Share

TEARDROPS ON MY GUITAR

Tinitigan niya si Christian. He is looking at her at nakangiti ito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at nasabi niya na…

"Christian, will you kiss me?" Huli na para bawiin pa niya ang sinabi.

Kumunot ang noo ng binata at sinabing, "I'm sorry, Jera, but I don't kiss flat-chested girl."

"Dahil flat-chested hindi na pwede halikan? Grabe ka naman, Christian. Hayaan mo bukas, magsusuot ako ng 40-D na bra."

Hindi alam ni Christian kung matatawa o magagalit kay Jera. So, he is right after all. Jeralei likes her.

"Why are you saying these kind of things, Je? Are you making fun of me?"

"Christian, sa totoo lang, gustong gusto kita."

"You can’t, Je. I am older than you. Para mo lang akong Kuya. And may I remind you, I am your brother's best friend."

"Kaya nga may kasabihan na age does not matter, eh. Malay mo kaya pala naimbento yung kasabihan na yun dahil sa’tin dalawa."

"Enough, Jeralei. I am not the one for you. What you are feeling right now is just a simple crush. It'll go. Trust me. And I'm courting someone. In fact, we have a date tonight and I am hoping that she would say yes to me."

Hindi na muling nagsalita si Jera. Eh ano pa ba ang ipaglalaban niya? Kahit pa magsuot siya ng cup D na bra, wala na ding effect for sure.

Natapos ang gabi ng prom na malungkot si Jera. Masama man but she just wished na hindi sagutin ng nililigawan ni Christian ang binata. Kung pwede lang niyang pabilisin ang panahon para maging eighteen na siya. Siguro hindi na alangan kung magkakagusto siya kay Christian.

Isang oras at kalhati pa lamang ay nagyaya na umuwi si Jera. Wala na din naman saysay kung magtatagal pa siya doon. Maiilang at maiilang lang sila ni Christian sa isat-isa.  Tahimik lamang ang dalawa pauwi sa bahay nina Jera. Christian can’t seem to find words for Jera. He knew she was hurt. Pero ano ang gagawin niya? Hindi niya maaaring tugunin ang damdamin ng dalaga para sa kanya. Aside from their age gap, ano na lamang ang sasabihin ni Arvee? He couldn’t betray his best friend.

Then he looked at Jera. She is so beautiful, pero lamang ang bakas ng lunkgkot sa mga mata nito. She’s biting her lips to stop herself from crying and God, his heart breaks even more. Kung pwede lang sana he would gladly take her in his arms and comfort her. Mas pinili na lamang niya ang manahimik.

Dali-daling bumaba ng sasakyan si Jera. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ni Christian ng pinto ng kotse nito.  Dire-diretso n asana siyang papasok sa loob ng bahay ng tawagin siya nito. Isang dipa halos ang pagitan nito sakanya.

“You left the flowers, sweetheart” may bahid ng lungkot ang tinig nito na lalong nagpatindi sa kagustuhan ni Jera na umiyak.

“I don’t want things that don’t really belong to me, Christian. Tinanggap ko lang iyan kanina because it was loaned to me on purpose. Props lang naman para kanina. Now that the show’s over, you can give it to someone you really like. Ingatan mo nga palang mabuti kasi muntik nang malaglag yung bracelet na nkalagay sa mga bulaklak kanina” masakit man ay pinilit pa rin ngumiti ni Jera.

“Je, I told you, the flowers are for you.”

“Hindi mo naman kailangan magsinungalin sa’kin. Kasasabi mo lang kanina na naiwan mo sa bahay ninyo yung tatlong rosas na ibibigay mo sa akin di ba? Huwag mo nang ipilit na tanggapin ko. Give it to someone you love. You don’t have to pretend anymore. Bukas na bukas ay sasabihin ko kay Janna na break na tayo. After all, mali din naman talaga yung ginawa ko na magpanggap na girlfriend mo just to save my ego. Salamat pa din kasi pinagbigyan mo yung mga kapritso ko kahit alam ko na tonight may lakad ka talaga but still you chose to come with me.”

“Alam mong I will always choose you over any woman, Jera” Christian said sincerely na gusto lalo ni Jera maiyak. How could she ask for more gayong napakabait na ng binata sa kanya.

“No, Christian. Please. Tama na. Hindi mo kailangan ipamukha sa’kin na you’re choosing me because I am some kind of a kid sister to you who always need you to be saved from everything. Okay na ako, Christian. Sige na. You can go now. Ayokong ma-late ka pa sa date mo. This is supposed to be your happy night. Ayokong mawalan ka ng love life because of me.”

