Share

Chapter 5. Too Much Talk

-Amunet’s Point of View-

“Ano bang sinasabi niyo?” Itunulak ko siya palayo sa akin at nag-iwas ng tingin.

“Samahan mo akong mag-lunch, let’s go.” Hinuli niya ang kamay ko ngunit hinatak ko iyong muli. Tumiim ang bagang niya at masama akong tinignan.

“H-hindi pwede. Nakapangako na ako sa iba, sa kanila ako sasama.” Tinalikuran ko siya at mabilis na lumabas ng pinto. Hindi niya ako pinigilan sa pagkakataong ito, na pinagpasalamat ko naman.

Mabilis akong naglakad patungo sa elevator at nanginginig ang mga kamay na pinindot ang floor kung saan ang canteen ng kompanya. I can’t stop shaking. Pakiramdam ko’y sasabog ang lahat ng kinimkim kong galit sa lalaking iyon. Talagang ang kapal ng mukha niya para umasta ng ganun sa harap ko. Kumain kamo kasama niya? Nagbibiro ba siya? Bakit naman ako sasabay kumain sa taong tulad niya? Ano ba ang akala niya, basta ko nalang kakalimutan ang ginawa niya sa akin noon? Hindi niya lang kami sinaktan at tinalikuran ng anak niya, inapakan rin niya ang buong pagkatao ko. Mukha bang kaya kong lumunok ng kumain habang nasa harap ko ang pagmumukha niya?

“Tara na, Kent. Gutom na gutom na ako, kaunting oras nalang ang natitira sa breaktime natin, hindi na sisipot ang kaibigan mo.” Narinig kong sabi ng lalaking katabi ni Kent. Sabay silang nag-angat ng tingin sa direksyon ko nang mapansin ang aking presensya, kalalabas ko lang ng elevator.

“Amunet,” masiglang tawag ni Kent sa pangalan ko. Lumapit siya at tumayo sa harap ko. “Ang akala ko talaga ay iindianin mo na ako.” Kamot ulo na sabi niya.

“Pasensya na, may pinatapos lang kasi sa aking trabaho ang boss natin. Sana ay hindi niyo na ako hinintay, nasayang ko pa tuloy ang breaktime niyo.”

“Mabuti at alam mo.”

Marahas akong napalingon sa babaeng nakasandal sa wall ng lobby. Nakunot ko ang aking noo, pamilyar sa akin ang babaeng ito, napaisip ako. Saan ko nga ba siya nakita? Ah, tama! “Hindi ba’t ikaw iyong isa sa dalawang babae na kasama ko sa final interview?”

Natigilan siya. Ngunit agad na inalis ang ekspresyon sa kanyang mukha. “So?”

“Ah, mabutin naman at nakapasok ka parin dito sa kompanya.”

“Are you mocking me? Feeling mo bida ka dahil ikaw ang napiling secretary ng CEO?” Lumapit siya sa akin at pinag-cross ang mga kamay. “Alam kong may hocus-pocus na nangyari kaya ikaw ang napili… malay ko kung gumawa ka ng kalaswahan kaya ikaw ang napili.”

“Hey, Lisa…” Pumagitna sa amin si Kent. “Hindi ko siya inimbitang sumabas kumain sa atin para pagsalitan mo ng ganyan. Come on, Amunet…” Hinuli ni Kent ang kamay ko at hinila ako papasok ng canteen. Binalingan ko ng tingin ang mga kasama niyang iniwan namin, masama ang tingin sa aking ng babaeng tinawag ni Kent na Lisa, ngunit bukod sa kanya at nagliliyab na mata ni Austine ang aking natanaw bago ito tumalikod at muling pumasok ng elevator.

“Pasensya ka na sa naging asal ni Lisa, hindi lang kasi siya sanay na may ibang babae akong pinakikilala sa grupo namin,” paumanhin ni Kent nang maupo kami sa bakanteng table pagkatapos mamili ng makakain. Ang mga kaibigan naman niya ay nasa kabilang table.

“Ayos lang, pero ang sabi mo ay grupo niyo. Ang ibig sabihin ba’y matagal na kayong magkakilala na magkakaibigan?”

