Hindi namalayan ni Nadja na magsisimula na ng pasukan ng mga bata. Hindi pa kompleto ang mga gamit nila dahil sobrang busy din niya. Kapag wala siyang schedule, she often spent it sleeping all day at nagbabawi ng tulog sa pagod at puyat niya. Minsan na lang niyang abutang gising ang mga bata sa loob ng kanyang kuwarto. "Ma’am, ipapaaalala ko lang po. Walang gamit sina Holly at Mackie. Sabi ninyo kasi noong nakaraang wala kayong schedule eh lalabas po kayo." Napapagod siya sa biyahe. Hindi rin tuloy sila makalabas ng mga bata. Hindi tulad dati, anytime ay makakalabas sila ng hindi niya iniisip na baka sila pagkaguluhan ng mga tao. Mas inaalala niya ay kasama ang mga bata sa pagpunta sa mall. "Sige lalabas kami ngayon. Teka, nag-almusal na ba sila?" "Kumakain pa lang po." Inabutan niyang kumakain ang mga ito ng paborito nilang pancake. "Nessa, nagluto ka ba ng pancake?" Umiling kaagad ang babae. Saktong papasok si Cogie. "Ma’am, hindi po pinabayaran ng RBR 'yung pina-deliver ninyo.
“Ma’am, bakit may mga kotseng nakasunod sa inyo?” “Pinasunod sila ni Victor kaya marami kaming mga alalay hanggang sa mall.” “Wow!” Hindi makapaniwala si Nadja na gagawin iyon ni Victor para sa kanila. Bumalik naman sa opisina si Victor at nagsolo siyang uminom sa RBR. Halos mahulog ang puso niya ng makita si Nadja makalipas ang anim na buwan. Tinitigan niya ang mga larawang iyon ng babae. Hindi siya nakuntento kaya pinindot na ni Victor ang numero ni Nadja. “Hindi ko akalaing mababaliw ako ng ganito sa iyon ngayon, Nadja. What pains me is that I cannot hold you and kiss you the way I want to. I couldn’t become a cold and heartless Mafia son just like before. Oh, Nadja! Why are you making things hard for me? I am sorry. I made a mistake. And loving you now, finding you is the best thing that has ever happened to me. Nadja…” “Boss, lasing na lasing na po kayo. Ihahatid ko na po kayo.” “Ah, Nadja, my love!” “Boss…” Inalalayan ng ibang staff si Sharko upang dalhin si Victor sa kot
Lalo siyang humanga kay Sharon. Hindi niya alam na kanina pang may mga matang nagmamasid sa kanilang dalawa. Mula sa bintana ng kuwarto nilang mag-asawa ay nakatanaw doon ang ama ng tahanan. He is proud of Victor who did a wise choice for himself. Iba talaga si Victor kumpara sa kanya. Hindi na tinikis ni Sharon ang anak. Masinsinan niya itong kinausap. Hindi niya alam na pupuntahan siya ni Sophia ng umagang iyon. Hindi na rin matiis ng ina ang sitwasyon ng kanyang anak. Lumipas man ang anim na buwan ay hindi pa rin sanay ang dalawa sa kanilang sitasyon. Nakakadagdag ng pressure ang mga bata na palaging hinahanap si Victor. “Sharon, nandito ako sa tapat ng mansion ninyo. I came to talk to you.” “Huh, Honey! Anong nangyari?” Mabuti at katatapos lang nilang dalawang mag-ulayaw sa kama. “Sophia is here!” “Is she crazy? Bakit naman niya iyon gagawin?” “NO, I am not dreaming. Totoo ang sinasabi ko Nandito siya. Nasa gate siya ng mansion natin.” Nagmadaling tinawagan ng babae ang gu
Sa kabila ng kilig nito dahil sa magandang set up ng orchestra sa tapat ng kanyang bahay ay napeperwisyo naman siya ng kabilaang reklamo sa kanya. May nabulabog kuno pero nag-enjoy manuod at makinig. Maging si Philip ay naiinis na rin sa kanya at nagtatalo pa sila na parang may relasyon sila dahil lamang sa mga bulaklak at consistent deliveries ng pagkain para sa kanya. Minsan ay ganito talaga siya kaistrikto. Hindi na siya nagbago. Hindi na rin pinalampas ni Nadja ang pagkakataon na personal na magpasalamat kay Victor. Ilang beses niyang sinubukang magpadala ng mensahe kahit simpleng salamat ay hindi niya kaagad maipadala. Nagdadalawang isip pa siya dahil baka bigyang kahulugan ito ng lalaki at akalain na puwede na siyang padalhan ng mensahe kahit kailan niya gustuhin. Ayaw niyang gawin iyon upang mabuksan ang komunikasyon nila. Minabuti niyang puntahan ng umagang iyon si Victor habang wala pang masyadong tao sa RBR. “Good morning! Welcome to RBR! Bandang 10AM pa po kami magbubukas
