"Ibaba ko na ate, see you later bye." Paalam niya sa kausap nang matanawan niya ang paglabas ni Jaxx Rube kasunod nito si Rudny. Agad na tumabi sa kanya ang anak, habang ang lalaki ay tuluyan ng isinarado iyon at agad na nagpunta sa harapan ng manibela."Hoy! teka lang nasaan si Yaya?" Pigil ni Beatrice sa pag-uumpisang pagdrive ng binata."Hindi ba paulit-ulit na sinabi ng Daddy mo na tayo lang tatlo ang ba-biyahe," pagsagot ni Rudny sa kanya. Nang tignan niya ito mula sa front mirror ay kitang-kita ni Beatrice ang kakaibang paraan ng pagtitig nito sa kanya.Kakatawang pamilyar sa dalaga kung paano siya nito titigan ngayon. Dahil kabisado na niya ang lalaki, alam na niya ang susunod na mangyayari. Kita niya ang pagbite lips nito, ang sexy nito kapag ganoon ang itsura nito para siyang naakit at nae-excite sa susunod na mangyayari.Literal na nakaramdam ang dalaga ng init, ngunit lahat ng iyon ay tuluyan naglaho. Dahil sa biglaang pagpre-preno ni Rudny. Kaya upang matigil siya sa ginag
HALOS gustong sumabog sa galit si Beatrice nang mapag-alaman niyang sa iisang silid sila matutulog ni Rudny."Ano bang sinasabi mo huh! hindi ako papayag baka may magagawa pa ako tutal kapatid ako ng dating asawa ng may-ari!" Reklamo ni Beatrice.Akmang lalabas ito sa silid ng abutin naman ni Rudny ang kamay niya kaya upang matumba at mapayakap si Beatrice sa lalaki. Naglatag kasi ng comforter ito sa ibaba ng higaan nila ni Jaxx Rube."Ssshhh! huwag ka ngang maingay Bea, kita mong tulog na si Jaxx," anas ni Rudny."P-pwedi bang p-pakawalan mo ako Ruru," nauutal na anas ni Beatrice. Dahil yakap-yakap lang naman siya ng binata."Sige pakakawalan kita, basta ulitin mo lang iyong itinawag mo sa akin," hiling ng binata. Muli ay nagisnan na naman ni Beatrice ang nag-aalab na titig sa kabuuan niya ni Rudny."A-ang alin, iyong R-Ruru," nautal niyang sinabi."That's it, and this..." Hindi na nakapalag si Beatrice nang sakupin na ni Rudny ang labi niya.Nagsusumigaw sa isipan niya dapat itulak
SUMAPIT na ang gabi, ngunit nanatili na nasa labas pa rin ang anak niya at si Rudny.Kasalukuyan siyang lumalagok ng champagne ng makarinig siya ng mahihinang katok mula sa pinto. Nagmadali na siyang naglakad palapit sa pinto upang buksan iyon."Hai ate Shaina, napasyal ka sa room namin," wika ni Beatrice na nakipagbeso-beso pa rito."Oo pasensiya na busy lang kaya hindi ko kayo nasalubong kahapon," wika nito na tuluyan pinapasok ni Beatrice.Naupo na siya sa sofa na naroon."Nasaan si Jaxx Rube, excited na akong mameet ang batang iyon," wika ni Shaina na iginala pa ang paningin para hanapin ito."Naku! lumabas sila ate, manunuod daw silang live band sa baba kasama siya ni Rudny," wika ni Beatrice."Huh? hindi ko alam na sumama iyon sa inyo. Teka, okay na ba kayo? akala ko hindi.""Tulad pa rin ng dati naman, naiinis nga ako kasi si Dad ang may ideya na kasama si Rudny sa bakasyon sana naming dalawa ng anak ko. Kita mo mas sila pa ang nagba-bonding kaysa sa aming mag-ina!" Kunwa'y rekl
"What is this!" Ang mataas na wika naman ni Novice na biglang sumulpot sa dalawang nagsasayaw."I-ikaw pala V," wika naman ni Seth."Pati ba naman ang half sister namin ay pinatos mo Seth. O baka naman kasali pa rin ito sa plano niyong mag-ama!" Galit na bintang ni Novice. Ang ilan sa mga nagsasayaw ay tila napansin na sila."Easy bro, madaming nakatingin and Jaxx is here." Paalala ni Rudny na kasama naman ni Novice. Sa itsura nito ay nasisiguro siyang hindi nito palalampasin ang nakita baka malingat siya ay makipagsuntukan ang bestfriend niya."Hinihingi ko ulit ng pasensiya ang ginawa ni Dad kay Beatrice. But this time V ay seryuso ako kay Camilla. Beatrice she knew it," sabi pa ni Seth."Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Camilla kung 'di ako ang makakalaban mo!" Banta ni Novice at inisang hakbang nito ang pagitan nila ni Seth at kinuwelyuhan ang lalaki."Kuya Novice calm down!" sabi naman ni Camilla. Ngunit tuluyan nahila ito ni Novice palayo sa karamihan ng tao."Rudny! p
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may