MajaKanina ko pa nilalakasan ang loob na harapin ang bago professor at inakala na mapapayag ko ito sa aking nais. Pagkakita ko pa lamang sa first name nito sa ID ay natitiyak ko siya na nga ang taong ayaw ko makita pa ulit. Sa isip ko ay baka parusa lamang ito dahil sa uri ng trabaho mayroon ako.Sa mga titig nito ay halatang makapal ang mukha ang tingin sa akin. Sigurado na naaalala ako nito puwera na lamang kung marami babae na itong naikama. Ang sagwa ng bagay na naiisip ko ngunit marahil totoo naman ito. Ang gulo ko talagang mag-isip dahil nalimutan ko ang tunay nito kasarian.Ayaw ko ang ginagawa niyang pagtataboy ngunit wala ako magawa kun’di ang iwanan ito, kaya naman tumayo na sa kinauupuan ko, “Makatulog ka sana ng mahimbing mamayang gabi, sir.”Sinasadya ko itong tawagin sir upang asarin, hindi maipaliwanag sa sarili kung bakit ko ito ginagawa. Iniwan ko itong nakakunot ang noo at lumabas na sa faculty upang makahanap ng ebidensiya. Nagtungo ako sa isang computer shop na ma
MajaMaaga ako pumasok kinabukasan kahit sobrang pagod sa pagsasayaw kagabi sa casa at idagdag pa na halos wala tulog.“Did you hear me, Ms. Lynn?”“Ah?” nakatanga ko tugon habang nakatitig sa kinaiinisang guro.“You are not listening,” sabi pa nito.“Kasi naman po, ang bilis niyo magsalita,” pangangatwiran ko sabi, ngunit ang totoo ay walang pumapasok sa utak ko.“You are not listening,” ulit pa nito habang nakahalukipkip.Tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan. Halatang nagalit ito sa ginawa ko kaya napakunot ang noo nito.“Stand up and solve the problem on the board,” may pag-uutos na sabi nito sabay abot ng chalk.Wala ako magawa kun’di ang tumayo at lumapit sa board. Nakatingin lang ako sa nakasulat dahil hindi ko talaga alam ang isasagot. Nagkaroon pa ng panandaliang katahimikan sa klase na marahil naghihintay silang lahat.“I’m sorry, sir. Hindi ko po talaga alam ang sagot,” nahihiya ko sabi.“Okay, take your seat.” Utos nito at sinulatan ang classcard ko na marahil ay ka
Faolan Hindi ko inasahan na mawawalan ng malay si Maja kanina sa faculty. Sa pagkabigla ay natawag ko ito sa kanyang palayaw na kahit kailan naman ay hindi kinalimutan ng aking isipan. Binuhat ko siya papunta sa klinika upang matignan ng doktor na naka-duty sa araw na ito. Dahil sa nararamdamang guilt ay nagpasya ako na bantayan ito at balak na iwanan sakaling magising na. Sinabi ng doktor na walang dapat na ipag-alala dahil over fatigue si Maja na marahil naaabuso ang katawan nito sa trabaho. Naupo ako sa silyang katabi ng kama at pinagmamasdan ang mukha ni Maja, maganda pa rin ito. Sa palagay ko ay hindi pa niya iniiwan ang dating trabaho. Napatingin ako sa nakapikit niyang mga mata at napagmasdan muli ang mahahabang pilik-mata nito na noon pa man ay hinahangaan ko na. Nang bigla ko napansin na gumalaw ang mga ito, alam ko nagtutulug-tulogan lamang at marahil kanina pa gising. Kinurot ko ang pisngi nito na kinainis niya, tama nga ako na gising ito. “Bakit ba kayo nandito?” tanong
Venus ClubFaolan Ito na marahil ang lugar na sinasabi ni Mona na kung saan nagtatrabaho si Maja, ang Venus Club. Hindi muna ako lumapit sa entrance na binabantayan ng isang lalaki may kalakihan ang katawan. Pinagmamasdan ko muna ang mga taong pumapasok, nang bigla may masagi ang mga mata ko na nasa gilid ng club. “Neil,” bulong ko sa sarili habang titig na titig sa lalaking naninigarilyo. Hindi ako makapaniwala na narito siya, ngunit bigla ako napaisip na sa Sunday pa ang day off nito kay dad, “Gosh, maybe dad is here too.” Paalis na si Neil sa kinatatayuan niya matapos magpatay ng sigarilyo kaya sinundan ko ito. Nagtataka ako na sa likuran ng casa ito papunta at sa ‘di kalayuan ay napansin ko ang sasakyan ni dad na naka-park. Ngayon ay nakakatiyak ako na nandito rin siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin pa rin sa sasakyan ni dad at napansin na ang mga naka-park na sasakyan dito ay mamahalin. “S-sir Faolan?” Bumaling ako ng tingin sa tumawag ng pangalan ko, nagtata
