Sa isang kilalang restaurant dinala ni Nathan si Via. Nakaakbay siya sa dalaga at nakapulupot naman ang kamay ni Via sa beywang niya.Ang mga taong naroon ay tila naiinggit sa kasweetan nila. Akala kase ng iba ay mag jowa sila ni Nathan. Napangiti naman siya sa isiping iyon. Paano kaya kung makita sila ng girlfriend ni Nathan at mapagkamalan siya bilang third party? Ang saya siguro. Napailing nalang siya sa isiping iyon at hindi niya napagil ang mangiti.Nakakunot noo siyang pinagmasdan ni Nathan. "What was that smile for?"Napailing lang siya. "Nothing. May iniisip lang akong nakakatawa." tila nagdadalawang isip ito sa sagot niya at tinaasan siya ng kilay. Pero bigla na lang itong nagbikit balikat at umupo na rin.Ilang sandali pa ay may lumapit na sa kanilang waitress. At kinuha na nila ang order nila.Habang hinihintay nila ang kanilang order ay mataman siyang pinagmasdan ni Nathan. Napa buntung hininga siya.Napaangat naman ang tingin ni Via kay Nathan. "May problema ka ba?" She a
"What?" Gulat na tanong ni Via. Tapos biglang sumakit ang ulo niya kaya nasapo niya ito. "Via ama mo ako kaya alam ko kung anong makakabuti sayo... ""I'm sorry iha pero tama ang daddy mo, hindi na kami bumabata.. "Now, she clearly understand what happened. Kung bakit siya naglayas. Napatingin siya sa kaniyang mga magulang na puno ng hinanakit.Naningkit ang kaniyang mga mata. "I don't really understand Mommy, Daddy kung bakit ninyo ako gustong ipagkasundo sa lalaking iyan!" At napadako kay Ivan ang mga mata niya. Nakita niya kung paano tumigas ang anyo nito at kung paano naggalawan ang mga muscles nito sa mukha. "Hija, please understand. Noong magkasundo kami ng ama ni Ivan ay mga bata pa kayo. At ngayon ko nalaman na itinali ng Papa niya ang mana niya sa kasal ninyong dalawa." paliwanag nito. "The hell I care with his inheritance!" Yes the hell I care! Sikmat niya sa kaniyang ama. No! Hindi pwede. Paano si Blake? Paano ang girlfriend nito? Hindi pwede! "Pero hindi para kay Iv
Nakatuon lang ang pansin niya sa pagkain ng marinig niya itong magsalita kaya napa angat ang tingin niya rito. "So this is my proposal. Marry me first. Second mananatili kang kasal sa akin hanggang sa maisalin sa pangalan ko ang kompanya." Walang kagatol gatol nitong sabi at walang emosyon kang mababanaag sa kaniyang mukha. So after all this time yung mana niya pa rin ang iniisip nito. Damn this man! Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy ito. "Sa ibang bansa tayo magpapakasal. Para mas madali sa atin ang mag divorce."Divorce agad? E ni hindi pa nga sila nagpapakasal. Ano pa nga ba ang iisipin niya? Hindi bat iyon din naman ang plano niya? Dahil total wala naman silang nararamdaman para sa isat isa. Wala nga ba? Tanong ng isang banda ng isip niya. Wala nga ba? "So what can you say?" Pormal na tanong nito. "Kung makapagpropose ka ay akala mo isang business lang itong pinag uusapan natin." Nakairap niyang sabi. Napataas naman ang kilay nito. "Business deal naman talaga ito hindi
Ang akala ni Via ay dadalaw lang sila roon. Pero laking gulat niya ng tumambad sa kaniya ang dalawang maleta sa sala ng town house ni Ivan. Punong-puno ang mga iyon ng mga gamit niya. Anong binabalak ng mga magulang niya? Napasalampak siya sa sofa. "Nako e, kanina pa ang mga iyan rito hija. Ipinahatid daw ng mga magulang mo." Nasapo niya ang kanyang mukha. Ano ba ang tingin sa kanya ng mga magulang niya? Bakit pakiramdam niya ay ipinamimigay siya ng mga ito. Tiningnan niya ng masama si Ivan. Ano ba ang ipinakain nito sa kaniyang mga magulang para pagkatiwalaan siya ng mga ito ng lubos? Tumayo siya at nagmartsa papunta sa kwartong o-okupahin niya. Isinunod ni Ivan ang mga maleta niya at walang salita ring lumabas agad sa kaniyang silid. Agad siyang nagbihis. At humiga sa kama. Ano ang balak ng mga magulang niya at dinala rito ang mga gamit niya? Hindi niya namalayan sa ka-kaisip niya ay nakaidlip pala siya. Pasado alas kwatro na ng magising siya. Saktong nagpanhik naman si Nana
