Share

CHAPTER 1: CAUGHT

(CAUGHT)

TANGHALI na ng magising ako. Umunat muna ako sabay hikab, pagkatapos ay bumangon na sa aking kama. Agad na kumalam ang sikmura ko at napagtantong nagising ako sa gutom.

Dali dali akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina at maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref ay tumambad sa akin ang napakaraming stocks. Magmula frozen foods hanggang sa rekados pangluto ay meron. Hindi rin nawala ang sweets na aking paborito, pati na mga prutas.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na ako. Grabe si Rebecca, hindi lang bahay kun'di pati na pagkain ay kinumpleto na.

Nakaramdam tuloy ako ng lungkot, gayoong miss ko na siya. Siguro nasa Paris na siya ngayon. Mamaya ay tatawagan ko sa messenger para kamustahin ito at balitaan na rin sa nangyari sakin baka kasi napagod pa iyon sa biyahe at nagpapahinga na.

Speaking of that, nabuhayan ang dugo ko ng maalala ko pala na tumakas ako sa honeymoon namin ni Fiandro. Ano na kayang nangyari sa lalaking 'yon? Nabalita na kaya ako sa tv? O baka sa social medias?

Umurong ang gutom ko ng bumalik ako sa kwarto, halos tumalon na ko mula sa kinatatayuan ko para makuha ang aking cellphone. Mabilis ang pagtingin ko sa kahit anong social medias kung naibalita na peke ang kasal namin ni Fiandro saka iyong issue na tinakasan ko sa hotel.

Laking ginhawa ko naman ng malamang wala ni kahit isang masamang balita tungkol doon. Puro lahat tungkol sa ikinasal lang kami at nag-trending iyon pati sa twitter.

Hindi na ako magtataka kung bakit. Unang-una, kilala ang Arzadon real state sa buong panig ng bansa. May mga bigatin din kasing bisita itong si Fiandro na nadagdag pa sa balita. Kaya imposibleng hindi ito sasabog ng mabilisan.

Pero napaisip pa rin ako, bakit nga ba hindi pa din nababalita? Weird pero ipinagkibit balikat ko nalang.

Bumalik ulit ako sa kusina para mamili ng lulutuin dahil nagparamdam muli ang aking gutom. Saktong pag bukas ko ng ref ay may nag doorbell.

Naiirita akong bumaling sa pintuan. Diyos ko, kung kailan maghahanda na ako saka may bisita. Pero diko naiwasang magtaka, kasi nag-iisa lang itong bahay ko at wala ako ni isang kapitbahay dito kasi tuktok na 'to ng bundok.

Paloob at pataas itong lugar na nabiling bahay at lupa ni Rebecca sakin. Hindi ko rin kabisado ang lugar dito, siguro sinadya niya iyon para hindi ako mahanap kung sinoman.

Sa bundok na'to ay masasaksihan mo ang pag-akyat ng haring araw mula sa kabilang kabundukan. May mga bahay-bahay rin naman rito pero sobrang magkakalayo sa isa't-isa, siguro sa privacy na rin. Tahimik din dito, malayo sa polusyon ng mismong bayan at nakakarelax. Iyong bang wala kang iniisip na problema kun'di ang sarili mo lang.

Tamad ang paglakad ko para pagbuksan ang kung sinong bisita. Baka mga kapitbahay ko na gustong magpakilala? Marahas akong umiling para mabuhay ang dugo ko saka inayos ko ang aking itsura, bahagyang sinuklay ko gamit ng daliri ng kamay ko ang aking buhok para magmukhang maayos.

Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti bago buksan ang pinto. Pagbukas ko ay pwersahan itong pumasok sa loob. Maagap niyang sinara ang pintuan kaya napasandal ako sa likod ng pinto saka kinulong ang mga kamay niya roon.

Sa sobrang gulat at sa mabilis ng pangyayari nakaligtaan kong huminga dahil sa takot. Hanggang dibdib ko lang siya, at ang damit na suot niya ay sobrang pamilyar.

