Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
MEETING ROOM 10AM KASALUKUYANG seryosong nagkakaroon ng short meeting ang Re-Bistro Resto ng umagang iyon. Matamang nakaupo at umuugoy-ugoy pa ang boss’ chair ni Victor. Pinaglalaruan niya ang kanyang Parker pen sa kanyang mga daliri. Pinakikinggan ng lahat ang report ng manager. Nagbibigay na siya ng reminder sa mga staff nila. Mahigpit na ipinaalala ang maayos na pakikitungo sa kanilang mga costumer upang maiwasan ang anumang negative feedback sa mga ito. Hindi nagpakita ng pagkagulat si Victor sa kanyang ama ng bigla itong dumating sa kanyang restaurant. “Are we done?” tanong ni Victor. Tumango ang manager. Alam niyang seryoso ang pakay nito para magpakita sa kanya. Hindi kasi niya ugaling magpakita sa tao at lumantad ng personal kung hindi lang napakahalaga ng sasabihin nito na hindi niya kayang ipagpabukas. Mukhang umuusok ang ilong niya na parang toro at nanunukat ang kanyang mga tingin. “You can all go!” Nagmadaling lumabas ang lahat. “You want coffee?” tanong nito sa ama
HINDI NA NAKITA ni Victor ang batang babae. Nabalitaan na lang niya na lumipat na ito ng paaralan upang makaiwas sa mga bully. “Thank you for being the first person to ever fight for me!” Iyon ang unang anonymous letter na kanyang natanggap. Ang batang babae lang ang kanyang naalala na puwedeng maglagay nito doon. Sa paglipas ng panahon, naging malaya si Victor upang gawin ang mga ordinaryong bagay bilang isang young bachelor. Hindi na niya maihihiwalay ang maraming alalay sa tuwing aalis siya. Hindi siya papayagang lumabas ng hindi sila kasama. Sa edad na tatlumpu, marami na rin siyang nakaulayaw na mga babae. Nakukuntento siya sa panandaliang-aliw at wala pa siya sa puntong lalagay sa seryosong kasalan. Hindi iyon kasama sa usapan. Hanggang sa kama lang ang lahat at wala ng iba. Hindi niya kailangang magkaroon ng seryosong ugnayan sa sinuman sa kanila. Victor got his clean cut done early yesterday. Sinigurado niyang maayos ang magpapa-shave ng kanyang bigote at balbas. He had his
HINABOL ni Sharon ang lalaki. Nanginginig ang kanyang mga kamay at sinampal niya ito kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya tigilan na natin ang isang dekadang tsismis at away na paulit ulit din lang nman." "Nag iisang babae? I still don’t believe you Max!" "Kailan ka ba naniwala sa akin? And that’s your problem. Sino ba ang babaeng tinutukoy mo? Si Sophia?" Si Sophia Santiago ang sikat na babae sa likod ng mga kanta na paulit-ulit na pinakikinggan ni Sharon. Matalik niya itong kaibigan bago siya ibahay ni Max. Nagkahiwalay ang dalawa na may samaan ng loob ng masangkot ang asawa sa isang malaking kontrobersya. Buntis ang babae at nakuhanan sila ng mga larawan habang papasok si Max sa isang hotel. Muntik pa silang maghiwalay habang buntis din ang asawa. Hindi pumayag si Max na makipaghiwalay si Sharon sa kanya. Gusto niyang manatiling buo ang kanyang pamilya. But that was three decades ago. Matagal siyang walang balita sa babae. Sa ngayon ay iba
ANG BOSES ni Nadja ang kinahumalingan naman ni Sharon. Hindi niya pinalampas na bumili ng mga CD nito at paulit-ulit na pinatugtog ito sa kanyang buong mansion. Maging si Victor at nakukuriri ang tenga kapag ito na ang nagpatugtog. Kaya lang, laking pagtataka ng ina. Wala man lang itong isang larawan kundi ang isang iconic mask na cover ng kanyang album. “Don’t forget my concert ticket!” paalala nito sa anak. “Ano bang nagustuhan ninyo sa kanta niya?” “I like her voice. It reminds me of someone.” “First love ninyo?” Tiningnan ng masama ni Sharon ang anak. Kung magsalita ito ay parang si Max kung magselos. “First love kaagad? Parang kang ang ama mo kung magsalita. Tigilan mo ako!” Binilhan na rin ni Victor ang ina ng VIP ticket para sa isang music concert ng isang baguhang singer. Ito lang naman ang kanyang kaligayahan. Naghanda si Sharon sa kanyang paglabas. Ipinadala ni Victor ang larawan ng ticket. Katunayang nakabili na ito para sa kanya. Nagmadali itong magbihis. Pumili siya