Share

CHAPTER 32: BAD MOOD

PANAY ang buntong-hininga ko habang naglalakad papunta sa infirmary. Bakit kasi kailangang ako pa? Hindi ko pa gustong makita si Lance. Ayaw ko pang makita ang mukha niya dahil maaalala ko lang ang nakita ko noong nakaraan. At paano kung kasama rin niya ang babaeng iyon ngayon?

Huminga ako nang malalim nang marating ko na ang infirmary. Naglakad ako palapit sa pinto at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob.

Kailangan ko ba talagang ibigay ang mga papel na ito sa kanya?

Pero hindi ko kaya.

Paano kaya kung iwanan ko na lamang ang mga ito rito sa sahig? Sigurado naman akong makikita ito ni Lance sa oras na lumabas siya. O kaya ay sabihin ko na lang sa lecturer namin na wala si Dr. Jacobs?

Tama. Sasabihin ko nalang na—”

“Sophie.”

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagbukas ang pinto ng infirmary at lumabas doon si Lance habang diretsong nakatingin sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “D-Dr. Jacobs.”

“Mabuti naman at nakita na ulit kita, Sophie. Hinaha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status