Share

Chapter 3:I'm your wife Mr Jacobs

Milcris pov

Nasa loob ako ng penthouse ni clive. Ang talim ng tingin nya saakin. Naka bath throbe lang sya ngayon hinihintay ang kanyang manager.Nakaupo lang ako ngayon sa sofa nya habang nakatingin ako kay clive na lakad ng lakad sa harapan ko.

Huminto naman sya sa paglalakad at tumingin saakin.

"Ms, sino kaba talaga!"Inis na tanong nya saakin

" Asawa mo"Nakangiting sagot ko sakanya

Napahilot na lang sya sa sintido nya at napailing. Nararamdaman ko na inis na inis na sya saakin. Well ako din naman.

Dumating naman na ang manager nya at may kasama ito na isang lalaki na may edad na. Siguro mga nasa late 50s na yung kasama ng manager nya.

"Clive, andito na si attorney. So nasaan yung itatanong mo sakanya?" Tanong nung manager nya sakanya.

"Attorney, look totoo ba to?" Tanong ni clive sabay pakita nya nang marriage certificate namin.

"Yes Mr Jacobs. Mrs Jacobs is your wife" Sabi nang attorney nya kay Clive.Nagulat naman si clive dahil sa Narinig nya. Pati na din ang kanyang manager na Napatingin saakin.

"Hindi to pwedeng mangyari. Hindi ako kasal wala akong asawa" Pagtutol ni clive

"Grumpy hubby naman. Narinig mo na si attorney asawa mo ako ok. I'm Mrs Jacobs from now on" Sabi ko kay clive.

"No hindi ako papayag. Mas gusto ko pang makasal sa kabayo kesa sayo ms. Attorney i will file an annulment" sabi ni clive sa attorney nya.

Grabe naman to. As if naman na ginusto ko talagang maging asawa sya. Kung di naman kasi kailanagan gawin to. Hindi ko talaga gagawin. Hay, pareho lang naman kami ni clive na ayaw eh. Kahit ako gusto ko na talaga mag file ng annulment. Pero kahit gusto ko. Hindi talaga pwede.

Umalis naman yung attorney nya para asikasuhin ang aming annulment paper.Nakatingin lang saakin si clive habang naka cross arms.

"Hindi mo nasagot yung tanong ko kanina ms. At pano mo din nakuha ang pirma ko?" Tanong nya saakin.

"Ako nga ang asawa mo. Ako si Milcris Ortiz Jacobs. At para sagutin kung pano ko nakuha ang pirma mo. Well I have my own ways my dear husband" Sabi ko sakanya. Napailing naman sya saakin.

Dumating naman na ang attorney nya at nilapag sa center table yung annulment paper namin. Wahh gusto ko na syang pirmahan.

Nauna naman nang pumirma si clive saakin. Pagkatapos pumirma ni clive iniabot nya saakin yung papel at ballpen.

"Pirmahan mo na para matapos na to" Walang gana nyang sabi saakin.

Huminga naman ako nang malalim at tiningnan yung papel na nasa harapan ko ngayon.

Tumingin naman ako kay clive at tinaas ko ang papel at pinunit ito sa harapan nya. Nagulat naman sya sa ginawa ko pati ang kanyang manager.

"What the.. Ms ano ba ang gusto mo, hayy pinapasakit mo na yung ulo ko. Ano gusto mo kiss hawak sa abs, ano!!" Inis na sabi nya saakin at napatayo pa sya sa kinauupuan nya habang sinasabi nya iyan saakin.

"Clive, wala dyan ang gusto ko" Sabi ko sakanya.

"Then what!" Iritang sagot nya saakin.

"To be your lawfully wedded wife , grumpy hubby" Nakangiting sagot ko sakanya.

Napapikit naman sya sa inis dahil sa sinabi ko.

Kinuha naman nya ang marriage certificate namin at pinunit din yun.

"Ayaw mong makipag annul ha. Edi yan para matapos na" Sabi nya saakin at hinagis kung saan yung papel na pinunit nya.

Tumawa naman ako sa harapan nya. Yung tawang hagalpak. Napakunot naman yung noo nya.

"Grumpy hubby, Photo copy lang yan ng marriage certificate natin. Alam ko kasi na gagawin mo yan kaya nag handa na ako" Sabi ko sakanya.

"What do you mean?" Tanong nya saakin.

Kinuha ko naman sa bag ko ang napaka kapal na photo copy ng Marriage certificate namin.

"Mukhang nag eenjoy ka kasi mag punit, kaya nag print na ako ng madami para sayo" Nakangiting sabi ko sakanya.

Tumayo naman na sa kinauupuan ko.

"Punit well grumpy hubby" Sabi ko sakanya bago ako nag lakad paalis.

Tawang tawa naman ako nang makalabas ako sa penthouse ni clive. Kitang kita ko kung paano umusok ang ilong nya dahil sa mga sinabi at ginawa ko sakanya kanina.

Nakangiti naman ako habang papasakay na sa kotse ko.

Bubuksan ko na dapat yung pinto ng kotse ko kaya lang napahinto ako kasi. Naiwan ko kela clive yung susi ng kotse ko. Hayyy malas naman.

"I know na nakalimutan mo yung susi mo" Napatingin naman ako. Nakita ko si clive na nag lalakad palapit saakin hawak ang susi ng kotse ko.

"Ang sweet naman ng asawa ko. Dinala pa talaga ang susi ng kotse ko" Nakangiting sabi ko sakanya. Nag lakad naman ako palapit sakanya.

Kukunin ko na dapat yung susi ko sakanya pero iniiwas nya ito.

"Who says na ibibigay ko sayo" Sabi nya saakin. Napakunot naman yung noo ko dahil sa sinabi nya saakin.

"Well, ibibigay ko to sayo sa isang condition" Sabi nya saakin

"Anong kondisyon?" Tanong ko Sakanya.

"Sign the annulment paper" Sabi nya saakin na kinatawa ko ulit.

"Mr Jacobs. Kahit anong sabihin mo. Hinding hindi ko pipirmahan yan" Sabi ko sakanya

"then, say goodbye to your car" Sabi nya saakin.

Agad ko namang sinipa yung ano nya. Agad naman syang namilipit sa sakit at nabitawan yung susi ng kotse ko. Kinuha ko naman yun at ngumisi sakanya.

"then say goodbye to your dragon balls Mr Jacobs" Sabi ko sakanya.

"Damn you. You're really a physico" Inis na sabi nya saakin habang hawak ang balls nya.

"I'm a physico but I'm your wife" Sabi ko sakanya at sumakay na ako sa kotse ko at nag drive na paalis.

Habang nag dridrive ako, bigla naman akong napa preno. Napahinto naman ako, naalala ko kasi lahat ng ginawa ko ngayon. Nag flashback lahat sa utak ko.

Agad ko namang inuntog ang sarili ko sa manubela ko.

"Milcris, ginawa mo ba talaga yon. Physico ka nga!" Inis na sabi ko sarili ko. Narinig ko naman ang mga busina ng mga kotse sa likod ko.

Nag drive nalang ako ulit. Hindi ko nalang tinitingnan yung mga billboard ni clive habang nag dridrive ako. Pag kasi nakikita ko ang bwisit na pagmumukha nya. Naalala ko lahat ng mga nakakahiyang nagawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status