

Nasa high way na ako ng may nakasalubong ako nga police mobile, kaya alam ko na safe na ang mga babae. Pero sino ang naka stand by doon? Nag aabang ba yun?

Yung lalaking naka itim pamilyar pero hindi ko alam saan ko nakita yung damit na yun, tinamaan ko lang ito sa braso pero daplis lang sa mga kasama niyo ganun din para lang mabasag ang atensyon nila.

Bago ako dumeretso sa mga Clemenza inayos ko muna ang baril ko at nag palit na ako ng jogger pant at malaking jacket. Matapos nito dumeretso na ako sa mga Clemenza, mabuti at pinag buksan pa ako ng gate.

Medyo malayo ang bahay ko dito, sumaludo ako sa mga bantay at pumasok na ako. Hanggang makarating ako ng itim na gate.

Pinapasok parin ako doon ko napag tanto na bukas pa pala ang ilaw at may gising pa sa kanila. Nang tingnan ko ang oras sa sasakyan ko, alas nuwebe pa lang ng gabi.

Pinarada ko na ang sasakyan ko at bumaba ako, doon ko din napansin ang pag sunod ng tingin sa akin ng gwardya na nakatayo sa gate.

Pasimple lang akong yumuko at tiningnan ang hawak ko, napag tanto ko na bumabakat pala ang silencer ng sniper ko. Ngunit binaliwala ko yun at pumasok na ako sa loob ng bahay.

“Oh nakuha mo na ba ang kailangan mo?” Napa lingon ako sa nag salita at doon ko nakita si Ma’am Amelia.

Yumuko ako bilang pag galang bago sumagot. “Opo, ito po. Mga naiwan ko po itong de lata na pagkain. Sayang po kasi kung hindi ko dadalhin.” Magalang kong paliwanag dito.

Ngumiti naman ito at nag salita. “Bukas pala, doon ka sa bahay ha? Kasi aalis ang chef namin mag aasikaso ng kasal nila ng kanyang Fiancée kaya hiniram muna kita sa anak ko. Pumayag siya don’t worry.” Naka ngiti nitong wika.

Napa ngiwi naman ako at tumango na lang ako dahil wala naman ako magagawa sila ang nagpapasahod sa akin.

“Don’t worry too, uuwi doon si Clinton kaya naman makaka-kain parin siya ng luto mo.” Muling paliwanag nito.

“Sige po, wala po sakin problema. Mauna na po ako ayusin ko lang po ang dadalhin ko po.” Paalam ko.

“Okay sure, 5 in the morning alis na tayo dahil may kalayuan ang bahay namin..” bilin ni Ma’am Amelia.

Ngumiti ako at nag tungo na ako sa kwarto ko, inayos ko ang gamit ko na ito at tinago ko muna sa ilalim ng kama ko. Bukas ilalagay ko na ito sa sasakyan ko dahil may taguan ako doon.

Hindi agad yun napapansin kapag sapilitan itong binuksan ng kahit sino. Matapos nito nag tungo na ako sa banyo upang maligo, dahil sa init ng panahon ngayon daig may katabi kang apoy sa init.

Umiling na lang ako habang naliligo, matapos nito lumabas na ako at nag bihis ako ng jogger pants at loose t-shirt. Lumabas ako at nag tungo ako sa katabi kong kwarto at kumatok ako.

Hindi nag tagal bumukas din ito. “Hi! Nay may hair blower po ba kayo dito o dryer??” Tanong ko dito habang naka ngiti.

“Yung pang buhok ba? Yung para matuyo?” Tanong nito kaya tumango ako ng sunod sunod habang hindi inaalis ang ngiti ko.

“Ay oo meron dito sa gamit ko, sa dating katulong ito nila hindi na dinala. Ito kunin mo na..” sagot nito ulit at inabot sakin ang hair dryer.

“Salamat nay!” Pasasalamat ko at umalis na ako, nag tungo ako sa kwarto ko at doon ako nag patuyo ng buhok ko.

Dahil wala naman ng gagamit nito, nilagay ko na ito sa gamit ko. Ibabalik ko na lang kapag tapos na ang kontrata ko dito.

Habang naka upo, umilaw ang cellphone ko na nasa harap ko din kaya binasa ko ito.

From Bryant:

Okay na ang lahat. Huwag kana mag aalala.

Basa ko dito, binura ko ang message na yun at ngumisi ako. Sigurado ako na kakalat ito sa buong bansa, at ang mga Chinese ay bubuwelta naman.

Umiling na lang ako at nag desisyon akong matulog na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status