Share

KABANATA 16

"Ano pong pagusapan natin sir?" inosenteng tanong ko. Hindi ko na kayang manahimik pa. Akala ko hindi siya magsasalita dahil tahimik lang siyang nakatitig sa akin kaya hindi ako makatingin sa kanya ngayon, pero ilang sandali pa sinagot na niya ako.

"Inisip ko lang kung may tanong ka pa sa akin," sabi nito. Inosente parin akong tumingin sa kanya at pinakita ang pagtataka para mag kunwaring hindi siya maintindihan. Alam ko ang ginawa niya.

"Bakit po sir?" tanong ko sa kanya na may kunting pagtataka sa boses para hindi niya mahalatang alam ko ang ginawa niya.

"Akala ko may hindi ka pa natanong kanina," sagot nito. Inisip talaga nitong tanga ako.

"Ginawa ko lang naman yung tanong sir para kausapin mo ako," nakangusong sabi ko. Wala namang masama sa sinabi ko dahil alam kong inisip niyang bata pa lang ako pero kinabahan pa rin ako. "Ang sungit mo po sir kaya ayaw ko na sayo, gwapo ka pa naman," pag-aamin na sabi ko. Gusto kong ngumisi habang tiningnan ang gulat sa mukha niya.

"Anong ginawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status