Share

Chapter 1

“Sige, tumakbo ka at mapapalo talaga kita.”

“Sorry naman po, Ali.”

Nanlaki ang mata ni Ag sa narinig. Bitbit ang walis tambo at patakbong hinabol niya ang anak. “Lumapit ka sa akin at makakatikim ka talagang bata ka! At Ali pa talaga ang tawag mo sa `kin? Huh? Nanay mo ako, Midnight!” Kaso hindi niya ito naabutan; naka-lock na ang pinto. “Buksan mo ito!” At saka pinalo ang pinto.

“Papaluin mo ako e.”

“Mapapalo kita kapag hindi mo `to binuksan!”

“Ayaw kong buksan. Papaluin mo ako.”

Malalim na bumuntonghininga siya at pinakalma ang sarili. “Sige, hindi kita papaluin, pero h’wag mo na akong tawaging Ali dahil nanay mo ako at gagalangin mo ako.” Nakataas ang kilay niya nang nagtagal bago makasagot ang anak niya.

“Sige na nga.” Aba’t!

“Napipilitan ka ba?” Tumataas talaga ang dugo niya sa kasasaway sa anak niyang napakatigas ng ulo.

“Naku, hindi po, Mama.” Kaagad na bumukas ang pinto pagkatapos ay sumilip ang anak niya. Pinigil niyang matawa sa kalokohan nito. “Ang baho po ng panty mo, Mama.”

“Bakit mo kasi sinampay sa ulo mo? Ikaw talaga puro ka kalokohan.”

“Para matawa kayo at hindi muna ako paluin.” Umusli ang nguso nito. “Mama, h’wag mo na kasi akong paluin, Six years old na po ako.”

Sumimangot siya sa anak at saka kinuha ang panty sa ulo nito.

“Six ka na nga, at wala kang ginawa kung hindi ang magpasaway sa `kin.” Pumasok siya sa loob ng kuwarto at inilagay ang panty sa labahan. Sumunod naman ang anak niya.

“M-Mama.”

Umupo siya sa dulo ng kama habang nagpipigil matawa sa hitsura ng anak. Nagpipigil itong maiyak.

“Mama, Iiwan mo na ba ako? Mama, ayaw ko pong maiwan dito sa bahay mag-isa.”

Napalunok siya at natahimik. Naaawa siya sa anak pero wala siyang ibang pagpipiliin kung hindi ang iwanan ito para makapasok siya sa trabaho at makapasok sa pinag-aaralan niya.

“Anak ko.” Niyakap niya ang anak at saka sinapo ang mukha nito at pinunasan ang luha. “Sorry anak ko. Alam ko naman na natatakot ka, pero anak ko alam ko naman na big boy ka na at naintindihan mo si mama na kailangan niyang mag-work at mag-aral para sa pag-aaral mo sa susunod na taon. H’wag kang mag-alala, malapit nang bumalik si Ninang Karen; may kasama ka na rito.” Hind niya mapigilang mapahikbi.

“M-Mama, umiiyak po kayo.”

“Oo, d-dahil naaawa si mama sa big boy niya. Natatakot kasi ang big boy ni mama—”

Kaagad na sinapo nito ang mukha niya. “Mama, hindi na po ako natatakot. Mama, papayag na po akong pumasok kayo sa school at work. Maglalaro na lang kami ni Toto riyan sa tabi ng bahay. Basta, Mama, may pasalubong po ako pag-uwi mo po.”

Marahan na tumango siya sa anak. Naiiyak siya dahil parang ang tanda na nito kong unawain siya, pero sinisiguro niyang ibibigay niya ang lahat dito.

“Salamat, anak huh? Sa pag-intindi kay mama na kailangan niyang mag-aral at mag-work para sa `yo.”

Umusli ang labi ng anak at saka nagmamadaling umupo sa kandungan niya. “Mama, sabi kasi ni Ninang Karen kailangan mong mag-work para sa kinakain ko. Mama si ninang inaway na naman ako; sabi niya ang taba-taba ko na raw muli.”

“Kasi nga po ang taba mo na ulit.”

Ngumuso ito na ikinatawa niya. Hindi siya nagkamali na piliin ang anak niya. Ang anak niya ang nagbibigay lakas sa kaniya kapag napapagod siya. Ginagawa niya ito lahat para sa kinabukasan nito; gagawin niya ang lahat maibigay niya lang ang mga pangangailangan ng anak niya.

“Hindi ako tumaba, Mama ah. Tingnan mo pisngi ko parang gano’n pa rin kalaki.” Sinapo nito ang pisngi at saka kinurot-kurot ang malaki nitong pisngi. Itinaas naman niya ang damit nito.

“Talaga? Bakit parang lumaki `yong tiyan mo?”

Ngumuso itong ibinaba ang damit. “Gusto ko nang pumayat, Mama. May ipinakita si Ninang Karen sa `kin na picture. Ang ganda po ng katawan niya, at sabi ni Ninang abs daw po ang tawag do’n sa nakadikit sa tiyan. Sabi ni ninang kailangan ko maging gano’n din para lapitin ako ng chix, Mama.”

