MARY LYNELLENagising ako ng maaga dahil ngayon araw ang field trip ng kambal. Ang bilis ng araw nakalipas na pala ang isang linggo. Dahan dahan na bumaba ako sa kama sa pag iingat na magising si Henry.Pinuntahan ko sa kwarto ang dalawa para e-check kung gising na sila. Sakto lang ang dating ko gising na sila. Pinag ayos ko na sila agad at inayos ang gamit na kanilang dadalhin. Marami akong binilin kay Hendrix at Helena pag andoon na sila.Nang matapos ang kanilang pagligo ay tinulungan ko ang anak kong babae na magbihis at pagkatapos ay magkasabay na kaming bumaba para sa almusal. Tama lang at nasa kusina na si Manang at Nanet na busy sa paghahanda ng almusal. "Morning." bati ko sa kanila. "Magandang umaga naman sa 'nyo Hija! Mayroon ng naluto na ulam, mauna na kayong mag-almusal." wika ni Manang. "Sige po, mamaya nalang po ako pag nagising si Henry. Paunahin ko muna silang dalawa." sagot ko.Pinaupo ko ang dalawa sa lamesa at pinaglagay sa plato ng pagkain. "Mommy, hindi pa po gis
MARY LYNELLENaiwan akong mag-isa sa office ni Henry. Mayroon company meeting ngayon araw, sinasama ako sa conference room ng hindi mainip sa pag-aantay pero tumangi ako at nakakailang naman at hindi naman ako kasali sa meeting nila.Dahil sa inip ay naisipan ko na ikutin ang buong office. Kwarto ng opisina ako nag-umpisa. Kahit dalawang kita ko na dito ay namamangha padin ako sa pagkakaayos ng kwarto. Para kang nasa loob ng hotel sa ayos ng kwarto niya.Nang magsawa sa pagkalikot ng kung ano- ano ay humiga ako sa pandalawan niyang kama ngunit parang dadalawin ako nang antok kaya napilitan akong bumangon at lumabas ng silid niya.Lumapit ako sa kanyang table at umupo sa swivel chair. Para akong bata na paikot-ikot kung hindi ko lang iniisip na buntis ako ay baka tagalan ko ang ginagawa. Naalala ko ang phone ko hindi ako nangumusta sa mga bata. Kaya naman tumayo ako at binalikan sa sofa.Tatlong ring ang ginawa ko nang sagutin ni Helena ang vedio call ko. Nakaupo sila sa staduim sa Dol
JUDE HENRYPagkagaling ko sa kwarto ng mga anak ay nagmadali akong bumaba at nag message na si Theo nag-aantay na sila para pag-usapan ang gagawin namin na hakbang.Nasa sala na ang mga kaibigan ko gano'n din si Axel na akala mo nasa sariling bahay at nakataas pa ang paa sa sofa.Kailangan namin makita ang anak ko sa lalong madaling panahon. Hindi ko na alam kung paano pa pakakalmahin si Lynelle pag natagalan.Kahit ako ay gusto ko din panghinaan ng loob kaya nga lang hindi ko pwedeng ipakita sa kanila.Wala naman kaming dapat na sisihan sa nangyari, walang may gusto sa nangyari. Kahit ang director at principal ng eskwelahan ay hindi nakaligtas sa galit ko.Sinabihan ko na magsasampa kami ng kaso sa school nila at hindi maayos ang naging trabaho ng mga staff.Gano'n din sa dalawang kupal na nagbabantay sa anak ko mga porma lang ang alam. Dalawa lang ang babantayan ay nasalisihan pa sila.Inalis ko sila sa trabaho at nakatikim pa ng sapak galing kay Axel. Kung hindi ko inawat baka hind
MARY LYNELLENaramdaman ko na para akong nakalutang sa pagkakahiga. Pinilit ko na magmulat ng mata, mukha ni Henry ang bumungad sa 'kin. Buhat pala ako nito paakyat sa hagdan."Uhm...anong oras na love?" paos kong tanong sa kanya."Five o'clock, love! matulog ka pa at madilim pa." wika ni Henry.Dahil sa inaantok pa talaga ako ay siniksik ko ang mukha sa malapad niyang dibdib. Ang sarap sa pakiramdam ang amoy nito na gustong gusto ko."Tapos naman na ang paglilihi mo my love diba?" tanong niya sa 'kin. Rinig ko pa ang mahina niyang pag ngisi habang humahakbang paakyat."At bakit?" tanong ko sa kanya kahit nakapikit ako. "Pakiramdam ko sinasamantala mo ang bango ko." tukso nito. "Sobra ka naman love, antok lang ako kaya nakasubsob ako sa dibdib mo." wika ko sa kanya.Mahina siyang tumawa at bumaba ang labi sa ilong ko. "I love you. Kahit ubusin mo ang amoy ko ayos lang. Kahit nga pagsamantalahan mo ako. I'm willing to be your victim alam mo naman love, basta sayo mahina ang depensa k
JUDE HENRYNang makatulog ulit si Lynelle ay nag message ako kay Axel na magkita ulit kami ng alas-siyete ng umaga. May oras pa akong umidlip at sobrang antok ko sa magdamag na pag-aabang ng balita.Nagising ako sa tunog ng alarm na sinet ko ng thirty minutes bago sa takdang oras ng usapan namin ni Axel.Inayos ko ang kumot ni Lynelle at dahandahan na kumilos sa pag-iingat na magising ko."Antayin mo na lang ako sa baba papunta na ako." padala ko ng mensahe kay Axel. Nasa baba at nag-aantay sa 'kin.Marahang halik sa ulo ni Lynelle at dahandahan na lumabas ako ng kwarto."Mabuti naman at hindi ako nag antay nang matagal." Sabi nito na humihigop ng kape habang nakaharap sa kanyang Laptop."Tsk! Ikaw kasi twenty fours hours na hindi natutulog kaya walang problema sa'yo." sagot ko sa kanya na nginisihan lang ako."Mag-umpisa na tayo, sayang ang bayad ko sa'yo napakabagal mo." Pabiro kong wika sa kanya. "Ang sama ng ugali mo! Henry, mabuti nga at ako lang ang nag-titiyaga sa mga utos mo!