“Je, I just want you to know that I will still always be here for you. I mean it. Always” sinserong wika ni Christian.

Ngumiti lamang si Jera at pumasok na. Samantalang si Christian ay bumalik na muli sa kanyang kotse. Parang wala siyang lakas na paandarin iyon. His heart is breaking. Sadyang para kay Jera ang mga bulaklak na ibinigay niya as well as the bracelet. Marahil ay hindi napansin ng dalaga ng masulyapan ang bracelet na may naka engrave na sweetheart doon. Binibiro lamang niya ang dalaga ng sabihin niya na naiwan niya sa bahay ang mga bulaklak na para dito. And yes, he was also lying ng sabihin niyang may date siya tonight.

Isang linggo matapos ang Grad Ball nila ay hindi masyadong nakikita ni Jera si Christian. Kahit ang tumambay sa bahay nila ay hindi na ginagawa ni Christian. Iniiwasan kaya siya ng binata dahil sa nangyari? Kung sabagay naiintindihan niya kung iniiwasan man siya nito. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga ginawa at sinabi niya. She acted like a desperate teenager begging for his love and aattention.

Nakahalumbaba siya sa may bintana ng sala nila ng dumating ang Kuya Arvee niya. May dala dala itong baked mac at pizza.

"Oh, Je, kain ka na" masayang sabi nito.

Agad na tumayo si Jera at kinuha mula sa kapatid ang mga dalang pagkain.

"Thank you, Kuya. You are the sweetest talaga! Alam mo talaga na these are my favorites!" nakangiting wika ni Jera sa kapatid.

"Hindi sakin yan galing, Jeralei. Bigay yan ni Christian. Kumain kami sa labas with his girlfriend. Pinagtake out ka lang niya dahil ayaw niyang magutom ang kid sister niya."

"Christian has a girlfriend?" nakakunot noong tanong ni Jera.

"Yeah. Si Natasha. Natatawa na nga lang ako kay Christian eh. Kasama na nga ang girlfriend naaalala ka pa."

Biglang nakaramdam ng lungkot si Jera. So this is how it feels like when you have your heart broken.

Napansin naman ni Arvee ang pagbabago ng mood ng kapatid. Nilapitan nito si Jera at niyakap.

"Hey, I know na pinipigil mo lang umiyak, Je. But I've warned you over and over. Christian is not for you. Isa pa you are too young to know na love na nga yang naraamdaman mo. Mawawala din yan."

Tuluyan ng napaiyak si Jera. Her brother is wrong. She will never forget Christian even in a million years.

Months passed by and both Arvee and Christian graduated Magna Cum Laude with a degree in Engineering while she graduated as batch valedictorian.

Nagaayos siya ng kaniyang silid ng kumatok ang mommy niya.

"Pasok po kayo, Ma."

Pumasok naman ang Mommy niya at napansin niyang may dala itong isang maliit na envelope.

"Galing dito si Aurora, magkakaroon daw sakanila ng party para i-celebrate ang graduation ni Christian.They are expecting us to come."

Natural ise-celebrate ng mga magulang nito ang tagumpay ng anak. After all, Christian is their pride and joy.

"Mom, pwede po ba wag nalang ako sumama?"

Nagtaka naman bigla ang Mommy niya.

"Why, anak? Is there a problem? You never missed a single party pag dating sa pamilya ni Christian" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina.

"It’s just that I am not feeling well, Mom" pagsisinungalin niya.

"May kailangan ba akong malaman, Jera? Come on, you can tell me anything. I am your mother."

"I am in love with Christian, Ma. But he does not feel the same way."

Hindi na nabigla si Kristina sa narinig kay Jera.

"I know, Jera. At first, akala ko imagination ko lang na may pagtingin ka kay Christian. Pero habang tumatagal nakikita ko na tuwing nandyan siya iba ang saya mo. Alam kong may mga nagkakaroon ng crush sayo sa eskwelahan mo pero si Christian parin ang pinili mo na maging escort mo noong Grad Ball mo."

"Are you mad at me, Mom?"

Niyakap ni Kristina ang anak. "Of course not. I understand you, Jera. But you also need to know na minsan talaga hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo sa paraang gusto natin. Isa pa you are still young. Kung kayo talaga ni Christian, kayo. So, paano ba? Magpahinga ka and then we will go to Christian's party later. Okay?"