Trumiple ang kalabog ng dibdib ko, hindi ko magawang tingalain siya para makita ang kanyang mukha. Kahit gustuhin ko man ay pinako ko nalang ang tingin ko sa dibdib nitong taas-baba dahil sa mabibigat na paghinga.

Ang mainit niyang hinga na tumatama sa aking mukha ay nagbabaga, parang mamumuo ng apoy sa sobrang init ng pagbuga. Sht! Galit ba siya?

Ramdam ko ang pagtagilid ng kanyang ulo, pero nanatili pa rin ang titig ko sa dibdib nito. Papaano niya nalaman dito? Buong akala ko ligtas nako? Sinong nakakaalam sa lugar na'to bukod kay Rebecca at ako? Nagsumbong ba iyong taxi driver na sinakyan ko?

Akala ko ba naaayon sa lahat ng plano ni Rebecca 'to? Nasa plano rin ba 'to na sundan ako rito?!

Ang daming tumatambol na tanong sa utak ko pero wala ni isa doon ang naisagot ko. Ilang segundo rin siguro ang pagtatagal namin sa ganoong posisyon. Kulang nalang na magpalamon na ako sa pinto dahil sa sobrang dikit ko rito.

"Mukhang nakalimutan mong kasal ka na?" aniya sa malalim na boses pero ramdam ko roon ang sobrang lamig na pagkakasabi.

His cold presence makes me die in shivering and the heat spreading around us like a wildfire in hell. He's like a beast and I'm a soul waiting for my judgment.

Hindi ako nakapagsalita, parang hindi pa ako mahila-hila sa realidad. Hindi ko aakalaing mahahanap niya ako dito na hanggang ngayon ay inaalam ko ang sagot kung paano.

May namumuo ng maliliit na butil ng pawis sa aking noo, at sa gilid ng aking mukha. Ayaw kumalma ang mga tuhod kong kanina pa nanginginig sa kaba.

Wala pa siyang ginagawa, pero grabe ang impak niya. O kaya naman dahil sa ginawa ko kaya ako natatakot ng ganito? I never knew this will be my consequences after what we did to him. How I wish he won't punish me in a brutal way!

"Mrs. Arzadon. Speak up," he said in the same tone and it sent shivers down my spine. God! Why am I getting this feeling?

For the second time, I didn't speak or answer. I stayed remained in my position. Manigas ka diyan.

I heard him scoffed. Sinabit niya ang iilang buhok ko sa isa kong tainga na nagpatayo sa mumunti kong buhok sa anit ng aking ulo, atsaka inilapit ang mukha nito. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na nagpalamig lalo ng aking kalamnan at buong katawan. Na pati ang mga balahibo ko sa buong katawan ay nagsitayuan.

"Escaping won't mean anything, 'coz I can easily find you wherever you go. Sasama ka sakin at ito na ang una at huling beses na tatakas ka. Remember you are married to me." he whispered. And it's like a threat.

Nag-init ang mga tainga ko sa sinabi niya. Hindi ko napigilang balingan siya, wala na akong pake kahit ilang dangkal na ang pagitan ng aming mukha basta wala siyang karapatan sa akin! Hindi niya ako pag-aari!

I can see his cold expression, dark face, and burning eyes direct in me. So it's true, he's this scary, huh? But this time, I have my guts. Sa relasyon namin, sumobra siya sa linya.

And excuse me? He doesn't own me and I'm not even his wife!

Galit na gulat ang itsura ko, halos hindi makapaniwala. "Magkaliwanagan tayo Mr. Arzadon, unang-una, hindi mo'ko pag-aari. Pangalawa, anong asawa? Hindi talaga tayo kasal at peke ang marriage contract nating dalawa. Kaya huwag kang assuming sa mga pinagsasasabi mo. At hindi ako sasama sa'yo." matapang kong sumbat. "You may leave, now." mariin kong sabi, naghahamon ang mga mata kong nakatingin sa nandidilim nitong mga mata.