WARNING: MATURE CONTENT, READ AT YOUR OWN RISK MARY LYNELLENanginginig ako sa galit pagkatapos kong makipagusap sa dumukot kay Hendrix. Iniisip ko pa din ang kalagayan ng anak ko.Kinuha ko ang passbook ko at tiningnan ang laman nito. Nanlumo ako sa nakita hindi sapat ang laman nito, malaki ang kailangan upang makompleto ang fifty million na hinihingi niya.Manghingi kaya ako ng pera Kay Henry. Ngunit ano ang idadahilan ko pag nagtanong siya kong saan ko gagamitin ang gano'n kalaking pera.Problemado akong naupo sa gilid ng kama. Kung manghingi kaya ako ng tulong kay Tomas? Tiyak na mapera din 'yon at babayaran ko naman pag makaipon.Hindi naman malalaman ng kidnapper na may ibang nakakaalam. Tama siya lang ang tanging tinuring kong kaibigan.Tinawagan ko kaagad si Thomas. Nakailang ring ang ginawa ko ngunit hindi nito sinasagot. “Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon? Tandaan mo hindi na talaga kita ilalakad kay Nanet.” Naiinis kong sambit.Palakad-lakad ako sa buong kwarto dahil sa
MARY LYNELLENang matapos ang mainit na aming pinagsaluhan ay bigla kong naalala ang mga bata." Marupok kasi gurl!" tapik sa noon ko.Inalalayan ako ni Henry bumangon at tinulungan na magbihis. Nakangising nakatingin sa'kin. Inirapan ko pagkatapos samaan nang tingin dahil nahiya ako at kanina lang ay galit-galitan ako."Labas na tayo," wika ko dito. Naalala ko kung paano nila nakuha si Hendrix. "Love, kumusta nga pala si Eloisa? Saan siya dinala ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Kahit naman naging masama siya tiyak na may dahilan ang mga ginawa nito."Nasa custody siya ng mga pulis love, babalik ako doon at mga kaibigan ko ang pansamantalang pinaiwan ko doon para iuwi kaagad si Hendrix." Sagot nito sa 'kin."Sasama ako love, gusto kong malaman ang lahat bakit humantong sa ganito." Tinanguan ako ni Henry at sabay na kaming lumabas at nagtungo sa kwarto ng dalawang bata. Nakangiti kaming dalawa ni Henry sa naabutan dahil talagang na-miss ni Helena ang kuya niya."Kuya, did the monster
MARY LYNELLENakarating kami sa presinto kung saan naka detained si Eloisa. Kung dati ay larawan ng isang napakagandang babae. Ngayon ay isang babaeng nawalan nang pag-asang mabuhay. Sabog ang buhok at may pasa sa kabilang pisngi."Bakit andito ka!? Pumunta ka ba dito para kutyain ako? Gawin mo na pero hindi ko pagsisihan ang ginawa ko!" wika nito na bakas ang hinanakit at pagkabigo sa mukha.Napasinghap ako, kahit nakakulong ay matayog padin manalita 'to."Pumunta ako dito para sabihin sa'yo kung bakit mo hinayaan na kainin ka ng galit sa 'yong puso. Wala akong naging kasalanan sa 'yo kaya hindi kita dapat kawaan. Subalit galing sayong salita na wala kang pagsisi sayong ginawa hindi ko itatanong kung bakit? Huli na din kung pagsisihan mo ang lahat,""Kahit sobra akong nagalit dahil nilagay mo sa panganib ang anak ko. Pero tao lang tayo mayroon kahinaan bawat isa. Kahit mali ang pamamaraan ng iba sa kahinaan nila ay hindi kita huhusgahan,""Ngunit gaya ng sabi ko anak ko ang nalagay