“NAKAALIS na ba si Vincent?” tanong ko kay Venom nang makarating ako sa dining room para mag-almusal. Wala kaming klase ngayong araw kaya naman mananatili lang ako sa mansyon ni Vincent.“Maaga po siyang umalis, Miss Sophie. Ang bilin niya sa akin ay samahan kayo sa mall.”Umupo ako sa isa sa mga upuan saka tumingin sa kanya. “Marami na akong damit sa closet kaya hindi ko na kailangan pang mag-punta sa mall. Alam ko na! Tatawagan ko na lamang si Sabrina at papapuntahin dito.”Tumangu-tango naman si Venom. “Naiintindihan ko, Miss Sophie.”“By the way, puwede ka na munang mag-day off. Wala rin naman akong ibang pupuntahan, e.”“Wala rin naman po akong ibang gagawin kaya mananatili na lamang ako rito kasama ninyo,” mabilis naman niyang tugon.“Ah, ganoon ba? Okay. Oo nga pala, nag-almusal ka na ba? Sumabay ka na sa aking mag-almusal.”Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. “Huh?”“Sabay na tayong mag-almusal. Masyadong marami ang pagkaing nakahain rito, hindi ko kayang ub
“WHAT are you doing?”Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong sandok nang bigla na lamang sumulpot si Vincent mula sa likuran ko.Napalingon ako sa kanya. “N-Nandito ka na pala.”“Yes, I already missed you.”“N-Nagluto ako.”Tumingin naman siya sa pagkaing iniluluto ko. “Looks good.”“Sana lang masarap din ang lasa.”“I know it does,” nakangisi niyang sabi sa akin. Laking gulat ko nang bigla na lamang niyang amuyin ang batok ko. “God, you smell so f*cking nice.”Kaagad akong lumayo sa kanya. “Ihahanda ko na ang dinner. Tingin ko kailangan mo na ring magpalit ng damit.”“Alright, if that’s what you want, honey. But I would just like to also remind you that we will be playing another game tonight before you sleep,” paalala niya bago tuluyang nilisan ang kusina.“Bakit parang ang aga naman yata niya ngayong araw?” bulong ko.Tinulungan ako ng mga maid na ihanda ang dinner bago sila sinabihan na tawagin na si Vincent. Lahat kami ay naghintay sa pagbaba niya. “Shall we eat now?” aya niya.
“CHECKMATE,” seryosong pagde-deklara ni Vincent na wala man lang ngisi gaya ng karaniwan niyang ginagawa sa tuwing nananalo siya sa laro namin.Bumuntonghininga lamang ako. “Mananalo pa ba ako sa ‘yo?”“It’s your fault, you should’ve at least asked a better coach to teach you how to play chess.”“Slow-learner lang talaga ako, wala siyang kasalanan.”“Come here,” utos niya.Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa habang nakaupo sa couch niya. Diretso muna siyang tumitig sa mga mata ko bago pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. “I already conquered your neck, ears, and hands. What shall I conquer next?”Kaagad na bumilis sa pagtibok ang puso ko nang dumapo ang tingin niya sa mga labi ko.“Do you know how much I want to own your lips?”Napakagat ako ng labi saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko naman alam na napansin pala niya iyon.“Want me to bite it for you?”“A-Ano?!”“Just kidding. No matter how much I want to taste every inch of y
“MAAGA pong umalis si Boss, Miss Sophie,.” sabi sa akin ni Venom pagkababa ko suot ang uniform ko.Tumango naman ako. “Gano’n ba? Ano, punta na tayo sa school?”“Opo, Miss Sophie.”Sumakay kaming dalawa ni Venom sa limousine.“Miss Sophie.”“Hmm?” Tumingin ako sa kanya.“Alam kong wala akong karapatang itanong ito sa inyo, p-pero nag-away ba kayong dalawa ni Boss?”Nanlaki ang mga mata ko nang tanungin niya iyon. Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya saka ako nag-pout. “Sinabi ko lang naman sa kanya na mag-sorry sa mga magulang niya. I mean, kung hindi nila siya trinato nang mabuti, magulang niya pa rin naman sila, hindi ba?”Bumuntong-hininga si Venom saka tumingin sa akin. “Tama ka, Miss Sophie. Magulang siya ni Boss, pero hindi mo rin siya masisisi.”“B-Bakit naman?”“Lumaki siya nang binabalewala ng mga magulang niya. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng pakialam kay Boss dahil mas gusto nila ang kuya nito. Mula pa lamang ng bata siya, nasanay na si Boss na mag-isa at maging an
