Share

CHAPTER 68: HURT

MARAHAN kong ipinahiga si Sophie sa backseat ng kotse ko. Masyado siyang maraming nainom. Hindi ko nga rin alam ang dahilan, pero iyak siya nang iyak kanina. Nakita ko na lamang siya sa may entrance ng garden na umiiyak.

Umuwi na rin ang lahat at hindi rin namin mahanap si V. Kinailangan na rin kasing umuwi ni Sabrina kaya ako na lamang ang nagdala kay Sophie.

Hindi ko mapigilan na magtaka at mapaisip kung bakit siya nagpakalasing at umiyak nang sobra kanina.

“Young Master Lance,” bati sa akin ni Venom nang pumasok na ako sa loob ng mansyon ni Vincent habang buhat-buhat si Sophie.

“Saan ang kuwarto ni Sophie?”

“S-Sa itaas po, Sir.”

Tumangu-tango ako. “Ako na ang magdadala sa kanya roon.”

“O-Okay, Sir.”

Buhat-buhat ko si Sophie habang pumapanhik sa itaas patungo sa kuwarto niya habang si Venom naman ay nakasunod lang sa akin. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama niya saka ko hinubad ang suot niyang sapatos at saka ko siya kinumutan.

“Masyado siyang maraming nainom,” bulong ko.

“S-Sir
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status