Pagkatapos kumain ng hapunan ay umakyat na agad si Via sa kaniyang silid. Hinagilap niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang pinsan. "Nate... " bulong niya habang nakabusangot saka nahiga sa kaniyang kama. "Oh princess, how are you? Ikaw ah, balita ko ikakasal ka na pala dimo pa sinasabi sa akin." Nagtatampong sabi nito. She rolled her eyes. At talagang ipinagkalat na ng mga magulang niya ang nalalapit niyang kasal. Napabuntung-hininga nalang siya. "Nate alam mo naman siguro kung bakit ako ikakasal hindi ba? What an arrange marriage para sa panahon natin napaka imposible diba? Tulungan mo ako Nate. Ayokong magpakasal, sa kanya." Pagsusumamo niya rito. Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito sa kabilang linya. "I'm sorry princess, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko na si Ivan kesa sa Blake na yun." Napanganga siya. Wala na ba talaga siyang pag-asa na hindi matuloy ang kasal? Akala niya pa naman ay tutulungan siya nito. Para siyang binagsakan ng langit at lup
Sinag ng araw ang gumising sa kanya. Medyo masakit na ito sa kanyang balat kaya siguro nagising siya. Nag-iinat siya ng mapadako ang tingin niya sa orasan na nakapatong sa side table niya. Mag-aalas onse na! Agad siyang napabalikwas ng bangon at dali daling nagtungo sa banyo. Ano bang klaseng gising ang oras na alas-onse? Gising iyon ng tamad. Hindi kase siya nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Ivan. Hindi maalis-alis sa kanyang sistema ang halik ni Ivan kagabi. Biling-baliktad lang siya kagabi at hindi niya alam kung paano siya makakatulog dahil sa kanyang pagpikit ang mukha ni Ivan ang lumilitaw sa kanyang isipan kahit pa pilit niya itong iwinawaksi. Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga at tumingin sa salamin. Pinagmasdan niya ang sarili kung maayos ba ang suot niya. Teka? Bakit ba pinagkakaabalahan niya pang tingnan kung maayos o maganda ang itsura niya na haharap sa bruhong iyon. Iiling-iling nalang siyang lumabas sa banyo at bumaba sa kusina. Napakunot a
Nakatanaw si Via sa dagat habang nakaupo sa buhanginan. Katatapos lang nilang kumain at talaga namang busog na busog siya. Sa totoo lang ang dami niyang nakain at hindi niya malaman kung saan niya inilagay ang lahat ng mga iyon. Hindi niya rin maimagine sa sarili niya na ganun siya kalakas kumain. Para bang hindi siya kumain ng isang dekada. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Lets swim." halos masigaw siya dahil sa pagkagulat. Masama niya itong tiningnan. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib. "Wag mo nga akong ginugulat. Gusto mo naman na ata akong mamatay sa gulat." "Sorry." mahinang usal nito at umupo sa tabi ko. "Maligo tayo." at tumingin siya sa akin at ang mga mata niya ay tila may ibang kislap, kasiyahan o kapilyuhan? Aba ewan. "Ayoko." Nakangusong sagot ko at saka humalukipkip. "Ayaw mo?" "Oo ayaw ko." Sagot ko at tumayo na siya. Napangiti naman ako ng lihim. Hindi dahil sa ayokong maligo. Ayoko lang talagang maligo sa dagat natatakot ako baka malunod
Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit."O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag."Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising