Four
DIS - oras na ng gabi ay dilat pa rin ang mga mata ni Via habang nakatitig sa kanyang kisame sa mga oras na iyon. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang nalaman niya kanina lamang, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat.
Muli niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa muli na namang pagsagi sa kanyang isip ng bagay na iyon. Hindi niya na rin namalayan na muli na namang nag - init ang sulok ng kanyang mga mata dahil dito.
Bakit ba kase kailangan pa na gawin iyon ng Daddy niya? Bakit kailangan na sila ang mamili ng taong pakakasalan niya?
Oo, alam niya na magulang niya ang mga ito at mas nakatatanda sa kanya ngunit ang pagpili ng taong makakasama niya sa kanyang buhay ay hindi na dapat pa nilang sinasaklaw dahil unang - una ay hindi naman sila ang makikisama sa taong pinili ng mga ito para sa kanya balang araw kundi siya, kaya napakalaking tanong sa kanyang isip kung ano ang pumasok sa isip ng Daddy niya sa pakikipagkasundo nito para sa taong sinasabi nito na dapat niyang pakasalan sa tamang oras na sinasabi ng kanyang Ama.
Napadako ang kanyang tingin sa maletang nasa tabi niya at nakapatong sa kanyang kama. Hindi niya gustong sundin ang sinasabi ng kanyang Ama kaya kaninang pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang silid ay agad niyang ini - empake ang kanyang mga damit sa kanyang maleta.
Aalis siya, lalayas siya sa bahay nila kung iyon lamang ang magiging daan para hindi matuloy ang kasal na sinasabi nito dahil sa nakikita niya kanina sa mukha ng kanyang Ama ay desidido talaga ito na ipakasal siya.
Sinalungat niya ito ngunit nagalit lamang ito sa kanyang ginawa kaya labis - labis ang naging kanyang pag - luha.
Tila ba siya isang bata na sinesermonan dahil sa paglalaro niya. Pakiramdam niya nang mga oras na sinabi nito na ipapakasal siya sa taong sinasabi nito ay tila siya walang kwenta, tila ba wala na siyang silbi sa mga ito at tila ba nagsasawa na ang mga ito sa kanya noong oras na iyon.
Sa pagkaalala ng mga ito ay muli na namang nangilid ang kanyang mga luha na kanina ay wala na. Muli na naman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa sakit na dulot ng pagkakasundo sa kanya na ikasal sa taong ni hindi niya man lang kilala.
Ang bata niya pa para sa kasal, twenty two pa lamang siya. Wala pa sa kanyang isip ang pag - aasawa, hindi niya alam kung bakit nga ba talaga ginawa iyon ng kanyang Ama. Alam niyang may mas malalim pang dahilan at kung ano man iyon ay hindi siya papayag na basta - basta na lamang siyang ikasal.
Wala pa sa bokubolaryo niya ang salitang kasal dahil masyado pang maaga. Hindi niya pa nagawa ang lahat ng gusto niya, ni hindi pa nga siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil tumigil siya ng dalawang taon dahil na rin sa hindi niya gusto ang kursong ipinakuha sa kanya ng mga magulang niya.
Gusto niya pang i - enjoy ang buhay niya kasama ang mga kaibigan niya dahil hindi pa siya handa sa mga ganuong klaseng responsibilad. Ni ang paghalili nga sa kanyang Ama sa kanilang mga negosyo ay hindi niya pa tinanggap kahit na napakatagal na siya nitong pinipilit na halilihan na siya, mabuti na lamang at naroon ang kanyang pinsan na lagi siyang ipangtatanggol.
Basta ang lagi niya lamang sagot dito ay hindi pa siya handa. Alam niya naman na walang ibang aasahan ang kanyang Ama sa kanilang mga negosyo kung hindi siya lamang dahil nag - iisa lang naman siya at wala siyang kapatid.
Iyon kaya ang nasa isip ng kanyang Ama? Iyon kaya ang dahilan kaya pilit siya nitong ipinagkasundo sa isang taong hindi niya pa naman nakikilala upang magpakasal?
