“LANCE.”“Huh?”“May gusto sana akong sabihin sa ’yo.”Sandali pa siyang tumitig sa akin na para bang hinuhulaan niya kung ano ang susunod kong sasabihin. “O-Oo naman.”Nakayuko lamang ako habang nagsasalita. “Sa totoo lang, pinakasalan ako ni Vincent hindi dahil mahal niya ako. Hindi namin pinakasalan ang isa’t-isa dahil nagmamahalan kami.”“A-Ano?”“Umutang ng napakalaking halaga ng pera ang papa ko kay Vincent at hindi niya nabayaran iyon. At dahil sinabi ni Vincent na papatayin niya ang papa ko, wala akong choice kung ’di ang sumama sa kanya. Napilitan akong magpakasal sa kanya kahit na wala pa ako sa legal age. Hindi ko ginustong magpakasal sa kanya noon dahil ikaw ang mahal ko, pero dahil ayaw kong patayin niya ang papa ko, sumama na lamang ako sa kanya.”Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “S-Sophie. P-Paano? Nagawa talaga ni Vincent ang mga iyon? Pinilit ka niyang magpakasal sa kanya?”“O-Oo.”“Paano niya nagawa iyon sa ‘yo?”“Wala akong choice.”Umiling-iling siya. “Sinabi m
HALOS mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang makita ko si Vincent pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kuwarto ko.“Where are you going?” tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.Tumingin ako sa kanya. Suot pa niya ang pajamas niya kaya siguradong kagigising pa lamang niya. Paano niya nagagawang maging sobrang gwapo kahit na kagigising pa lamang niya?Hindi, Sophie. Hindi mo dapat pagpantasyahan si Vincent nang ganito kaaga. Hindi puwede, tandaan mo na galit ka pa sa kanya.Nag-iwas ako ng tingin. “Sa library?”“What are you going to do there?”“Ano ba sa tingin mo? Siyempe, mag-aaral.”Tumitig siya sa akin saka hinagod ang buhok niya. “It’s been a week since the last time that I got to talk to you like this. I always wake up knowing that you already left for school and then I’ll go home seeing you deeply asleep. Are you trying to avoid me, Sophie?”Napalunok ako. “H-Hindi, ano. Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong dahilan para iwasan ka, hindi ba?”Tumangu-tango
“WHAT about this one? Kaya mo bang sagutan ang isang ‘to?” tanong sa akin ni Lance habang nakaturo sa isang page ng libro.Actually, tapos ko nang pag-aralan ang lahat kagabi pero siyempre, dahil kailangan naming pagselosin si Vincent, nagpapanggap ako na wala akong alam.“Hindi, e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sagutan ‘yan,” sabi ko habang kumakamot pa sa ulo, trying hard na kunwaring magpa-cute.“Talaga? Okay, ituturo ko sa ‘yo.”“Thank you, Lance!”Sinadya ni Lance na lumapit pa nang husto sa akin habang ipinapaliwanag ang problem. Bahagya rin akong sumandal sa kanya, kaya naman halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang masamang tingin ni Vincent mula sa kabilang table.“Ganito mo iyan gagawin, okay? Kailangan mo lang itong i-divide rito, tapos ito i-multiply mo.”“H-Huh? Puwede mo bang ulitin? M-Medyo hindi ko kasi naintindihan,” sabi ko pa habang naka-pout sa kanya.Tumawa naman si Lance saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. “Ang cute mo talaga, Sophie.”
