Share

CHAPTER 40: DINNER WITH THE HASTING BROTHERS

SALITANG tumingin si Lance sa akin at kay Vincent. Magkasalubong ang mga kilay niyang tinanong si Vincent. “V, anong ginagawa mo sa bahay ng estudyante ko?”

“Student?”

“Yes, Sophie is my student. Nag-aaral siya sa uiversity kung saan ako nagt-trabaho bilang doctor.”

Tumingin naman sa akin si Vincent kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. Napakalakas ng tibok ng puso ko.

Bakit ko pa kasi hinayaan si Lance na magpunta rito?

“She’s my wife,” pagd-deklara ni Vincent.

Nanlaki ang mga mata ni Lance. “W-Wife? Are you kidding me? Ang bata pa ni Sophie para ikasal.”

“She’s my wife, you can even ask her,” sabi ni Vincent saka tumingin sa akin.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko habang nag-iisip ng tamang mga salitang sasabihin. Tumingin sa akin si Lance. “Totoo ba ’yon, Sophie?”

“O-Oo,” halos pabulong kong sagot.

Napanganga si Lance.

Siyempre naman magugulat siya matapos malaman na ang nakababata niyang kapatid ay kasal na sa estudyante niya.

Hinintay ko siyang may sabihing masama sa akin pe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status