Huminto ang dalawa sa classroom ng kanilang mga anak. Kumaway ang babae at napatakbo ang batang guro, si Teacher Earl. “Good morning, Ma’am. Mommy po ako ng kambal. We apologize for a little misunderstanding with your school bus service driver and also their daddy’s men. We’ll make sure na hindi na po sila mali-late. Mackie, Holly, behave kay Teacher ha!” “Bye na kay Daddy.” Yumakap pa si Holly. “Bye, Daddy.” Nag-flying kiss pa ang bata at hinila na siya ni Mackie papasok. Kumaway na rin si Nadja at mabilis na tumalilis. Nagmadali rin si Victor. Wala silang imik habang nasa pasilyo ng school na iyon. “Lalaking normal ang mga anak ko. Hindi nila kailangan ng mga alalay.” “Yeah, they will be normal kids. Walang alalay.” Napabuntunghininga na lang si Victor. “Nadja, can we talk?” Of all places, sa tapat pa ng mga lockers napahinto si Nadja. Napalingon siya sa lugar, It seemed familiar to him. “Tell your men to stop chasing after my kids.” “Gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi m
Gusto na niyang umalis. Nakabestida pa naman siya ng araw na iyon dahil may mga darating na bisita sa Titan Music ng araw na iyon. Kailangan niyang maging presentable. Ngunit nagkamali pa yata siya ng timing. Para bang nakahanda na siya sa posibleng mangyari. Naramdaman niya ang nag-iinit na kamay ni Victor. Mainit din ang hininga niya. Paa ni Victor ang nagtanggal ng sapatos ni Nadja. Inilislis lang niya ang damit ng babae. Nagmamadali pa siyang magbukas ng kanyang zipper para huwag nakapatakas ito. “Victor, I said stop!” Mahigpit ang hawak ni Victor kay Nadja. Wala siyang kawala. Napakapit tuloy nang mahigpit si Nadja. Pumikit siya ng magdikit ang kanilang mga labi. Ni hindi niya magawang tumugon. Patuloy siyang nagpumiglas. “I missed you Nadja.” “Let me go!” Nakasubsob ang nguso ni Victor sa leeg ng babae. “Akala ko ba maysakit ka?” “Bakit? Anong akala mo sa alaga ko, hindi natitigas dahil may lagnat ako. Makita lang kita, tinitigasan na ako.” “Alam mo ikaw, bastos talaga ang
Hindi napigilan ni Philip ang sarili ubos na ang kanyang pasensiya at hinawakan si Djana sa braso nito. Napakagat-labi si Nadja. “Huwag mo akong sagarin, Nadja. Stay – away- from- that- man.” “Aray, ano ba? That man is my happiness, get it! Siya ang bubuo sa aming pamilya. Palalampasin ko pa ba? Malalaos ako balang araw bilang isang singer and I can only have my man and my children to be with me. You have your life. I have my life too.” “Okay fine. I hope na ready ka ring ipaliwanag sa madla kung sino siya at sino ang mga bata.” “At anong gagawin mo bilang manager ko? Hahayaan mo akong mabilad sa kahihiyan. Well, sanay na ako. I am just a business to you hanggang doon lang ang pakinabang mo sa akin.” Umigkas ang kamay ni Philip. “Sige! Sampalin mo ako!” Inilapit pa ni Nadja ang pisngi. “Sir Philip, they are now coming!” Kaagad na humarang ang sekretarya sa dalawa bago sila magkasakitan. “Pumasok ka na. Mabuti at ngayon pa lang darating ang mga kausap natin kung hindi, malilintik
Pinagitnaan ng dalawang puting van ag kotse ni Nadja. Ganoon din ang ginawa sa sariling van nila kung saan nakasakay ang kanyang mama at papa. Umusok ang ilong ni Nadja dahil puwede silang maabala sa ginagawa ng mga ito. “Anong problema ng mga ito? Sinabihan ko na sila na huwag nang eskortan ang mga bata? Mahirap bang intindihin iyon?” “Ma’am, huwag po kayong lalabas kahit anong mangyari.” “Cogie…” “Baka po kasi hindi sila mga tauhan ni Sir Victor.” Biglang napahinto si Nadja. Doon lang siya kinabahan. Inosente ang mga bata at hindi nila alam kung ano ang posibleng mangyari. Huminto na si Cogie dahil ayaw silang paunahin ng mga sasakyan. May bumabang kalalakihan sa puting van. “Tama ka, hindi sila tauhan ni Victor.” Hindi napansin ni Nadja ang babaeng naglakad sa gawing kanan at kinatok ang bintana. Nakahawak siya ng baril ngunit hindi naman natakot si Nadja doon. Kasama niya ang kanyang mga anak. “Ma’am…” “Kapag bumaba ako, isara mo kaagad ang pinto at huwag mong bubuksan ka