Share

Chapter 5:Brix Monteblanco

Milcris pov

"Hoy babae, ingatan mo yang mga damit na yan,Mas mahal pa yan sayo"Sabi nya saakin.Napairap naman ako at hinanger nalang ang mga damit nya .Nasa dressing kasi kami ngayon. Meron kasi syang photoshoot.Kaming dalawa palang naman ang tao dito saloob kasi hinihintay pa namin yung mag ayos sakanya.

"Clive lalabas na muna ako para bumili ng pagkain"Pag papaalam ko sakanya

"Wag na,ito nalang oh"Sabi nya saakin sabay abot ng isang Tupper ware saakin. Kinuha ko naman yun at tiningnan ko si Clive.

"Ang bait mo ata,mamatay kana ba.Clive wag muna hindi pa ako handang maging byuda"Sabi ko sakanya.

"Gago,Kainan mo na nga lang yan!"Inis na sabi nya saakin.Napailing naman ako at naglakad na palabas

"Oh, bakit lalabas kapa din?"Tanong nya saakin.

"Bibili ako ng kape"tipid na sagot ko sakanya

"Wag na,pinabili ko na si Kuya jasper"Sabi nya saakin.

Si Kuya jasper ay ang manager ni Clive.ngayon ko lang naitanong yung name nya kasi naman.Pag magkakasama kaming tatlo,puro utos si Clive kairita!.

-

Nakatingin naman ako kay Clive habang nag phophotoshoot sya,habang pinagmamasdan ko sya. Biglang kumulo ang Tyan ko.Ang sakit ,Nagulat nalang ako kasi bigla akong nautot.Ang lakas tapos sunod sunod nakakahiya.

Agad naman akong kumaripas ng takbo habang hawak hawak ko ang pet ko, papunta naman na ako sa CR,pagkakita ko sa CR out of order.Napatingin naman ako sa CR ng lalaki.Wala na akong choice,kesa naman dito ito lumabas.Pumasok naman na ako at kinatok lahat ng cubicle.

Napahampas nalang ako sa pader,Hindi ko na talaga kaya.Buti naman may isang bumukas na cubicle.Tinulak ko naman yung lalaki at pumasok na saloon at nag release ng power of energy.

Nakahiga naman na ko ng maluwag nang mailabas ko na lahat ,lumabas naman na ako ,Nagulat naman na ako ng kamay.

"Here,gamot para sa diarrhea "Napahinto naman ako sa paghuhugas ng kamay at napatingin sa likuran ko.

Ang gwapo ng lalaking to.Mas gwapo pa kay Clive,

"Here Ms,kunin mo na para gumaling kana"Nakangiting sabi nya saakin.

"K-kanina ka pa dyan?"Tanong ko sakanya

"Yes"Sagot nya saakin.

"N-narinig mo lahat?"Gulat na tanong ko sakanya

Natawa naman sya tapos sinagot na nya ako.

"You're cute,Oo Narinig ko lahat.Pero Ms Wag ka nang mahina saakin.after all normal lang naman yan"Sabi nya saakin

"By the way I am Brix Monteblanco"Pagpapakilala nya saakin.

"Milcris ortiz"pagpapakilala ko naman sakanya.

"Ms,ano nga pala ang ginagawa mo dito sa CR ng mga lalaki?"Tanong nya saakin

"Ahh,kasi sira yung CR para sa mga gir-"

Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko kasi palabas namin ng CR,hindi na out of order yung CR.

Kanina out of order to eh.Teka nga lang,mukhang alam ko na kung sino ang may pakana kung bakit ako nag Tae.

"Milcris,anong problema?"Tanong nya saakin.

"Wala naman brix,sige may papatayin lang ako.Este mauunaw na ako thank you sa gamot"sabi ko kay brix at lumakad na ako Paalis.

-

Iritang irita ako dahil sa pagtawa ni Clive,kinukwento nya kung paano ako nag Tae Kanina.Asa van na kami ngayon at paulit na,ang nag dridrive ngayon ay si Kuya jasper. Manager/driver kasi sya ni Clive

"Laughtrip ka talagang babae kausapin nya saakin habang tumatawa pa din .Napairap nalang ako,nakakainis talaga.Sya kasi ang may pakana,lahat nang nangyari kanina saakin.

"Hoy"Tawag nya saakin,hindi ko naman sya pinapansin at natulog nalang.Nairita naman na ako kasi kalabit ng kalabit nakakainis.

"Ano ba!"Iritang sabi ko sakanya

"To naman,may itatanong lang eh,highblood na kaagad"Sabi nya saakin at nag pout pa

"Ano ba kasi yang itatanong mo?"Tanong ko sakanya

"Success ba?"pang aasar na tanong nya saakin.Inirapan ko nalang sya at hindi nalang sya pinansin.

Nakakainis talaga,buong biyahe sya tawa ng tawa sarap sakalin.

Nandito naman na kami sa apartment ko

" thank you kuya jasper sa paghatid"Nakangiting sabi ko kay kuya jasper.

" Hoy babae, sakin di ka mag thathank you. Hinatid ka gamit ng van ko ah"Sabi saakin ni clive. Umirap nalang ako, bwisit nato.

"Thank you van ni clive sa paghatid" Sabi ko tapos bumaba na ako ng van

"hoy, babae sabi ko saakin ka mag thank you hindi sa van ko" Narinig ko pa nasabi nya saakin pero naglakad na lang ako papasok ng apartment ko.

-

Nakahiga na ako sa kama ko ngayon. Katatapos ko lang maligo. Iniistalk ko kasi si brix, grabe famous sya pero humble. Ang gwapo nya, hindi sya masyadong mapost. At ito ang gusto ko sa isang lalaki.

Inoff ko naman muna yung phone ko at kinuha yung pagkain ko na ininit ko sa microwave. Tinatamad na kasi ako mag luto.

Pagkakuha ko ng pagkain ko, bumalik na ako sa kwarto ko at chineck yung phone ko.

Pagka check ko ng phone ko, nagulat ako kasi. Kasi hayy

Aksidente ko pala syang na add well kahit naman gustong kong icancel, hindi na pwede. Na accept nya na kasi ako.

Agad ko naman akong nag pm sakanya.

"Ano sorry kung na add kita. Napindot kasi ng lamok" Chat ko sakanya. Bigla naman akong kinabahan naseen nya kasi agad.

"it's ok, ang lakas naman ng lamok at na type ang name at nadd ako. Pasabi sa lamok thank you. I was going to add you pero nauna ka na" Chat nya saakin.

Napatakip naman ako ng unan sa sobrang kilig. Ano ba yan, bakit ako kinikilig wahhh.

Huminga naman ako ng malalim bago ko sya nireplyan.

"Sabi ng lamok your welcome daw" Chat ko sakanya.

"Sorry to ask but can i have your number?" Chat nya saakin. Napatili na ako ng sobrang lakas dahil sa sinabi nya saakin

Agad ko naman Chinat sakanya yung number ko. Ichachat ko na dapat kung ano yung number nya kaya lang.

Kahit kailan talaga panira ng moment yung clive na to eh. Bigla ba namang tumawag.

Inend call ko naman na at Chinat ulit si brix. Isesend ko na dapat kaya lang bigla nanamang tumawag kainis.

Sa inis ko, sinagot ko nalang yung tawag ni clive.

"Bakit ba?" iritang tanong ko Sakanya.

"Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko. Nanlalaki ka no?" Tanong nya saakin. Bakit bigla akong nakonsensya sa tanong nya.

Teka nga. Hindi naman panlalaki yun. Pagkikipagkaibigan

"wala kana dun, bakit ka nga tumawag?" tanong ko Sakanya.

"bukas may pumunta ka sa pe-"

"oo na, oo na" Sagot ko sakanya tapos Inend ko na yung call.

Tinuloy ko naman na yung naudlot namin chatserye ni brix.

Nagulat naman ako kasi biglang nag text si clive. Naka all caps pa.

"HOY BABAE BAKIT MO AKO BINABAAN, HINDI PA AKO TAPOS MAG SALITA. PUMUNTA KA SA PENTHOUSE KO BUKAS!!" text nya saakin.

Napailing nalang ako at pinatay ko na yung phone ko at kumain na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status