Namungay ang mga mata ni Fiandro, para bang may sinabi akong ikinamangha niya. Umawang ang kanyang bibig pero walang salita na lumabas roon.

His brows shot up. "Okay, I'll leave..." he said in a playful tone. "With you." sa huling salita nito ay malamig at malalim ang boses non.

Napatili ako sa mabilis niyang pagbuhat sakin papunta sa kanyang balikat. Binuksan niya ang pinto at kita ko ang malalaki at mabibilis na hakbang ng mokong na'to kahit nakapatiwarik ang posisyon ko.

Pinagsusuntok ko ang likod niya na wala lang sakanya, hindi sasapat ang aking lakas para matablan siya sa aking suntok. Mukhang bato ang likod nito sa sobrang tigas non. Sinubukan ko ding kalasin ang mga paa kong mahigpit ang pagkakahawak ngunit nabigo rin ako.

Halos mapaos ako kakasigaw para humingi ng tulong. Pero grabe! Wala ni isa ang makakarinig sakin dahil nasa baba ng bundok na'to ang mga kapitbahay ko!

Ang galing talaga mamili ni Rebecca. Malayo para hindi mahanap, pero mahirap kapag humingi ka ng tulong.

Pinasok niya ako sa kanyang sasakyan pareho kaming nasa backseat at ng maibagsak niya ko roon ay hindi ako tumigil na magwala. Pinagsasampal ko siya hindi ko na alam kung saang parte ng kanyang katawan o mukha ang natatamaan ko. Nanggigigil ako ng sobra!

Sinangga naman nito ang mga bisig niya ng pa ekis para harangin ang mga palo ko, pero hindi iyon naging hadlang sa akin at sige parin ako sa pagtampal.

Nahuli nito ang dalawang palapulsuhan kong kamay at pwersahang hiniga saka pinako ang mga kamay ko pataas.

Habol hinga ko siyang tinitigan sa galit kong mga mata. Pero walang makakatinag sa mata nito na mas galit at sa nag-iigting nitong panga na para bang kanina pa nagtitimpi sa aking ginagawa, na kulang nalang pitikin ko na ang natitira niyang pasensya.

"Don't make me do something you don't like. Don't try me." mariing pagbabanta sakin at hindi tinatanggal ang madilim at malamig nitong tingin.

Nakuha ko pa siyang pagtaasan ng noo kahit na nakahiga ako. "Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" paghahamon ko rito.

He smirked at me, and I don't like the way he did that. He leans closer to me, and I can feel his hard and warm body on mine. Tinagilid niya ang kanyang ulo saka dinikit pa lalo ang katawan nito sa akin. Lihim akong nalunok anong gagawin niya sakin?

Pumukit ako ng mariin at tinikom ang aking bibig. Natataranta na'ko kaya wala akong ibang nagawa kun'di iyon lamang.

Ilang segundo lang ay naramdaman kong umalis na siya sa pagkakadagan sakin, binitawan na rin niya ang palapulsuhan ko. Yumakap ang lamig sa buo kong katawan dahil sa aircon ng sasakyan.

Minulat ko ang mga mata ko at agad na bumangon saka lumayo kay Fiandro. Galit ko siyang tiningnan habang habol ako sa hinga, siya naman ay kalmadong tinutupi ng maayos ang manggas ng polo na parang walang nangyari o ginawa sakin.

Seryoso siyang tinutupi iyon at nakita kong mata lang niya ang sumulyap sakin. I admit it, it's kinda scary and creepy. Deep and dark sight like he was already aimed the target.

I saw his jaw clenched and it was intense. As if it was he's controlling himself from doing something in me. Something that I won't like.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at inilipat iyon sa labas ng bintana. Tinaas ko ang mga paa ko saka niyakap ang mga binti ko. Nginitngit ko ang aking mga ngipin, doon ko nalang dinaan ang inis at galit sa kanya at sa nangyayari.

