Share

Chapter 36 The Marriage

PAG-ALIS sa restaurant ay tinawagan muna ni Oliver si Artem at sinabi dito na magkita na lamang sila sa bahay ni Elisa dahil babalik na sila ng Maynila.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay hindi napigilan ni Oliver na itanong kay Elisa ang narinig niyang usapan nila ng kapatid.

“Naniniwala ka bang ang isang lalakeng babaero ay wala na talagang pag-asang mag-bago?”

Ikinagulat ni Elisa ang tanong ni Oliver at nahulaan niyang narinig nito ang usapan nila ng kuya niya.

“Pasensiya ka na kay Kuya. Masyadong judgemental.”

“Natural lang yon dahil pinoprotektahan ka niya.”

“Hindi na importante kung ano ang paniniwalaan ko Oliver. Isa lang ang masasabi ko, mahal na mahal kita at kahit ano ka pa ay pipilitin kong unawain yon. Kahit pa mambabae ka basta umuwi ka lang sa akin dahil ako ang asawa mo.”

Labis na naantig ang puso ni Oliver sa naging sagot ni Elisa. Labis niya itong hinangaan. Pambihira kasi sa mga babae ang may ganoong attitude. Kadalasan kasi ay bengador ang mga babae. Dahil sa selos ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status