Natatakot kaya ito na mawala lang sa lahat ang pinaghirapan nito dahil sa nakikita niyang pag - uugali niya na akala mo walang ka inte - interes sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila? Iyon kaya?
Napakagat - labi siya. Napakababaw naman ng rason ng kanyang Ama kung iyon nga ang dahilan nito dahil hindi ba nito maintindihan na hindi pa talaga siya handa na i - take over ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.
Oo, alam niya na tumatanda na nga ang mga ito pero paano naman siya?
Sa mga oras na iyon ay parang gusto niyang sisihin ang mga ito kung bakit hindi na lamang siya nila dinagdagan para hindi siya inoobliga ng mga ito na katulad ngayon.
Kung meron lamang sana siyang kapatid edi sana ay hindi siya nila kailangang ipagkasundo pa dahil ang kapatid na niya ang bahala sa lahat.
Napapikit siya, kung sana ay naging kapatid na lamang sana niya ang kanyang pinsang si Nathan na anak ng kapatid ng Daddy niya e di sana ay wala siyang pinoproblema na katulad nito.
Muli siyang napamulat ng kanyang mga mata at napatingin sa kanyang wall clock. Mag - aala una na ng madaling araw.
Napabangon na siya mula sa kanyang pagkakahiga at humugot ng isang malalim na buntung - hininga. Kailangan niyang umalis sa bahay nila bago pa mag - liwanag.
Tumayo na siya at hinawakan ang kanyang maleta. Napatingin siya sa kanyang mga atm na nakapatong sa side table ng kanyang kama. Iniwan niya ang mga ito dahil nasisiguro niyang kapag dinala niya ang mga ito ay mahahanap at mahahanap nila siya. Nasisiguro niyang ipapa - trace siya ng kanyang Ama kung saka - sakali kaya napagdesisyunan na lamang niya na iwanan ang mga ito.
Total ay meron naman siyang pera na cash galing sa mga ipon niya. Isa pa ay nagdala siya ng ilang pirasong alahas niya upang kapag nawalan siya ng pera ay meron siyang maibebenta.
Maging ang kanyang cellphone ay iniwan niya dahil ayaw niyang matawagan siya ng mga ito. Buo na ang loob niya na umalis doon dahil ayaw niyang sundin ang mga ito sa gusto nila na magpakasal siya.
Muli siyang napahugot ng isang malalim na buntung hininga bago niya hinawakan ang kanyang maleta at dahan dahan na naglakad papunta sa kanyang pinto.
Binuksan niya ito ng napakamalumanay upang hindi ito gumawa ng anumang ingay.
Sumilip muna siya sa labas ng kanyang pinto at nang makita niya na wala ni isang tao na naroon dahil nasisiguro niyang tulog na ang lahat ay tuluyan na siyang lumabas sa kanyang silid at dahan - dahang inumpisahang maglakad bitbit ang kanyang maleta.
Ingat na ingat siya na hindi makagawa ng kahit anumang ingay na makakasanhi ng pagkagising ng mga tao sa kanilang bahay.
Nakahinga siya ng maluwag nang payapa siyang makalabas ng kanilang bahay na wala manlang nagigising na kahit sino.
Pagkasarado niya ng kanilang gate ay napalingon muna siya sa kanilang bahay at napapikit ng mariin bago tuluyang tumalikod na at nag - umpisa ng maglakad palayo sa bahay nila.