Sa kalagitnaan ng biyahe, ay sinubukan ko siyang sulyapan. Sakto namang nakabaling siya sa labas ng kotse. Nakaekis ang mga binti nito, ang siko niya'y naka-tuko sa may bintana ng sasakyan at ang kamay non ay nakapangalumbaba.

I wonder what he is thinking right now...

Umirap ako pabalik sa aking tinitingnan black ang tinted ng bintana kaya hindi klaro sa akin kung saang lugar na kami. Saan kaya niya ako dadalhin?

Humigpit ang pagkakayap ko sa aking mga binti saka sinandal ang ulo ko sa bintana. Naiwan pa ang cellphone at card ko sa bahay ko. Paano ko na makokontak si Rebecca niyan?

Huminga ako ng napakalalim at maingat ang pagbuga ko. Ano pa bang kailangan ng mokong na'to sa akin?

Sigurado akong mana lang ng kompanya ang kailangan niya kaya nagpakasal siya sa hindi niya nakikilala at nakikita. Hindi pa ba sapat na nangyari na 'yon at dapat nagdidiwang na siya ngayon kasi ipapasa na agad ang posisyon sakanya sa kompanya nila?

Huminto ang sasakyan, tanging nakikita ko lang sa parte ko ang matayog na pader. Binaba ko ang mga paa ko at tiningalang maigi ang labas. Ang nakikita ko lang sa loob ng pader na 'yon ay ang bubong na siguro ay bahay na aming hinintuan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan kay Fiandro saka bumaba. Hindi ko alam na pupunta siya sa aking pwesto para siya ang magbukas ng pinto.

Nagtama ang aming tingin basa ko ang lamig at dilim ng mga mata niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay bilang pagtataray sa kanya.

"Out." malamig niyang utos na hinalukipkipan ko lang.

Ano 'yon? Parang aso lang na inuutusang lumabas ng sasakyan?

"Ayoko." pagtataray ko.

Sumandal ako sa back rest nanatiling nakahalukipkip saka taas noong tumingin sa harap. Sinong tinatakot mo?

Siguro sa ganitong pag uugali at pagsusuway sa gusto niya ang magiging daan ko para makabalik sa amin.

Sa gilid ng mata ko ay kita kong bahagya siyang natingala saka kinagat ang ibabang labi na para bang timping-timpi na sa aking inaasal. Ganyan nga, mainis ka.

Tumaas ang sulok sa kabilang gilid ng aking labi sa parteng hindi niya nakikita.

May parte sa akin na natatakot ako, dahil sa kung anong pwede pa niyang gawin sakin lalo na kung sa pisikal. Pero sa kabilang parte ko rin ay hindi nagpapatalo ang taas ng pride ko. Siyempre hindi naman kami talaga kasal. Atsaka, ano pa ba ang kailangan niya sa akin kung ang habol niya ay ang posisyon lang ng ipapamana sakanya?

"Hindi ka talaga bababa?" pagalit niyang banta na hindi ko pinansin, kunwari walang narinig.

But I'm starting to sweat like bullets from my forehead. I don't know why he can give me this kind of feeling. It's very cringing.

"Ayaw mong bumaba? Sige ipapabuhat nalang kita." naiinis niyang sabi. Napuno na sa katigasan ko.

Hindi ko sana papansin pero...

"Marco! Buhatin mo siya." naiinis niyang utos na tinanguan agad ng lalaking naka-all black suit.

Bodyguard iyon na nagbabantay sa labas ng malaki nilang black gate. Iniwan ako ni Fiandro roon habang papunta naman sa banda ko ang tinatawag niyang Marco.

Bago pa makalapit ang bodyguard ay agad akong bumaba ng kotse, hindi nito napigilang magtaas ng kilay sa akin.

