Share

CHAPTER 48: VINCENT’S GIRL

KAAGAD akong nahiga sa kama ko pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto ko. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang reaksiyon sa mukha ni Vincent nang makita niya si Monica.

Si Monica ang first love niya, at tingin ko ay in-love pa siya rito.

Teka nga, nagseselos ba ako?

No way!

At bakit ko naman ibibigay pa ang regalo ko, ‘e, halos kaparehas lang naman iyon ng neckties na ibinigay sa kanya ni Monica?

Siyempre, mas magugustuhan niya iyon dahil mahal niya s Monica.

“Ah, Sophie. Napakaengot mo talaga,” bulong ko sa sarili ko sabay takip ng unan sa mukha ko.

Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa may pinto.

“Sino ‘yan?”

“Miss Sophie, si Venom ‘to.”

“Pasok.”

Bumangon ako saka naupo sa kama nang makapasok na si Venom. Naglakad siya palapit sa akin. “Inutusan ako ni Boss na sundan ka rito.”

Napairap naman ako. “Inutusan ka niya para sundan ako, dahil busy pa siyang makipaglandian sa ibang babae.”

“Nagseselos ka ba kay Miss Monica, Miss Sophie?”

“A-Ano?! S-Siyempre hindi!”

Umupo siya sa tabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status