Share

Chapter Seventy Eight

KATULAD ng nakagawian ay nagpatuloy sa pagiging busy sa kumpaniya si Beatrice sa dumaan na araw. Pero may dumagdag sa hectic niyang schedule.

"Hello ma'am nasa labas na po si Mr. Hugh." Pagbibigay alam ng secretary niya mula sa intercom.

"Sige sabihin mong hintayin na lang ako sa parking lot," tugon ng dalaga. Tuluyan na niyang pinatay ang laptop at kinuha ang foundation at lipstick niya para mag-retouch.

Tumayo na siya at dumiretsong lumabas at naglakad papasok sa private elevator niya. Magsasarado na sana iyon ng biglang may pumigil na kamay. Nang tignan niya ay si Rudny iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ni Beatrice na hindi tinatapunan ng tingin ang lalaki na tuluyan sumabay sa kanya sa elevator.

"I'm glad naabutan pa kita, pauwi ka na ba?" tanong ni Rudny na pasipol-sipol lang.

"Hindi pa," sagot naman ni Beatrice.

"Bakit saan ang lakad mo sa ganitong oras?" takang tanong ni Rudny. Alas-siyete na rin ng gabi at totoo naman na dapat ay umuuwi na siya dahil naghihintay sa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status