Inunat ng bodyguard ang kamay nito at idinirekta sa direksyon ni Fiandro na naglalakad papunta sa gate. Sinunod ko ang turo nito, niyakap ko ang aking sarili para takpan ang katawan at lamig ng hangin na aking nararamdaman.

Gamit ko pa rin kasi ang sando at shorts ko at balak ko pang mamili ngayong umaga ng mga gamit pero ganito ang nangyari.

Tumigil ako sa likod ni Fiandro nang makita kong tumigil rin siya. Nakababa ang aking tingin at alam kong ramdaman niya ang bulto ko roon.

Automatic na bumukas ang malaking gate. Doon lang ako nag-angat ng tingin. Nang naunang naglakad sa akin si Fiandro ay nalula ako sa laki ng kanyang bahay.

Dahan-dahan akong naglakad papasok para masilayan kong maigi ang kabuuan non. Unti-unting umawang ang aking bibig sa sobrang mangha sa mala-palasyo nitong bahay.

Pinaghalong white at grey ang kulay at hanggang ikatlong palapag iyon. Sa pinakataas non ay sa tingin ko ay rooftop dahil open area ito. May parte sa gilid na may bubong at kulay grey iyon. 'Yon siguro ang nakita ko sa labas kanina ng sasakyan.

Puro salamin ang bahay niya na aakalain mong isang mini-building company ang itsura. The architectural design was wonderful, more like a unique style. Maybe he preferred more glass windows than concrete structures? I guess?

Pakiramdam ko hindi lang iisang Architech ang kinuha niya para makapagtayo siya ng ganito kagarbo at kagandang bahay. Sa yaman niyang 'yan, imposible talaga. I may not know more about his life, but this property of his was evidence to prove that he's not just a millionaire person.

May pool pa sa rooftop nila sa kanang bahagi at sobrang luwag. May sumisilip ding mga big umbrellas doon na pwedeng pagtambayan malapit sa poolside. Siguro nagpapa-pool party rin siya dahil parang nakapasadya ang luwag ng pool at dami ng umbrella roon.

Simpleng mansyon lang kina Rebecca, at sa lahat ng malalaking bahay na nakita ko ay inaamin ko, itong kanya lang ang pinakamaganda. Ibig sabihin talaga na bigatin silang mga negosyante. No wonder bakit gustong ipakasal agad si Rebecca sa kanya.

Nangiwi ako ng makita ko ang first at second floor sa parehong kaliwang parte na bulgar na bulgar ang mga gamit at furnitures sa loob. Kailangan pa talagang ipalandakan sa lahat ang mga gamit niya? Bigla tuloy akong nayabangan!

"Bilisan mong maglakad diyan." utos niya sakin habang naglalakad siya papunta sa grande nitong main door.

Wala sa sarili ko siyang sinunod lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan ang malalaki niyang hakbang papunta roon. Why so fast slenderman!?

Nasa harap ng bahay ni Fiandro ang dalawang katulong na mukhang naghihintay sakanya.

"Nasaan si lolo?" maagap niyang tanong sa dalawang katulong.

"Papunta na raw po." tugon naman ng isa sa katulong na nilagpasan lang ni Fiandro.

Kumunot ang aking noo roon, ganito ba siya umasta kapag magtatanong? Lalagpasan na lang niya kung sinagot siya?

Pinagbuksan siya ni Marco ng pinto ngunit tumigil siya sa tapat non saka bumaling sa mga katulong.

"Ipunta niyo siya sa kwarto ko at ayusan niyo sa pinakadisenteng itsura. Mukha siyang basang sisiw na pinulot sa daan." he said and darted his eyes on me. "Takas-takas pa kase." reklamo niya, parang hangin ang boses niya ng makapasok na sa loob. Pero klaro ang pagkakadinig ko doon.

Matalim ko siyang tinitigan kahit na papalayo na siya sa akin. You freaking jerk ass mushroom head! Nainsulto ako doon ha!

