Share

Chapter 2

Two

MEDYO ramdam na ni Ivan ang pagkahilo ng mga oras na iyon. Nasa bar siya sa mga oras na iyon. Kaninang umalis siya sa kanyang opisina pagkatapos niyang malaman kung ano ang isinasaad ng last will and testament ng kanyang Ama ay dumiretso siya doon.

Hanggang sa mga oras kase na iyon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nabasa niyang nakasulat doon. Anong petsa na ba? Anong taon na ba para sa isang kasal na katulad n'yon dahil sa pagkakatanda niya ay nasa 21st century na kaya wala na isip niya na pwede pa palang mangyari ang mga bagay na iyon.

Napasapo siya sa kanyang ulo habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa counter ng bar kung saan siya nakaupo nang may lumapit na namang isang babae sa kanyang tabi. Hindi niya man iyon lingunin ay alam niya na babae iyon dahil amoy na amoy niya ang matamis nitong pabango.

Lumingon siya rito at nasalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Sa pagkakatitig pa lamang nito sa kanya ay nasisiguro na niyang gusto siya nito dahil kitang - kita niya ang pagkagat - labi nito habang nakatingin sa kanya. Agad siyang napangisi at napailing. Pang - ilang babae na nga ba ito na lumapit sa kanya simula kaninang umupo siya doon?

Sa tantiya niya ay nasa pang sampu na ito kaya napailing na lamang siya. Mga babae nga naman, sa isip isip niya. Karamihan kase sa mga babaeng nasa loob ng bar ay naghahanap lang ng makaka - sex and that is reality. Kunwari iinom ng kaunti, pero kapag may lumapit na sa kanilang lalaki ay maglalasing - lasingan.

Ipinilig niya ang kanyang ulo bago niya muli itong hinarap. Sa pagkakataong iyon ay inayos na niya ang kanyang pagkakaupo at hinubad na ang suot niya pang coat sa mga oras na iyon at ibinaba sa counter.

Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang coat ay agad niyang hinawakan ang mukha nito kaya napatigil ito sa pag - inom ng cocktail at ibinaba nito iyon sa counter upang hindi matapon. Hindi din naman ito nagsalita bagkus ay mas lalo lamang siya nitong inakit sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

Niyuko niya ang suot nito sa mga oras na iyon, nakasuot ito ng kulay itim na dress ngunit ang nipis ay halos wala na rin itong tinakpan dahil halos kitang - kita din naman ang buo nitong katawan kahit pa nakadamit nga ito.

Agad siyang dumukwang at hinalikan ito sa labi, mariin at mapusok. Agad naman itong sumagot sa halik niya na unti - unting nagpainit sa nararamdaman niya. Well, lalaki siya kaya normal lamang sa kanya ang mag - init.

Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang mga kamay nito sa kanyang hita na nakahawak doon upang kumuha ng balanse.

Hindi pa naman siya lasing, sakto pa lang ang nainom niya para maramdaman niya ang epekto ng alak. Kumbaga ay nakainom lang siya pero hindi pa siya lasing kaya alam niya pa ang ginagawa niya ng mga oras na iyon.

Agad na gumapang ang kanyang mga kamay na tila may isip upang pumailalim sa suot - suot nitong dress na halos wala na rin namang tinakpan.

Wala na silang pakialam sa mga taong naroon sa lugar na iyon kasama nila dahil sa lugar naman na katulad n'yon ay hindi naman uso ang salita pakialam. Sa lugar na tulad ng ganito ay wala ng pakialam ang mga tao kahit ano pa ang gawin mo doon. Kahit pa tumuwad doon ito ay hindi nila sisitahin dahil normal na lamang ito doon.

Ramdam na ramdam niya ang paglalim ng paghinga nito dahil sa ginawa niyang pagpapailalim ng kamay niya sa suot nitong dress ng mga oras na iyon. Kahit malakas ang tugtog sa lugar na iyon ay hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang mahina nitong pag - ungol na mas lalo lamang nagpasidhi sa init na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Init na init na siya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung epekto ba iyon ng nainom niyang alak o dahil na sa nag - uumpisang apoy na sumisiklab sa pagitan nila ng babaeng kahalikan niya ng mga oras na iyon. Ni pangalan nito ay hindi niya pa alam at wala naman siyang balak na alamin dahil unang - una ay ito naman ang lumapit sa kanya at unang nagpahiwatig na gusto siya nito kaya hindi na niya kailangan pa iyon talaga.

Ilang saglit pa ay pinutol na niya ang pakikipaghalikan dito at tumayo na, wala siyang balak patulan ito. Pinagbigyan niya lamang na makahalik ito sa kanya at pagkatapos ay tumayo na at pinulot ang kanyang coat na nakapatong sa counter, pagkalipas ng ilang sandali ay iniwan niya ang babaeng nakamata lamang sa kanya. 

Marahil ay nagtataka kung bakit hanggang halik lamang ang ibinigay niya rito. Marami pa siyang kailangang gawin at isa pa ay marami siyang iniisip kaya hindi niya pa maharap ang magpakasarap.

Walang emosyon niyang iniwan ang babaeng nakaupo doon na akala mo ay walang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya naiwasan ang mapapikit bago makalabas sa bar dahil nararamdaman niya na tila umiikot ang paligid niya at alam niyang medyo tinamaan na siya sa nainom niya. Pero kilala niya ang sarili niya, alam niya na kayang kaya niya pang umuwi kaya nagmadali siyang pumunta sa parking lot at hinanap ang kanyang kotse at pagkatapos ay mabilis na pumasok dito at pinasibad iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status