Share

CHAPTER 12: MY FIRST LOVE

RAMDAM ko ang pagsikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Mr. Jacobs na nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng infirmary. Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Matagal ko na siyang minamahal, to the point na akala ko puwede ko siyang pakasalan balang-araw at bumuo ng pamilya kasama siya, pero hanggang pangarap ko na lang pala ang lahat ng iyon. Isang pangarap na hindi na matutupad pa.

“Sophie?”

Nabigla ako nang bigla na lamang siyang lumingon sa direksiyon ko. Agad na tumibok nang malakas ang puso ko nang tawagin pa lamang niya ang pangalan ko. “M-Mr. Jacobs.”

“May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin saka tumayo. Naglakad siya palapit sa akin habang may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

“W-Wala naman. M-May gusto lang sana akong ibigay sa ’yo.”

Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya. Hindi niya lang talaga alam kung gaano siya ka-cute sa tuwing ginagawa niya iyon.

“May ibibigay ka ba sa akin? Ano ’yon, Sophie?”

Ipinakita ko sa kanya ang iced coffee na binili ko pa sa malap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status