MajaTapos na ang serbisyo ko sa gabing ito kay Cong. Moran kaya nagprisinta ako ihatid siya sa parking area.“Sigurado ka ba na ikaw ang nagturo ng sayaw sa bago dancer kanina?” tanong ni congressman habang naglalakad kami sa hallway.“Ako nga, daddee. Sa palagay mo ba ay may iba pa na magtuturo ng sayaw sa kanya?” tugon ko na kumapit ng mahigpit sa kanyang braso. Hindi ako nakuntento kaya naman pinisil-pisil ko ang pisngi nito.“Hindi ako makapaniwala na ikaw talaga ang nagturo ng sayaw. Akala ko ay si Imee ang nagtuturo ngayon sa mga bagong pasok dito.”“Bakit mo naman inakala na si mamasang ang nagtuturo ng sayaw?” nagtataka ko tanong. Napanood ni congressman kanina ang pagsasayaw namin sa stage kasama ang isang bago recruit ni mamasang.“Ang tigas kasi ng balakang ng bago niyo kasama,” sagot ni Cong. Moran sabay halakhak.Natawa na rin ako sa sinabi nito dahil may katotohanan ito. Mahirap turuan ng sayaw ang bago pasok dahil may pagka-boyish kung kumilos.“Ang harsh mo kay mamasa
Metro Manila Maja “Don't be surprised that we've here. I'd like to visit you and my brother's grave,” panimula ni Aunt Marione nang makaupo sa silyang kawayan. “How did you find our location?” nagtataka kong tanong. Alam kong may mas importanteng sadya ito sa pagparito kasama ang kanyang anak. “We hired an investigator to locate you. We're also here because your grandmother has decided to give you your father's inheritance. However, on one condition,” Aunt Marione said in calm tone. Nalungkot ako sa narinig dahil kung nakuha sana noon pa ni papa ang kanyang mana ay marahil nadugtungan ang buhay nito. “What condition?” tanong ko, na hindi mapakali sa kinatatayuan. Nararamdaman ko na nagsisimulang magpawis ang aking mga palad dahil sa tinatakbo ng usapan. Ni minsan ay hindi ko naisip na maaalalang bisitahin ako ng nag-iisang kapatid ng aking ama. “You need to marry the only son of the Jensen family.” Nanlaki ang mga mata ko sa diretsong sagot ni Aunt Marione. Kasabay nito ang pa
Metro ManilaMajaBumili ako ng pagkain sa isang malapit na convenient store. At ngayon ay papasok sa loob ng Bonifacio Public Hospital, upang magtungo sa silid ni papa. Ilang araw na siyang walang malay mula ng ma-stroke ito at ngayon ay nasa comatose stage. Dito namin siya dinala dahil wala kami pera gagastusin sa private hospital.Sinabihan ako ng doctor ni papa na ilipat ito sa malaking ospital upang maoperahan ang baradong ugat nito sa ulo. Ngunit nakiusap ako na bigyan ng sapat na panahon upang makaipon ng pera bago ilipat si papa.Binitawan namin ang puwesto sa palengke dahil walang mag-aasikaso. Nagamit na rin ang puhunan para sa karne dahil ibinayad ko sa mga laboratory test ni papa at iba pang gastusin.Naglalakad na ako sa hallway ng second floor at malapit na sa silid ni papa. Nang bigla ako kinabahan kaya tumigil sa paglalakad. Marahil ay nasosobrahan ako sa pag-aalala kay papa, idagdag pa na ilang gabi puyat. Bumuntong-hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad.Napansin
Bonifacio Public Hospital Maja Pinuntahan kami ng doktor sa silid dala ang biopsy result ni lola. “Ms. Lynn, ayon sa biopsy report ay may Stage 1 Ovarian Cancer si lola,” saad ng doktor. Nanginig ang katawan ko at napaupo sa gilid ng kama, mabuti na lamang at tulog si lola na hindi narinig ang sinabi ng doktor. “Ms. Lynn, ‘wag ka matakot,” wika ni dok na nahalata ang nararamdaman ko, “Maaari natin malunasan ang sakit ni lola.” “P-paano po?” “Aalisin ang matris ni lola, pagkatapos ay mag-undergo siya ng Chemo at iba pang kailangan na therapy for cancer patient.” “Magkano naman po ang magagastos?” “Tatapatin na kita,” wika ni dok na inayos po ang collar ng suot na damit, “may kalakihan ang magagastos na maaaring umabot ng isang milyon.” Namilog ang mga mata ko sa narinig dahil hindi inakala ganoong pera ang kakailanganin, “Bakit ganoon po kalaki dok?” “Sa ibang ospital kailangan gawin ang operasyon ng pag-alis sa matris ni lola. Ganoon din ang ibang kailangan na therapy dahil