Share

CHAPTER 64: MY SOULMATE

“ALAGAAN mo ang sarili mo, Sophie,” sabi sa akin ni Daddy saka ako niyakap noong paalis na sila.

Tinapik ko siya sa balikat saka ngumiti. “Kayo rin po, Daddy. Alagaan ninyo ang sarili ninyo para sa akin.”

“Please, alagaan ninyo ang kapatid ko. Hindi namin siya mababantayan parati, kaya alagaan ninyo siya para sa amin,” sabi pa ni Seb kina Lance at Sabrina.

“Wala kayong dapat na ipag-alala dahil parati namin siyang aalagaan,” sabi pa ni Lance.

Muli kong niyakap si Seb sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na silang umalis ni Daddy.

“Ang laki na talaga ni Seb, ano?” sabi sa akin ni Sabrina nang makaupo na kami.

“Tama ka. Si Daddy naman, tingin ko masyado niyang in-i-stress ang sarili niya para lang makaipon ng pera para sa akin. Masyado siyang subsob sa trabaho.”

“At least, may pakialam pa rin sila sa ‘yo.”

Bumuntonghininga ako. “Pero ayaw ko naman silang masaktan nang dahil sa akin.”

Lumapit si Sabrina sa akin saka tinapik ako sa balikat. “Wala kang dapat na ipag-alala, Sophie. Gin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status