"Yes, mom"

Palabas na ng silid si Kristina ng tawagin ng anak. Lumingon naman ito.

"Thank you, mom. Thank you for understanding how I feel.”

Ngumiti lamang si Kristina at isinara na ang pinto ng silid ng anak.

Alas siyete ng gabi nang dumating ang pamilya nina Jera sa bahay nina Christian. Napakadaming tao ang dumalo sa pagtitipon. But what caught her attention is Natasha. Gosh! Para itong lumabas sa isang page ng fashion magazine. Ang ganda at ang sexy nito. Samantalang siya ay neneng-nene pa kung tingnan.

Hinanap ng mga mata niya si Christian ngunit bigo siyang makita ang binata. Naglakad-lakad siya papunta sa garden.

Nakita niya ang tanim na roses ng mommy ni Christian. Yumuko siya at inamoy ang bulaklak. Hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya si Christian.

" Nandito ka lang pala," nakangiting bati sa kaniya ng binata.

"Hi" malamig a matipid na sagot niya kay Christian.

"Why are you here at nagiisa? Hindi ka ba nag eenjoy sa loob?"

"I just thought that I don't fit in there. Mga binata at dalaga na ang mga bisita mo at ako naman eh nene pa" there’s insecurity on her voice.

"But you thought na bagay parin tayo kahit na nene ka pa at binata na ako, right?" It was a statement rather than a question.

Hindi naman umimik si Jera. She just feels like crying.

"I know you like me, Jeralei. And I am so sorry I can't return your feelings for now. Someday, someone will come along in your life and you will like him as much as you liked me. Makakalimutan mo din ako lalo pa nga at matagal tagal din naman akong mawawala."

"Where are you going?"

"Magre-review ako para sa board exam. I think it would be better kung hindi muna ako uuwi para mas makafocus ako."

"Paano ‘yong girlfriend mo?"

"Natasha’s not my girlfriend, sweetheart. Binibiro ka lang ni Arvee noong sinabi niya iyon sa’yo."

Hindi mapigilan ni Jera na hindi maiyak.

Christian hugged her. "Don't cry, Je. You are breaking my heart. Tama na. Wag kang mag-alala, magiipon ako para marami kang pasalubong pagbalik ko."

Lalo lamang naiyak si Jera.

"I know I am still young but I love you Christian. I am not losing hope. Malay mo pagbalik mo mahal mo na ako. Malay mo pagbalik mo cup D na yung bra na suot ko. Malay mo pagbalik mo ako na ang sexiest woman sa FHM."

Natatawa lang si Christian sa mga sinabi ni Jera. How he wished that what she is feeling towards him won't change.

"Wag kang tumawa. Sige ka, pagbalik mo baka hindi na kita pansinin."

" You just gave me a reason para lalo kang ma-miss. And you know what? I think I like to give you the kiss you were asking during the night of your Grad Ball."

Nabigla naman si Jera sa narinig. Her heart is beating super fast!

Then slowly, Christian gives him a fast but sweet kiss on her lips.

Oh my! So paano pa niya lalo makakalimutan ang binata? Kung maka PBB teens sya, wagas!

“Je, while I am away, I want you to study well, okay? Huwag ka munang magpapaligaw. And you know what? Continue pretending that you are my girl. Here, wear this.”

Isinuot sa kanya ni Christian ang bracelet na nakita niyang nakalagay noon sa bouquet ng roses na ibinigay nito sakanya.

“Kahit anong mangyari, huwag mong iwawala iyan ha? I bought it with my own money.”

“I promise hinding hindi ko ito iwawala. I will take good care of it.”

Si Christian ay nakatitig lamang kay Jera as if memorizing her face. He cupped her face at idinikit sa kanya ang sariling mukha. “I know I broke your heart on the night of your Grad Ball, sweetheart. But if there’s any consolation, I would always be glad and proud that I am the first man to give you your first kiss.” And Christian kisses her on her cheek. A tear fell from her eyes.

“Alam ko hindi naman pwedeng maging tayo, but I still want you to know, kung kaya ko lang pabilisin ang panahon, I’d still choose you to be my prince, Christian. Always.”

Si Christian ay hindi mapigilan na yakapin ang dalagita. He didn’t expect na ganito ang kanyang mararamdaman sa simpleng pagpapaalm kay Jera. He will surely miss her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status