“DR. JACOBS, puwede ba akong magtanong tungkol sa kapatid mo?” Kusa na lamang lumabas mula sa bibig ko ang tanong na iyon.Ngumiti naman siya sa akin. “Sure. Anong gusto mong malaman tungkol sa kanya?”“Uh. Close ka ba sa kanya?”Panandalian siyang nag-isip. Inilapag niya ang ballpen niya sa desk sa ipinagkrus ang mga braso niya. “Actually, close naman kami noong mga bata palang kami. Kaya lang isang araw bigla na lang siyang nag-rebelde. Noong maging teenagers na kami, parati ko na siyang pinagagalitan at tingin ko naiinis siya ro’n. Galit siya sa akin, at pati na rin sa mga magulang namin.”“Kasama mo pa ba siya sa bahay?”“Hindi na. Pinalayas siya ng mga magulang namin nang malaman nilang naging leader siya ng isang gang. Ano nga ba ang tawag doon?”“Mukhang kalat na talaga ang mga mafia, huh,” bulong ko sa sarili. Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka tumingin sa kanya. “Galit ka ba sa kaniya?”“Huh? Galit? Hindi, kahit na kailan ay hindi ko nagawang magalit sa kaniya. Ang totoo,
VINCENT’S POV“WHERE’S Sophie?” I asked one of my maids as soon as I entered the house.“W-Wala pa po siya, boss.”I squinted at my wristwatch. “It’s already eleven o’clock and she’s still out there? What the hell is Venom doing?”I reached for my phone and dialed Sophie’s number. It rang a few times before she answered it. “Hello?”“Hello? Sophie?”“Oh, ikaw ba ‘yan, Vinshent?! Ang mafia boss kong asawa na si Vincent na walang pakialam sa feelings ng mga tao sa paligid niya? Ikaw ba ‘yan?” she sounded drunk.“Where the hell are you? How many times do I have to tell you to go home on time?”“Puwede bang tumigil ka na sa pagpapanggap na may pakialam ka sa akin? Hayaan mo akong gawin ang gusto ko, okay? Goodbye, lalaking mas malamig pa sa yelo!” she yelled then hung up the phone.“Sophie! Damn it! Where the hell is that woman and why is she drunk?!”I dialed Venom’s number this time and she answered it immediately. “Boss.”“Where’s Sophie?”“Nandito po siya.”“Where are you?”“Sa Dark
SOPHIE’S POVPARANG mabibiyak sa sobrang sakit ang ulo ko pagkagising ko. Naupo ako sa kama saka roon na-realized na nasa loob na pala ako ng kuwarto ko sa mansyon ni Vincent. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi, pero tandang-tanda ko pa rin kung paano nadurog ang puso ko nang makita ko si Lance na halikan ang babaeng iyon. Hindi ko alam na may girlfriend na pala siya dahil hindi niya naman nabanggit.Sa bagay, nasabi naman niya sa aking may babae siyang nagugustuhan.“Miss Sophie.”Nagulat na lamang ako nang biglang lumabas si Venom mula sa banyo. “V-Venom. Nagulat naman ako sa ‘yo.”“Pasensiya na po, Miss Sophie. Naihanda ko na po ang panligo ninyo. Puwede na po kayong maligo, dahil ang sabi ni Boss ay gusto niya kayong makasabay mag-almusal.”“Huh? Nandiyan pa si Vincent?”Tumango siya. “Opo.”Tumayo ako saka lumapit sa kanya. “Okay. Oo nga pala, salamat sa pag-uwi sa akin. Hindi ko na maalala ang eksaktong nangyari kagabi, pero natatandaan ko namang kasama kita.”“Hindi ako ang n
PANAY ang buntong-hininga ko habang naglalakad papunta sa infirmary. Bakit kasi kailangang ako pa? Hindi ko pa gustong makita si Lance. Ayaw ko pang makita ang mukha niya dahil maaalala ko lang ang nakita ko noong nakaraan. At paano kung kasama rin niya ang babaeng iyon ngayon?Huminga ako nang malalim nang marating ko na ang infirmary. Naglakad ako palapit sa pinto at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob.Kailangan ko ba talagang ibigay ang mga papel na ito sa kanya?Pero hindi ko kaya.Paano kaya kung iwanan ko na lamang ang mga ito rito sa sahig? Sigurado naman akong makikita ito ni Lance sa oras na lumabas siya. O kaya ay sabihin ko na lang sa lecturer namin na wala si Dr. Jacobs?Tama. Sasabihin ko nalang na—”“Sophie.”Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagbukas ang pinto ng infirmary at lumabas doon si Lance habang diretsong nakatingin sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “D-Dr. Jacobs.”“Mabuti naman at nakita na ulit kita, Sophie. Hinaha