Share

Chapter 8

----------------

"Anong ginagawa mo dito sa tabing dagat?! alam mo ba kung anong oras na ha?!" Napapitlag si Elle ng marinig ang boses nito. Sa tono ng boses nito ay alam niyang galit ito.

Napalingon nalang siya sa pinagmulan ng baritonong boses. Hindi niya man makita ang ekspresyon nito ngayon nasisiguro niyang galit na galit ito at umuusok pa ang ilong habang bumubula ang bunganga sa sobrang inis.

She just rolled her eyes at tatayo na sana kaso agad nitong nahawakan ang kamay niya. Hinila siya agad nito patayo at napangiwi nalang siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.

Di nalang siya nagsalita at nagyuko nalang ng ulo. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito dahil baka siya pa ang mapasama. Hinila siya nito papasok ng bahay.

"Pano nalang pag nalunod ka dun ha?! For pete's sake hindi ka nakakakita!" Sigaw nito sa kanya at itinulak siya paupo sa couch na nasa sala.

She just bit her lower lip, e sa wala nga siyang masabi e? Baka kase pag sumagot siya ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status