FiveANG kanyang paningin ay medyo nanlalabo na dahil sa matinding pagkahilo dahil sa alak na ininom niya sa bar. Kaninang bago siya umalis doon ay hindi pa naman ganun ang pakiramdam niya.Ni wala nga siyang nararamdaman na hilo kanina kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lamang katindi ang hilo niya ng mga oras na iyon. Pilit niyang tinitingnan ang kanyang suot na relo upang tingnan kung anong oras na nga ba, ngunit kahit anong pilit niyang tingnan ay hindi na niya makita pa iyon ng malinawag dahil malabo na nga ang kanyang paningin nang mga oras na iyon.Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela ay napahawak naman ang isa sa kanyang sentido upang hilutin ito upang maibsan man lang sana ang pagkahilong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapamura dahil sa nararamdaman niya. Hindi siya ganun kadaling malasing at alam niya iyon sa sarili niya kaya nasisiguro niya na may sumabutahe sa ininom niya kanina.Sa isip isip niya ay malama
SixAGAD na may sumalubong sa kanilang mga nurse na may dala - dalang stretcher dahil kanina bago siya makarating sa ospital na alam niyang pinakamalapit ay agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na isang doktor sa ospital na iyon.Sa tawag pa lamang ay idinetalye na niya rito kung ano ang nangyari at kung bakit niya ito nabangga. Sunod na sunod na buntung - hininga na lamang ang naging tugon nito sa kanya. Agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan kung nasaan ang babaeng hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay habang patuloy pa rin ang pag - agos ng dugo mula sa ulo nito. Noon niya lang din napansin na may dugo rin na pumapatak mula sa mga mata nito kaya napakunot ang kanyang noo dahil dito.Hindi niya maintindihan kung bakit may dugo na umaagos sa mata nito, napano kaya iyon at bakit may dugong tumutulo doon? Napinsala kaya ang mga mata nito?Hindi niya na naman napigilan ang magmura sa kanyang isip dahil rito idagdag pa na halo
SEVEN--------------Walang nagawa si Ivan kundi iuwi ang babaeng yun dahil wala itong maalala sa pagkatao nito. Isa pa ay siya naman ang dahilan kung bakit ito nadisgrasya at maaatim ba niyang pabayaan ito? Sa townhouse ni Ivan niya dinala ito, ito ay matatagpuan sa Batangas na malapit sa dagat upang maging presko ang kapaligiran nito.Sinalubong kami agad ni Yaya Yuling na nagtatanong ang mga mata."Sino siya iho?" Tanong ng matanda pagkakababa niya ng mga maleta sa harap ng pintuan."Siya si Elle, Nana." maikling sagot niya na agad binalikan ang babae sa kotse at inalalayan sa paglalakad patungo sa bahay."Nasaan tayo?" Tanong nito."Nasa bahay ko dito sa Batangas," sagot niya at iginiya niya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa couch na nasa may sala. "Gusto kong magpahinga," sabi ni Elle at nagpakawala ng isang buntung hininga. Mababakas sa magandang mukha nito ang pagkapagod, pagkapagod sa mahabang biyahe."Halika at ipapanhik na kita sa kwarto mo," saad nito sabay alalay niya
----------------"Anong ginagawa mo dito sa tabing dagat?! alam mo ba kung anong oras na ha?!" Napapitlag si Elle ng marinig ang boses nito. Sa tono ng boses nito ay alam niyang galit ito.Napalingon nalang siya sa pinagmulan ng baritonong boses. Hindi niya man makita ang ekspresyon nito ngayon nasisiguro niyang galit na galit ito at umuusok pa ang ilong habang bumubula ang bunganga sa sobrang inis. She just rolled her eyes at tatayo na sana kaso agad nitong nahawakan ang kamay niya. Hinila siya agad nito patayo at napangiwi nalang siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.Di nalang siya nagsalita at nagyuko nalang ng ulo. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito dahil baka siya pa ang mapasama. Hinila siya nito papasok ng bahay."Pano nalang pag nalunod ka dun ha?! For pete's sake hindi ka nakakakita!" Sigaw nito sa kanya at itinulak siya paupo sa couch na nasa sala.She just bit her lower lip, e sa wala nga siyang masabi e? Baka kase pag sumagot siya ay
