Share

Chapter 22

Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.

Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit.

"O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag.

"Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status