Share

Chapter 4: Be my Personal Assistant

Milcris pov

Hindi naman na ako ginugulo ni clive.Mga one week na rin kasi simula nung naging mag asawa kaming dalawa. 3 months lang ang deadline ko para sa mission nato,kaya kailangan ko nang makahua ng scoop.

Sa loob kasi ng isang linggo, wala syang ibang ginagawa kundi ang mag padala saakin ng annulment. Araw araw yun walang palya, araw araw ko din namang pinupunit.

Himala ngayon, kasi wala syang pinapadalang annulment. Na pagod na ata hahaha. Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko sa sofa ko. May nag doorbell kasi.

Binuksan ko naman yung pinto ng apartment ko. Nagulat ako kasi. Si Clive, Oo sya nga to. Nasa harap ko sya ngayon. Naka all black attire sya ngayon. Para siguro hindi makilala.

"Hoy babae, alam kong sobrang gwapo ko. Pero pwede bang papasukin mo na ako. Baka matunaw na ako eh" Sabi nya saakin. Ang hangin naman ng isang to.

Wala pa man akong sinasabi na pumasok sya, pero pumasok na sya. Pag pasok nya tinanggal nya yung sapatos nya at hinagis sa kung saan. Tapos tinanggal nya ang kanyang leather jacket at shades. Tapos Umupo sa sofa ko.

Wow, feel at home agad tsk.

"Ang init, wala ka man lang aircon" Reklamo nya.

"Ang kapal naman ng mukha mo, feel at home agad!" Inis na sabi ko sakanya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? " Iritang tanong ko sakanya

Pumunta naman ako sa kitchen para bigyan sya ng tubig.

"Wag ka nang mag abala. I don't drink any kind of water maliban kung mineral at imported" Maarteng sabi nya saakin. Inis naman akong napapikit dahil sa sinabi nya.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking to hmm. Nakakinis!.

Umupo nalang ako sa harap nya, Napatingin naman ako sakanya kasi nakatingin lang sya saakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Ang pangit mo kasi, nakakairita!" Sabi nya saakin at Nilibot nya ang paningin nya sa buong apartment ko.

"Ang kapal ah, sagutin mo na ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sakanya.

"Well, napadpad ako dito sa apartment mo para alukin ka. Since ayaw mo naman pirmahan yung annulment. Be my Personal Assistant" Sabi nya saakin.

Tinitigan ko naman sya ng sampong segundo, tapos.. Tapos tinawanan ko sya ng tinawanan.

"H-Hoy bakit ka tumawatawa. Wala namang nakakatawa sa sinasabi ko ah!" Reklamo nya saakin.

Wala naman talagang nakakatawa sa sinabi nya. Natatawa lang ako kasi, hindi ako makapaniwala na isa akong journalist na galit sa mga katulad nya na isang artista tapos magiging PA. Ang laking kalokohan .

" Wala kang paki, lumayas kana nga! "Pag papaalis ko sakanya sa apartment ko.

" Hoy teka nga babae. Nung nakaraan lang baliw na baliw ka saakin tapos ngayon pinagtatabuyan mo na ako! "Gulat na sabi nya saakin.

" heh, layas! "Inis na sabi ko sakanya.

" Unbelievable "Sabi nya saakin

" By the way, kahit naman pumayag ka or hindi i don't care. You will be my PA starting tomorrow"Sabi nya saakin bago sya lumabas sa apartment ko.

Parang nalaglag ata yung panga ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala.

"Ha, ako PA. No hindi, ayoko HAHAHAH, PA talaga?" gulat na tanong ko sa sarili ko.

"Wahh, Milcris ano ba ang gulong Pinasok mo wahhh" Sabi ko sarili ko hayy.

-

"Hoy babae, punasan mo na ang gwapo kong pagmumuk-"

Hindi pa nya natatapos yung sasabihin nya pero pinunasan ko na yung pagmumukha nya. Nakakairita kasi eh. Nakakainis.

"Dahan - dahan naman, mabubura naman yung mukha ko!" Reklamo nya saakin.

"heh, manahimik ka!" Inis na sabi ko sakanya.

Kaya ako inis na inis sa lalaking to, pano ba naman. Nag message sya saakin mga 3 am na ako pumunta sa penthouse nya. Maaga daw kasi yung taping nila. Kaya kahit wala pa akong masyadong tulog ,pumunta na ako sa penthouse nya.

Pag Punta ko don,nalaman ko na mamayang 2 pa ang taping nila,nang hapon. Nakakainis hindi ba.at ito pa uuwi na dapat ako Kaya lang pagkakita ko flat yung gulong ko,hindi isa mas Lalong hindi din dalawa.Dahil apat lang naman.Dapat din mag cocomute na ako Kaya lang nakalimutan ko naman yung wallet ko sa bahay dahil sa pagmamadali.

Wala akong choice kundi ang matulog sa harap ng penthouse ni Clive.At hindi lang yun.pagkagising ko 3pm na,hindi man lang ako ginising Kaya pag Punta ko sa location ang dami nyang utos nakakainis.

"Tumbler ko"utos nya ulit sakin.Pinandilatan ko naman sya ng Mata kasi nasa tapat lang naman nya yung pinapakuha nya.

"Asa tapat mo lang"inis na sabi ko sakanya.

"Nag rereklamo ka,kung ayaw mo naman kasi pirmahan mo nalang yung annulment"Sabi nya saakin.Napairap nalang ako at inis kong inabot sakanya yung tumbler nya.

"Aray,yung iyong ko!"Reklamo nya saakin at hinawakan nya yung ilong nya na natamaan nung pagka abot ko sakanya ng tumbler nya.

"Ay sorry,tumabingi ba?"Pilosopong tanong ko sakanya.

"Excuse me!"Pag depensa nya

"Bakit dadaan ka?"pilosopong sagot ko sakanya.

"Heh,wala ka talagang kwenta kausap!"inis na sabi nya saakin tapos nilagpasan na nya ako.

"Hoy,pack up naba?"inis na tanong ko kay Clive.Napahinto naman sya sa paglakad nya at ngumisi saakin.

"Yes"Sagot nya,sa wakas natapos din ang taping nila makakapahinga na ako.

"Sige ,uuwi na ak-"

"Hindi ka pa uuwi,not yet" Sabi nya saakin na kinataka ko. may kinuha naman syang bag at binigay saakin.Pagkakuha ko non agad biglang lumabas ang natutulog kong mga muscles.Sobrang bigat,magkaka almuranas na ata ako.

"Bakit ang bigat nito!"Reklamo ko sakanya.

"That's my dumbbells, sasamahan mo ako sa gym"Sabi nya saakin na kinagulat ko.

"Hoy,teka hindi na yan kasama sa trabaho ko ah"Reklamo ko sakanya

"Sa pagiging PA siguro hindi,pero sa pagiging asawa ko.Hindi pa Mrs Jacobs"Sabi nya saakin at nauna na syang lumabas sa tent nya.

Napapikit naman ako sa inis.Kinuha ko naman yung bag nya na may mga dumbbells. Sobrang bigat talaga.

"Bilisan mo,napaka bagal!"Narinig kong Reklamo nya.

"Heh,manahimik ka!"inis na sabi ko sakanya.

Bwisit talaga tong artista nato.Di bale makakaganti din ako pag nasulat kona yung article ko.Bwisit nato.

Lintik lang ang walang ganti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status