Hello readers!Sorry to disappoint you. Nasa isang reading plat form na itong story ko. It's Dreame app. You can search it on google play or apps store. Same pen name and same title din po ito. Nasa chapter 70 na po itong story. Hindi ko na po itu-tuloy dito ang story doon na po sa Dreame app.Sana po doon ma-suportahan ninyo ako. At hindi pa rin kayo magsa-sawang suportahan ako. Maraming salamat sa naghihintay sa update nito. Pasensya na sa paghintay at pag-dismaya sa inyo ng napaka-tagal.Salamat po sa inyong malalim na pag-unawa. Love you all po! 🫶🏻
(THE WEDDING AND ESCAPE) "READY ka na?" tanong ni Rebecca sa akin akmang ilalagay ang puting belo sa aking ulo. "Hindi." diretsong sagot ko. Natigilan siya sa paglagay ng belo. Naramdaman ko iyon kaya tiningala ko siya na nakatayo sa harapan ko. Inipit niya ang mga labi niya saka binaba ang belo at inilagay muna sa lamesa ng vanity mirror sa tabi ko. Malungkot akong tinitigan ni Rebecca may halo iyong konsensya pero ito lang ang nakikita niyang paraan para makatakas sa balak ng mga magulang niya. Anak siya ng mga amo ko, magkasing edad lang kami at maniwala kayo sa hindi ay sobra kaming malapit sa isa't-isa na parang magkapatid na ang turingan. Ipapakasal kasi si Rebecca sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakikilala man lang. Kahit ang mga magulang daw nito ay hindi rin kilala ang lalaking kanyang mapapangasawa basta't nakipagkasundo nalang raw ang pamilya nito sa lolo ng lalaki at si Rebecca ang napili noong lolo na presidente ng pinakamal
(CAUGHT) TANGHALI na ng magising ako. Umunat muna ako sabay hikab, pagkatapos ay bumangon na sa aking kama. Agad na kumalam ang sikmura ko at napagtantong nagising ako sa gutom. Dali dali akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina at maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref ay tumambad sa akin ang napakaraming stocks. Magmula frozen foods hanggang sa rekados pangluto ay meron. Hindi rin nawala ang sweets na aking paborito, pati na mga prutas. Hindi ko namamalayan na nakangiti na ako. Grabe si Rebecca, hindi lang bahay kun'di pati na pagkain ay kinumpleto na. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot, gayoong miss ko na siya. Siguro nasa Paris na siya ngayon. Mamaya ay tatawagan ko sa messenger para kamustahin ito at balitaan na rin sa nangyari sakin baka kasi napagod pa iyon sa biyahe at nagpapahinga na. Speaking of that, nabuhayan ang dugo ko ng maalala ko pala na tumakas ako sa honeymoon namin ni Fiandro. Ano na kayang nangyari sa l
(THE MEET)PAGKATAPOS kong mag-shower at lumabas sa bathroom ay wala na siya doon. Lumuwag ang hininga ko dahil makakagalaw na'ko ng maayos. Sinadya ko talagang magpatagal sa bathroom kasi iritang-irita ako sakanya, atsaka ayokong narito pa siya habang nagbibihis ako. Ano siya sinuswerte? Hindi lagi birthday niya. May nakita akong maayos na nakalatag na dress sa kama. Isang ruffled close neck na bubble type na long sleeves ang style at light peach ang kulay. May isang pares din ng silver stilettos doon atsaka silver necklace na kumikinang dahil sa repleksyon ng liwanag. Ngumuso akong lumapit roon para tignang maigi. Kumunot ang noo ko at napatanong, bakit ako magsusuot ng ganito kung lolo lang naman niya ang kikitain namin? Tss. Mga mayayaman nga talaga. Inilingan ko nalang habang pinagmamasdan ang damit. Halos mapatalon ako ng may kumatok sa pinto. "Maam? Pinapatawag na po kayo ni Sir sa baba." tawag ng katulog mula sa labas ng pintuan. "O-Oo. Malapit na akong matapos." sabi ko