Nagsalubong ang kilay niya. Kung anu-ano na naman ang itinuro ng kaibigan niya sa kaniyang anak.

“Anak, h’wag ka munang lumandi dahil bata ka pa. H’wag kang mag-alala, dahil kapag binata ka na, papayagan kitang maglagay ng abs sa tiyan mo.”

“Pero, Mama, binata na po ako."

Kaagad na umiling siya. “Hindi puwede, anak. Baby boy ka pa para kay mama.”

“Sige na nga,” ungot nito at saka naglalambing na yumakap ang anak sa leeg niya.

“Mama, guwapo naman ako kahit mataba ako `di ba?”

Kaagad na tumango siya. “Opo, anak. Ang cute mo; kapag naging babae ka, sigurado akong ang ganda mo. Ang cute cute mo pa dahil ang taba-taba mo. Love na love ka ni mama.”

“Love na love rin po kita, Mama. Mama, gusto ko nang kumain.”

Natawa siya. “Sige na nga, pero kailangan mo nang bumaba kasi hindi kita puwedeng buhatin dahil ang bigat mo.”

“Sige, Mama.” Hawak ang kamay ng anak nang lumabas sila sa kuwarto. “Mama, kapag niyaya ka muli ng friend mo po na kumain, tirahan mo ako ha?”

Lumingon siya sa anak habang naghahanda ng kakainin nila. “Ayaw mo bang bilhan kita?”

Kaagad na umiling ang anak niya na ikinatawa niya. “Mama, ang ipinapasalubong mo sa `kin katulad dati ay fish ball e. Gusto ko kung ano `yong kinakain n’yo `yon ang pasalubong mo.”

“Ang takaw-takaw mo, kaya lalong lumulubo `yang pisngi mo.” At saka niya binigay ang platong nilagyan ng pagkain para sa anak at umupo sa tabi nito.

Umusok ang ilong nito habang nakatingin sa kaniya. Kumain na lang ang anak niya at hindi na siya pinansin. Ganito talaga ito kumain, hindi namamansin.

“Morning, Mama.”

“Baby boy, ang agap pa; matutulog pa si mama.” Nakapikit na tumigilid siya patalikod sa anak.

“Pero, Mama, nagugutom na ako.” Siniksik nito ang mukha sa leeg niya. “M-Mama, tumutunog na po ang tiyan ko. Nakikiliti na ako dahil ang bilis kumilos ng bulati sa tiyan ko, Mama; nagugutom na raw po sila.”

Kahit inaantok ay natawa si Ag sa anak. “Sige na nga. Maghihilamos lang si mama, pagkatapos magluluto na ako. Pwede ba anak na ikaw na ang bumili ng itlog sa tindahan?”

“Opo. Tapos hingi ako ng piso, Mama. Bibili ko sticker; inubos ba naman ni Toto `yong sticker ko kahapon, kainis.” Umalis na ang anak niya kaya ipinikit niya muli ang mga mata. Antok na antok pa talaga siya.

“Mama, naman e. Nakabili na ako hindi ka pa bumangon riyan.” Nagising muli si Ag sa boses ng anak niya at hila-hila na nito ang isa niyang paa. “Mama, sige na po. Mama, kawawa na `yong bilbil ko, nababawasan na.”

Umismid lang siya sa anak at nakasimangot na bumangon. “Bitawan mo na `yang paa ko dahil babangon na ako, mahal na hari.”

“Yehey! Nagugutom na tagala ako.”

Natatawang humalik siya sa matambok na pisngi ng anak. “Tara na nga, mamaya ipa-Tulfo mo pa ako na ginugutom kita.”

Natatawang yumakap lang ito sa kamay niya. “Mama, may pasok ka ba ngayon?”

Tumango siya at nilingon ang anak. “Bakit?”

“Wala lang.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ikaw manahimik ka rito sa bahay ha? May pagkain diyan; kumain ka sa tamang oras, at hindi ka puwedeng pumunta sa kabilang kalye. Malalagot ka sa `kin.” Tinapos niya na ang pag bibihis.

“Wala po kaming plano ni Toto na pumunta sa SM, Mama.”

Natigil sa ginagawa si Ag at masamang tumingin

sa anak. “Ano’ng sinabi mo?” galit na sigaw niya, pero ang anak niya ay natawa lang at pinalubo ang pisngi.

“Kunwari ka pang nagulat, sinadya mo talaga `yon `no?”

“Eh, Mama, gusto kong magpaalam, pero hindi mo naman ako papayagan—"

“Talaga lang. Baka maligaw pa kayo, at wala kayong kasamang matanda. Sa susunod na lang. Sa Sabado wala akong pasok; gagala tayo, isama natin

si Toto.”

“Sige, Mama,” ngusong sagot ng

anak niya.

“Kapag ikaw nalaman kong umalis dito malalagot ka. Ako ang kakain sa pasalubong ko sa `yo, tandaan mo `yan.”

“Opo, Mama. Hehehe.”

Pinanliitan niya ito ng mata nang tumawa ang anak niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status