“Yeah, magkakaibigan kami at nagkataon naman na nagkita-kita ulit kami dito sa kompanya.”

“I see. Ang ibig sabihin ay matagal narin si Lisa dito?”

“Ah, hindi. Tulad mo kakapasok lang din niya dito. Hindi ko alam pero after niyang hindi mapili bilang secretary ng CEO ay binigyan si ng ibang trabaho ng HR, tinanggap naman agad ni Lisa, isa sa main purpose kasi kung bakit nag-apply siya dito ay dahil sa amin,” mahabang paliwanag ni Kent.

“Kumusta naman pala ang trabaho mo?” pag-iiba niya ng topic.

“Okay naman. Nakakapagod, syempre walang trabaho na hindi. Kaso medyo masungit at malupit lang sa akin ang big boss, pero okay lang hindi naman sa nagre-reklamo ako, nakakabanas lang kasi minsan kapag sinadya niyang magkaroon ako ng pagkakamali,” himutok ko. Ayokong isipin na pinag-iinitan ako ni Austine pero iyon kasi ang nakikita ko sa mga childish niyang desisyon sa buhay. Tama bang ipag-photocopy ako five hundred copies ng mga papel na wala namang kwenta? Utusan akong magpa-deliver ng pagkain pagkatapos ay ipatapon? Kung anu-ano pa ang mga pinagagawa niyang walang kabuluhan.

“Stressed ka ba dahil sa boss natin?” Kent chuckled. “Gusto mo bang sumama sa amin mamaya? Plano naming kumain ng dinner sa labas tapos ay mag-inuman narin, wala naman pasok bukas baka gusto mong sumama? You know, para mag-relax.”

Hindi ako nagsalita at tinusok-tusok lang ng tinidor ang scrubled egg sa aking pinggan, kaunti nalang kasi ang ulam na natira dahil pass twelve na kaya kaunti nalang din ang choices at napabili ako ng itlog dahil iyon ang pinakamura, wala narin kasing gulay.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. “Ang totoo ay interesado ako, kaso ay hindi rin ako pu-pwedeng hindi umuwi ng bahay, wala kasing makakasama ang anak ko,” matapat kong tugon. Wala naman akong dahilan para maglihim sa kanya, kay Austine ko lang naman gustong ilihim ang tungkol kay Auset.

“May anak ka? Teka, you’re married?” hindi makapaniwala niyang sabi. Napalakas pa ang boses nito kaya napalingon sa amin ang mga kaibigan niya at ibang empleyado na medyo malapit sa aming table.

“Exagerated naman ng reaksyon mo,” I laughed. “Opo, may anak na ako pero walang asawa. Nabuntis ako ng nobyo ko noong nasa probinsya pa ako.”

“Wow, hindi halatang may anak ka na.” Nakamot ni Kent ang likod ng ulo. “Ahmp, so kayo parin ba ng nobyo mo?” nahihiya niyang tanong.

Umiling ako. “Matagal na kaming hiwalay, iniwan niya ako nang ipanganak ko ang baby namin.” Mapait akong ngumiti. “Natakot yata sa responsibilidad niya… Ah! Nakalimutan ko, pinaglaruan niya lang pala ako.”

“Napakag*go naman ng ex mo.”

“Sinabi mo pa…”

“Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya iyon sa isang tulad mo. You’re the most beautiful woman I’ve ever met. Ang tanga naman niya para sayaning ka, Amunet.”

Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Kent. Pagkatapos ay natawa nalang. “Seryoso? Teka nga, may gusto ka ba sa akin?”

Natigilan siya sa pagsubo at nanlaki ang mga mata. Doon lang niya marahil na-realize ang kanyang mga sinabi. Natakpan niya ang sariling bibig ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang huling mga salita na kanyang sinabi.

“Sh*t! I talked too much.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rolando Martillan
next plzzzzzzzzz........
goodnovel comment avatar
Elizabeth Perante
Ganon walang kwenta nagbabasa ka walang karugtong
goodnovel comment avatar
Lhynmar Arendayen
hala asan ang karugtong nito.. plsss..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status