Share

Chapter 6

Six

AGAD na may sumalubong sa kanilang mga nurse na may dala - dalang stretcher dahil kanina bago siya makarating sa ospital na alam niyang pinakamalapit ay agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na isang doktor sa ospital na iyon.

Sa tawag pa lamang ay idinetalye na niya rito kung ano ang nangyari at kung bakit niya ito nabangga.

Sunod na sunod na buntung - hininga na lamang ang naging tugon nito sa kanya. Agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan kung nasaan ang babaeng hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay habang patuloy pa rin ang pag - agos ng dugo mula sa ulo nito. Noon niya lang din napansin na may dugo rin na pumapatak mula sa mga mata nito kaya napakunot ang kanyang noo dahil dito.

Hindi niya maintindihan kung bakit may dugo na umaagos sa mata nito, napano kaya iyon at bakit may dugong tumutulo doon? Napinsala kaya ang mga mata nito?

Hindi niya na naman napigilan ang magmura sa kanyang isip dahil rito idagdag pa na halo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status