“GET inside the car,” sabi sa akin ni Vincent nang makita niya akong lumabas ng mansyon kasama si Venom.Hindi ako tumingin sa kanya. “Hindi na, puwede naman akong magpunta ron kasama si Venom.”“Get inside the car, Venom.”Kaagad naman siyang sinunod ni Venom. Susunod na sana ako kay Venom at uupo sa tabi niya, pero bigla na lamang akong hinila ni Vincent. “You are going to sit next to me. I’m not your driver.”Hindi na ako nagsalita pa. Sumakay ako sa kotse niya at hindi nagsalita hanggang sa makarating kami sa university.“I’ll pick you up later so don’t go without me.”“Tara na, Venom,” sabi ko, saka nagmamadaling bumaba mula sa kotse n Vincent nang hindi pinapansin ang sinabi niya.“Miss Sophie, sandali lang!”Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nasa tabi ko na si Venom. “Miss Sophie, may problema ba? Nag-away ba kayo ulit?”“Please lang, huwag mo munang banggitin ang walanghiyang lalaking ’yon, Venom. Ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Ayaw kong makita ang mukha
“NAPAKAGANDA mo talaga, Sophie!” bulalas ni Sabrina nang makita niya ako suot ang isang off-shoulder lavender beaded gown.Nasa loob kami ng dressing room ng hotel na pag-aari ni Vincent. Oo, nalaman niya ang birthday ko dahil sinabi sa kanya ni Venom. Hindi ko nga gustong mag-pa-party, pero pinilit ako nina Venom at Sabrina.“Bakit parang ang lungkot mo naman yata, Sophie? 18th birthday mo na kaya, ibig sabihin puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo—mag-party, kumuha ng driver’s license, hindi ka na bata!” sinubukan ni Sabrina na i-cheer up ako.“Sinabi ko naman sa ‘yo, ayaw ko na mag-pa-party nang ganito. Puwede naman tayong kumain na lang sa labas o kaya magluluto na lang ako tapos iinom tayo,” sagot ko habang walang ganang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.“Hindi puwede ’yon! Kailangan nating mag-celebrate dahil hindi ka na bata! Ganap ka nang babae!”Bumuntonghininga lamang ako saka sumandal sa upuan nang may bigla na lamang kumatok. Dali-dali namang binuksan ni Sabrina
“THANK you so much to all of you here, guys. Your presence means so much to me especially in this night when I am finally turning eighteen. Just like what my best friend Sabrina has said, I can finally do anything that I want. I can finally get my driver’s license although I’m not really interested in driving my own car, I can finally go to parties, and I can finally go to places that I want without asking for someone’s permission.” Ngumiti ako habang hinahanap sina Lance at Sabrina mula sa audience. “And last but definitely not the least, I thank God for letting me reach this age. And I know I still have so many things and struggles to face in the future but I will remain grateful because I know that I have people beside me who’s always been there to support me and make me happy when I feel sad. So guys, let’s celebrate this very special night of mine by doing all the things that we want! Let’s get drunk and dance the night away!”Pagkatapos na pagkatapos ng speech ko ay kaagad na al
“DADDY!” kaagad akong tumakbo palapit kina Daddy at Seb. Mahigpit kong niyakap si Papa habang umiiyak. “Daddy!”“Anak ko. Sophie. I missed you so much, my princess.”“I missed you more, dad. I missed you so much. Alam ng Diyos kung gaano ako nangulila sa inyo.”“I’m so sorry, hindi ako nakakapunta para bisitahin ka, Sophie.”Umiling-iling ako. “Ayos lang, dad. Naiintindihan ko naman po kung bakit. Ang importante nandito na kayo.”Patuloy lamang sa pagtulo ang luha mula sa mga mata ko habang mahigpit ko pa ring yakap si papa.Na-miss ko talaga sila nang sobra.Halos isang taon na rin magmula nang huli kaming magkita. Ni hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila.“Uh-hum! Puwede rin ba akong makiyakap?”Humiwalay kami ni Daddy sa isa’t isa nang magsalita si Seb. Pareho kaming tumingin sa kanya saka tumawa. Naglakad naman ako palapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. “Seb.”“Sophie. I missed you so much.”“And I missed you more than you could ever know.”Si Sebastian lamang an
“ALAGAAN mo ang sarili mo, Sophie,” sabi sa akin ni Daddy saka ako niyakap noong paalis na sila.Tinapik ko siya sa balikat saka ngumiti. “Kayo rin po, Daddy. Alagaan ninyo ang sarili ninyo para sa akin.”“Please, alagaan ninyo ang kapatid ko. Hindi namin siya mababantayan parati, kaya alagaan ninyo siya para sa amin,” sabi pa ni Seb kina Lance at Sabrina.“Wala kayong dapat na ipag-alala dahil parati namin siyang aalagaan,” sabi pa ni Lance.Muli kong niyakap si Seb sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na silang umalis ni Daddy.“Ang laki na talaga ni Seb, ano?” sabi sa akin ni Sabrina nang makaupo na kami.“Tama ka. Si Daddy naman, tingin ko masyado niyang in-i-stress ang sarili niya para lang makaipon ng pera para sa akin. Masyado siyang subsob sa trabaho.”“At least, may pakialam pa rin sila sa ‘yo.”Bumuntonghininga ako. “Pero ayaw ko naman silang masaktan nang dahil sa akin.”Lumapit si Sabrina sa akin saka tinapik ako sa balikat. “Wala kang dapat na ipag-alala, Sophie. Gin