Share

chapter 2:Her Last Mission

Milcris pov

Hanggang ngayon hindi pa din matanggal sa utak ko ang sinabi ng boss ko saakin. Nakatingin lang ako sa laptop ko at nag reresearch tungkol kay clive Jacobs.

Inis ko namang sinara ang laptop ko at napabuga nalang sa inis.

Flashback

"Your Mission will be Mr Clive Jacobs lady m" Sabi ni boss saakin. Napaisip naman ako kasi parang pamilyar yung pangalan na nabanggit nya. Parang narinig ko na somewhere.

"Ok boss copy, expect my email next week" Nakangiting sabi ko kay boss.

"no lady m, hindi ganun kadali ang mission mo. I want you to be his wife" Sabi ni boss saakin na kinagulat ko

"po?" gulat na tanong ko kay boss.

"yes, as you heard. You will be his wife" Pag uulit ni boss saakin. Parang gusto ko nalang umatras sa mission nato.

"H-hindi ko naman siguro kailagan maging asawa ang clive na yan para matapos ko ang mission ko boss. You don't need to do that" Paliwanag ko kay boss.

"No, i need to do this. Lady M pumayag kana diba. So sign this" Sabi ni boss saakin at may pinapirma saaking mga dokumento.

"boss" Pagtutol ko, hindi ko naman kasi kailangan mag pakasal sa isang artista. May allergy nga ako sa mga artista na yan eh tapos asawa pa.

"Sign it"

Napailing nalang ako at pinapirmahan nalang ang dokumento na to. Marriage contract namin wahh, nagulat ako nang makita ko na may pirma na yung clive sa paper.Napatingin naman ako kay boss.

"boss, pano nyo nakuha yung pirma ni clive?" Gulat na tanong ko Sakanya.

"Well, lady M i have my own ways" Sabi nya saakin at kinuha na nya ang marriage contract na labag sa loob ko ang pag pirma non.

Lumabas ako sa opisina ng boss ko na parang nalugi. Di pala parang luging lugi talaga, hindi ko naman kasi akalain na sa loob lang ng isang araw kasal na ako, take note sa artista pa.

End of flashback.

Nahiga na lang ako sa kama ko, hayy naalala ko na yung clive nga pala yung mayabang na lalaki kanina sa coffee shop. Yung arrogante na yun ang asawa ko,kadiri talaga.

-

Naka abang ako ngayon sa exit ng entertainment ni Clive. Ngayong araw na kasi magsisimula ang mission ko. Sa totoo lang kinakabahan ako sa gagawin ko ngayon. Ang dami kasing mga fans na nag hihintay din kay Clive.

Halos mabingi naman ako nang lumabas si clive sa entertainment nila. Apaka daming tao lahat sila tumitili. Nakakinis nakakairita!!.

Huminga naman ako ng malalim at tumingin kay Clive.

"kaya mo to Milcris, para sa mission" Sabi ko nalang sa sarili ko, bago ko gagawin ang mga bagay na nag pawala sa natitira kong dignidad.

"ASAWA KO, CLIVE ASAWA KO!!!" Sigaw ko kaya Napatingin saakin yung ibang fans nya.

Tinulak ko naman yung ibang nakaharang sa dadaanan ko, hanggang sa makapunta ako sa harapan ni clive.

Ngumiti naman ako sakanya, binaba naman nya ng konti yung shades nya at nagulat sya nung makita nya ako.

"you?" gulat na tanong nya saakin.

"Clive asawa ko" Sabi ko sakanya. Lumapit naman ako sakanya at... At hinalikan ko sya. Oo hinalikan ko sya.

Tinulak naman nya ako at inis nyang tinanggal ang shades nya.

"Ms ano ba!" inis na tanong nya saakin.

"Clive naman, parang di ka pa sanay. Gabi gabi naman natin tong ginagawa" Sabi ko sakanya

"What?"

"Hay, ano kaba. Mag asawa na tayo kaya normal lang na gawin ko to sayo. Grumpy hubby" Sabi ko sakanya.

"what a crazy fan. Ms lahat naman kayo asawa ko, kabit anything. Don't worry dadarating din ang lalaking para sayo" Sabi nya saakin at Tinap nya pa ang balikat ko bago nya ako nilagpasan.

Nahihiya na ako ngayon sa ginawa ko. Potek, why did i kissed him. Nakakahiya hayyy, nakakahiya talaga.

Agad naman akong umalis ng lugar na to at sinundan ulit sila clive. Kailangan ko kasing gawin to para mapalapit ako kay clive at makuha ang mga importanteng impormasyon na makasisira sakanya.

Huminto naman ako at bumaba na ako sa kotse ko. Nakita ko kasi sya na pumasok sa building ng penthouse nya. Ang elegante tingnan ng buong building. Papasok na dapat ako kaya lang hinarang ako ng guard.

"Ms, bawal po kayo dito" pagbabawal saakin nung guard.

"kuya, asawa ko po si clive jacobs.kaya papasukin mo na ako" Pag pipilit ko dun sa guard.

"Pasensya na ms, pero naka 1000 times na ang nagsabi nyan saakin" Sabi nung guard saakin.

Hayy pano ba to. Kailangan kong makapasok para makausap si clive.

"t-tawagan nyo po sya kuya. Sabihin nyo na nag hihintay ang asawa nya dito sa baba" Sabi ko sa guard. Kinuha naman nya yung telephone at tinawagan si clive.

"Sir cli-"

"Hello, Grumpy hubby ayaw akong papasukin ng guard. Pasabi naman sakanila na papasukin na ako" Sabi ko kay clive

"the fuck. Ms hanggang dito. Ganyan kaba kabaliw saakin?" Tanong nya na halos ikasuka ko.

"Hindi este oo, bilang asawa mo. Baliw na baliw ako sayo" Sabi ko sakanya.

"You're a physico" Sabi nya saakin,inend nya pa ang tawag ko. Tsk hindi ka makakatakas saakin clive jacobs.

Kinuha naman nang guard saakin yung Telepono. Napailng iling naman sya saakin. Hayy mukha na akong desperada. Oo desperada na ako, para makakuha ng mission. Gusto ko nang matapos to hayst.

may nakita akong papasok na pamilya,sumabay na ako sakanila. Big and healthy family kasi sila kaya hindi ako napansin ng guard.

Nakapasok din. Pero teka aling floor si clive nakatira.

Lumapit naman ako sa front desk para sana itanong. Kaya lang bago ko pa maitanong nasabi nanila.

Nag chichismisan kasi eh. 14th floor room 303.Agad naman akong sumakay ng elevator at pinuntahan ang mission ko.

Lumabas naman na ako sa elevator at pinuntahan ang room ni clive

"303"basa ko bago ako nag doorbell.

Nag hintay naman ako ng ilang Segundo. Napangiti naman ako nung binuksan nya na ang pinto.

Nagulat naman sya nang mapatingin saakin.

" ikaw, pano ka nakapasok? "Gulat na tanong nya saakin. Isasara na nya dapat yung pinto nya kaya lang na pigilan ko ito.

" Bitaw ms. Ipapatawag kita sa mga guard para bitbitin ka palabas"Pananakot nya saakin. Pero isang ngisi lang ang sinagot ko sakanya.

"Clive Jacobs, Sa ayaw at sa gusto mo asawa mo na ako. Alam ko na hindi ka maniniwala kung sasabihin ko lang kaya may ebidensya ako"Sabi ko sakanya.

" what evidence? "Tanong nya saakin.

" Our Marriage Contract my husband "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status