(TRUTH AND TRAP)TAHIMIK kaming pumasok sa loob ng bahay ni Fiandro, sobrang nakakabinging katahimikan iyon. Tamad ang paglakad ko sa aking sapatos para marinig ang tunog ng takong non at magkaroon naman kahit konting ingay sa loob.Unang sumagi sa isipan ko ang kama, gusto kong mahiga at maidlip kahit sandali manlang. Para kasing nalusaw ang utak ko ngayon at ayaw gumana ng maayos."Wala ka na bang ibang kwarto dito?" wala sa sarili kong tanong."Isa lang ang kwarto dito." agap niyang sagot.Nasa likod ko lang siya kanina ng sumagot, nasulyap ko na dumiretso siya sa kusina nila at nilapag doon ang susi ng kanyang sasakyan sa island counter nito.Tumigil siya sa gilid ng island counter saka sinampa ang isang kamay doon. Nilabas ang cellphone at may tinawagan.Binalewala ko na iyon saka dumiretso na sa kwarto ni Fiandro. Pagpasok ko doon ay tinanggal ko ang aking stilettos at itinabi sa gilid ng pintuan sa labas. Pagod akong naglakad papunta sa kanyang kama, dahan-dahang umupo saka tum
(THE HELP)BUMABA ako mula sa kwarto ni Fiandro dahil sa pagka-uhaw. Ika-dalawang araw ko na rito, at masasabi kong sobrang nakakabagot sa bahay na'to.Gusto kong magbalak na tumakas, pero mahigpit ang bantay ng mga bodyguards niya. Halos bawat sulok ng labas ng kanyang mansyon ay may bantay. Kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang maghintay na lang.Ilang hakbang palang sa hagdan mula sa taas ko ay dinig ko na ang boses ng lolo niya at kausap mismo si Fiandro. Bumaba pa'ko ng ilang hakbang para sumungaw sa baba at marinig lalo ang pag-uusap nilang dalawa.Nakaupo ang lolo niya sa isahang sofa samantalang si Fiandro nakatayo sa harapan nito, pagitan nila ay iyong glass table.Ulo at likod ng lolo niya ang nakikita ko, pansin ko din ang dalawang kamay nito na nakahawak sa tungkod paharap. Si Fiandro naman ay tanging katawan lang ang aking nadudungaw.Nakasuot siya ng white polo at neck tie na dark blue, may suot din siyang silver wrist watch, nakablack slacks at dark brown leather shoes.
(LIE)PAGTAPOS ng hapunan ay nanatili ako sa kusina kasama si manang Linda at nagku-kwentuhan, habang siya'y naghuhugas ng pinggan. Samantalang ako naman ang nagpupunas at nagpupunta sa paglalagyan.Si Pipay ay nasa itaas pa, marahil di pa tapos na naglilinis doon."Hija, ako na. Di mo trabaho iyan." marahang pigil sakin ni manang Linda ng matapos itong maghugas, at agad na kinuha ang pamunas sakin.Ngumuso nalang ako at hinayaang kunin ang pamunas, pero di ako umalis doon sapagkat pinanood ko siya na nagpupunas ng pinggan.Ilang saglit lang ang katahimikan sa kusina saka ako nag-pasyang nagsalita."Uhm. Manang Linda ilang buwan ka ng nagtatrabaho dito?" tanong ko.Sumulyap siya sakin, pagkatapos binalik ulit ang tingin sa pinupunasan at nangiti. "Taon na, hija." sagot niya.Bahagyang tumaas ang aking mga kilay sa bigla at mangha sa sagot ni manang Linda. "Mga ilang taon na po?" dagdag kong tanong."Labing-limang taon na..."Kumurap pa ang mga mata ko sa sinabi ni manang Linda. Sa sob
(BOND)I SAW how Rebecca's mouth dropped while stirring her coffee and slowly sitting down on her high chair.Titig na titig siya sa akin gamit ang kanyang laptop at ako naman ay gamit ang cellphone ko na binalik ni Fiandro kagabi.Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko at kausap si Rebecca ngayon. Saktong wala siyang klase sa fashion designing. Nang replyan ko ang mga messages niya kagabi ay kinaumagahan agad niya akong tinawagan.Napakagat ako sa labi sa naging reaksyon ni Rebecca. Kwinento ko lahat ng nangyari sa akin magmula ng umalis siya.Halos di maipinta ang kanyang mukha at kung saan-saan tumitingin na parang di inaakalang ganoon ang mangyayari sa kanyang pag-alis.Ngumiti ako sa screen ng cellphone ko para maipakita kay Rebecca na ayos lang ako. Nahahandle ko pa naman ang sitwasyon dito, buti at mabait ang lolo ng mokong na 'yon. Kung hindi baka unang araw ko pa lang dito eh tumakas na'ko.Well, kahit mabait ang lolo ni Fiandro ay balak ko pa rin tumakas