------------Napaangat ang ulo ni Alberto ng marinig ang yabag na pababa ng hagdan, It was Amelia her wife. Ibinalik niya uli ang konsentrasyon sa pagbabasa ng diyaryo habang humihigop ng kape. At dumiretso ito sa lamesa at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito, mukhang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito, indikasyon na hindi nga talaga ito nakatulog. "Good morning." nakangiting bati niya rito, marahil ay nahawa ito kaya agad din itong ngumiti sakanya."Good morning din, ang anak mo?" She asked."Hindi pa bumaba, baka tulog pa o kaya wala talagang balak lumabas." kibit balikat nitong sagot. Napabuntong hininga naman si Amelia habang binabalikan ang usapan nila kagabi."What?" Naguguluhang tanong ni Via habang nakatingin sa kanyang Ama."Dad, this is ridiculous." sagot nito."No." mariing wika ni Alberto."Ama mo ako Via kaya alam kong ito ang dapat na gawin mo sa buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para rin sayo. Wala k
--------------Nang lumabas si Elle para kumain ay wala na ang lalaki. Mas maganda iyon para hindi sila magkailangan. Si Nana Yuling ang kasabay niyang naghapunan pero hindi niya makuhang tanungin kung nasaan si Ivan. Kahit kating kati na ang bibig niyang tanungin kung nasaan ito ay pinigil niya ang kanyang sarili dahil sino ba sana siya para magtanong?Napabuntong hininga na lamang siya. Kung sana nakakaalala na siya, kung sana bumalik na ang kanyang memorya kasabay ng panunumbalik ng kanyang paningin. Nakapagdesisyon siyang magtungo nanaman sa tabing dagat, nagpahatid siya kay Nana Yuling dahil baka matapilok siya at madapa siya. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat, parang tinatangay nito ang anumang alalahanin niya sa mundo. Gaya ng dati ay sumalampak ulit siya sa buhangin at pumikit. Kung sana lang nakakakita na siya e di sana nakikita niya ang kagandahan nito. Ang sabi sakanya ni Nana Yuling ay napakaganda daw ng paglubog ng araw doon sa hapon. Gusto man
__________________________Masayang gumising si Elle, ewan niya rin pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya ng umagang iyon. Nag inat siya at iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya dahil nakakaaninag na siya.Kaya lang ay medyo malabo pa talaga. Mukhang babalik na ang paningin ko. Nakangiting bulong niya sa kanyang sarili.May ngiti sa labi na tinungo niya ang banyo at naligo. Pagbaba niya ay napansin agad ni Nana Yuling ang kakaibang aura niya ngayong umaga."Mukhang maganda ang gising mo ah Elle." nakangiting bati nito sakanya.Ngumiti siya bago sumagot."Mukha nga Nana, nakatulog kase ako marahil ng maayos." na may katotohanan naman, parang kumbaga namamahay siya kaya hindi siya agad nakakatulog at hirap na hirap siyang dalawin ng antok."Normal lang iyon, o siya kumain kana." at ipinaghanda siya nito ng makakain."Si Ivan ho?" Tanong niya rito. Hindi na kase siya nakatiis."Maagang umalis e, parang nag aapura pa nga baka may maagang meeting nanaman iyon." iiling iling n
Mahinang pagpisil sa kanyang kamay ang nagpagising kay Elle. Nanghihina pa rin siya. At parang tuyong tuyo ang lalamunan niya na kahit gustuhin niya mang magsalita ay parang walang lalabas na salita na magmumula sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung sino ang taong marahang pumipisil sa kanyang kamay. How she wish it was Ivan waiting her to be awake. Bahagya niyang iginalaw ang kaniyang kamay upang malaman ng kung sinoman ang naroon na gising na siya.NAPASINGHAP si Amelia dahil sa paggalaw ng kamay ni Via. Agad siyang tumakbo palabas at agad na tinawag ang doktor pati na ang kaniyang asawa. "How is she?" Nag aalalang tanong ni Amelia sa doktor. Hindi agad ito nakasagot dahil lumapit ito sa kama ni Via at masusing pinag aralan."She's fine kailangan niya lang magpalakas, maya maya lang ay tatanggalin ko na ang benda sa kaniyang mga mata." Sabi nito at iyon lang ang sinabi nito at lumabas na sa silid. Lumapit si Amelia sa anak at hinaplos ang buhok nito. Oh how she miss her daught