Dinaluhan ako kaagad ng isang katulong saka inalalayan, ang isa naman ay naunang pumasok sa loob para igiya kami. Wala na akong oras na palibutin pa ang aking paningin sa itsura ng loob sa unang palapag dahil nakatuon na ang atensyon ko sa katulong na sinusundan namin.

Umakyat kami sa mala-salaming hagdan na sa unang tingin mo palang ay mababasag na kung iyong aapakan.

Nginitian ako ng umaalalay na katulong. "Okay lang po maam, matibay po ang hagdan na'to." sabi niya ng mapansin atang nag-iingat ako na humakbang sa hagdan.

Pagsampa namin sa second floor ay bumungad samin ang malawak niyang salas, may billiaran siya na nasa harapan malapit sa malalaking bintana na kita ang view sa labas ng bahay. Sa gitna ay may isang mahabang puting sofa saka malaking flatscreen tv na nakasabit sa dingding at may play station rin na paglalaruan. Sa dulo naman ay mini bar, may tatlong high chairs doon at may nakadisplay na mga mamahaling wines. May isang nakasabit rin na dart board roon na napagitnaan lang ng gaming station saka noong mini bar.

Hindi ko inaakalang sporty din siya ha. May pinaglilipasan din pala siya ng oras, akala ko puro pagtatrabaho lang inaatupag.

Kumanan kami ng liko at may iisang pinto doon na siguro iyon na ang kwarto ni Fiandro. Nasa tabi naman ng pintuan ng kwarto nito ang hagdan paakyat ng third floor. Agad iyong binuksan ng na unang katulong samin saka nilahad ang kamay para pumasok ako sa loob.

Naiwan sila sa labas, hinintay lang nila akong pumasok sa loob bago sila aalis. Pagpasok ko, ay doon lang sila tuluyang umalis. Hindi tuloy ako nakapagpa-salamat.

A manly perfume with a sweet scent welcomed my nostrils. Inilibot ko ang aking tingin sa kwarto ni Fiandro, sobrang luwag nito na tantya ko nasa tatlo o apat na kwarto ang pwedeng ma-okupahan rito.

Isang kulay grey na king size bed malapit sa malaking bintana at katapat non ay ang maliit na balkon na tingin ko'y likod na ng bahay. Mayroon ding long office table doon sa kaliwang dulo at may nakalagay na apple computer na siya sigurong office area niya. Sa tabi ng kaliwang bahagi ko ay ang walk in closet niya at sa kanang bahagi ko naman ay siguro 'yong bathroom, dahil iyong pinto noon ay whole body smoked door.

Pansin kong hindi siya mahilig sa mga divi-divider sa loob ng bahay. Open area sa nadaanan naming chilling area niya, open rin dito sa kanyang kwarto, at pati na sa baba. Kahit na hindi ko masyadong pinansin ang ground area niya, ay pansin kong open iyon dahil walang divider na kahit salamin manlang.

Sana naglagay pa rin siya ng may divider kahit alin sa palapag na'to para hindi ko nakikita ang pagmumukha niya. Pakiramdam ko na sa pagtatagal ko dito na kasama siya eh mamalasin ako araw-araw.

May nakalatag na bathrobe at towel na cream ang kulay sa kama. Pinuntahan ko iyon pagkatapos ay sinimulan ko ng maghubad ng damit.

Kahuhubad ko lang ng aking pang-ibabang damit ng magbukas bigla ang pinto ng banyo.

Mabilis na lumabas si Fiandro doon nakatapis ang kalahating katawan, at pinupunasan ang basang buhok gamit ang isa pang towel. Nagkatinginan kaming dalawa parang hindi na surpresa sakanya na naroon ako. Pormal niya lang akong tinitigan.

Sa pagkabigla ko nakaligtaan kong wala pala akong saplot. Dumaan ang mga mata niya sa katawan ko bago binalik ang tingin sakin. Huling uminit ang aking mga pisngi nang maalala kong hubo't-hubad ako.

Taranta 'kong hinablot ang bathrobe para matakpan ang birhen kong katawan. Hindi ko ba alam bakit hindi ako nakapagsigaw o nagsalita, kasi ang bilis ng pangyayari eh.

Nang sulyapan kong muli si Fiandro nakita ko pa na parang umirap siya saka umiling at nilagpasan ako. Kumunot naman ang noo ko roon.

"Bakit ka nandito?!" pagalit kong tanong ng balingan siya na pumunta sa kanyang walk in closet.

I shouldn't have to ask him, but I need to.

Bumaling naman siya sa akin sa seryosong mukha. "Kwarto ko 'to, bakit?" taas kilay niyang sambit.

Mariin akong pumikit, calm down girl. That's not my point! I mean, bakit siya pumunta dito kung alam niyang dito ako mag-aayos? Does he know the word respect and privacy? Dimwit!

Pagmulat ko sa aking mga mata nakita ko siyang humawak sa magkabilang hamba ng pinto ng walk in closet niya para maharap ako. "May problema ba?" pinuna niya ang reaksyon ko kanina saka nagtaas ng kilay.

Niyakap ko ang aking sarili para matakpang maigi ang katawan ko sa suot na bath robe saka pinagtaasan ko rin siya ng kilay. "Oo, meron! Malamang dito ako mag-aayos edi dapat sa ibang paliguan ka pumunta!" reklamo ko. "Wala ka bang alam sa respeto at privacy?" naiirita kong sabi, gosh nasabi ko din.

Right after that he scoffed then smirked at me. "Hindi na bago sa akin iyan, at ilang beses na 'kong nakakita ng ganiyan. Huwag kang mag-alala, hindi kita pagnanasahan, ni hindi mo nga napagising 'tong akin eh... Kaya huwag kang assuming diyan at huwag kang OA." mabagal at madiin ang pagbigkas niya sa mga huling salita sabay pairap na tumalikod sa akin at inabala muli ang sarili sa pamimili ng damit.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. And it was an aftershock to me what he just said! At s***a! Was it my fault? Am I assuming and oa at the same time?! Can someone help him to elaborate on the words respect and privacy?

"Huwag ka ng tumunganga diyan, maligo ka na." sita ni Fiandro sakin na hindi ko sinunod.

Bumaling siya sa akin at kita ko sa mukha niya ang pagtitimpi. Nagtiim siya ng bagang dahilan para mapatunayan kong naiirita na nga siya.

Lumabas siya sa walk in closet mabagal ang paghalukipkip niya. Kita ko ang paghulma ng mga muscles nito sa mga braso at paglabas ng malalaking ugat sa mga kamay, pati na ang kanyang dibdib na nagdikit ng siya'y humalukipkip. I was so unconscious looking at it, and I'm almost drowning fantisizing his body.

His brows shot up. "What's with that look? Ikaw ata ang may pagnanasa sakin?" he teased.

Uminit ang buong mukha ko, at kumulo ang dugo ko doon. This man really boiling me up! "Ha? Excuse me?" ni-foot to head ko siya. "Hinding-hindi kita pagnanasahan." Ang kapal ng mukha.

Hindi siya nagsalita, ang isang nakahalukipkip nitong kamay ay tinuro ang banyo sakin. Nang tingnan ko siya nagtaas ulit siya ng kilay. Telling me to go there. Pakiramdam ko talaga para akong aso dito.

Inirapan ko siya na halos itirik ko ng bongga ang aking mga mata dahil sa iritasyon ko sa kanya. Pumunta na ako sa banyo at hindi ko naiwasang madabog ang sliding door nito pero hindi naman iyon kalakasan.

Sa tabi ng sliding door ay naroon ang isang malaking square na counter top. Humawak ako sa magkabilang gilid non at tumitig sa malaking salamin. Napakagat ako sa labi, nararamdaman ko na talagang hindi magiging maganda ang buhay ko kasama siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status