“This is really delicious, did you make it by yourself, Sophie?” tanong sa akin ni Vincent nang matikman niya ang bruschetta na ginawa ni Monica.“Actually, I was the one who made it,” biglang singit ni Monica.Tumingin naman sa kanya si Vincent. “Really? That’s why it tasted so good! Your recipe never really changed.”“Oh, you king of compliment. If there’s someone who never changed here, it’s probably you. You’re still good at complimenting me.”“Because it’s true, right Sophie?” baling sa akin ni Vincent.“H-Huh?”“Have you tasted it? Try it. It tastes so good.”Pilit naman akong ngumiti. “Oo, masarap nga.”“See? Even Sophie liked it.”Pinagmasdan ko lamang silang dalawa habang nagkakasiyahan at ako naman ay parang outcast lang. Sa tuwing nakikita ko si Vincent na sobrang saya kasama si Monica, hindi ko maiwasang isiping siguro ay mahal niya pa rin ito. Hindi naman siya madalas na ngumiti sa akin, I mean, ngumingiti siya sa akin para tuksuhin ako, pero kapag kasama niya si Monica,
“Ugh, namamaga ang mga mata ko! Makakapunta ba ako sa university nang ganito?” bulong ko habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin sa loob ng kuwarto ko.Ito ang nakuha ko sa kaiiyak kagabi dahil lang sa mga sinabi sa akin ni Vincent. Hindi ko nga alam kung kaya ko siyang tingnan sa mga mata matapos niyon.“Miss Sophie, nakaalis na si Boss,” sabi sa akin ni Venom na kakapasok lamang sa kuwarto ko.Nakangiti akong tumango sa kanya. “Salamat. Puwede na tayong magpunta sa university.”“Oo.”Sinabi ko kay Venom na sabihin sa akin kapag nakaalis na si Vincent. Ayaw kong makita ang mukha niya dahil maalala ko lamang ang sinabi niya sa akin kagabi tapos iiyak na naman ako. Plano ko nga ring umuwi nang maaga mamaya para kapag dumating si Vincent ay tulog na rin ako.“Napaka-playboy naman ng asawa mo. Nakipag-sex siya sa ’yo noong isang linggo lang tapos ngayon sinabihan ka niyang layuan ang ex niya? So, anong ibig sabihin niyon? Na puwede niyang sabihin ’sa ’yo ang lahat ng gusto niya, p
“Sige na, Sophie. Pumasok ka na kasi sa loob!” panay ang tulak sa akin ni Sabrina papasok sa may infirmary.Sinuggest kasi niya na si Lance na lamang ang hingan namin ng tulong para sa plano namin, at tingin ko ay pinagsisihan ko nang sinabi ko pa sa kanya iyon.Maaga kaming umalis ni Venom sa mansyon para na rin hindi ako makita ni Vincent. Sinusubukan niya nga rin akong tawagan kanina pero hindi ko sinagot ang alin man doon.Galit pa rin ako sa kanya, ano.“Sab, kinakabahan ako. Puwede bang iba na lang? Huwag na lang si Lance!”“Wala nang iba pang makatutulong sa atin kung hindi si Dr. Jacobs!”“Pero Sab.”Naghihinala siyang tumingin sa akin. “Sophie, tapatin mo nga ako.”“H-Huh?”“Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Dr. Jacobs?”“Ano? Siyempre naman naka-move on na ako sa kanya, ano! Matapos nang mangyari sa amin ni Vincent, natutunan ko na rin siyang mahalin at natutunan ko na ring kalimutan ang feelings ko para kay Dr. Jacobs. Saka isa pa, may Monica na si Lance.”“Hayun naman pala
“LANCE.”“Huh?”“May gusto sana akong sabihin sa ’yo.”Sandali pa siyang tumitig sa akin na para bang hinuhulaan niya kung ano ang susunod kong sasabihin. “O-Oo naman.”Nakayuko lamang ako habang nagsasalita. “Sa totoo lang, pinakasalan ako ni Vincent hindi dahil mahal niya ako. Hindi namin pinakasalan ang isa’t-isa dahil nagmamahalan kami.”“A-Ano?”“Umutang ng napakalaking halaga ng pera ang papa ko kay Vincent at hindi niya nabayaran iyon. At dahil sinabi ni Vincent na papatayin niya ang papa ko, wala akong choice kung ’di ang sumama sa kanya. Napilitan akong magpakasal sa kanya kahit na wala pa ako sa legal age. Hindi ko ginustong magpakasal sa kanya noon dahil ikaw ang mahal ko, pero dahil ayaw kong patayin niya ang papa ko, sumama na lamang ako sa kanya.”Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “S-Sophie. P-Paano? Nagawa talaga ni Vincent ang mga iyon? Pinilit ka niyang magpakasal sa kanya?”“O-Oo.”“Paano niya nagawa iyon sa ‘yo?”“Wala akong choice.”Umiling-iling siya. “Sinabi m
HALOS mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang makita ko si Vincent pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kuwarto ko.“Where are you going?” tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.Tumingin ako sa kanya. Suot pa niya ang pajamas niya kaya siguradong kagigising pa lamang niya. Paano niya nagagawang maging sobrang gwapo kahit na kagigising pa lamang niya?Hindi, Sophie. Hindi mo dapat pagpantasyahan si Vincent nang ganito kaaga. Hindi puwede, tandaan mo na galit ka pa sa kanya.Nag-iwas ako ng tingin. “Sa library?”“What are you going to do there?”“Ano ba sa tingin mo? Siyempe, mag-aaral.”Tumitig siya sa akin saka hinagod ang buhok niya. “It’s been a week since the last time that I got to talk to you like this. I always wake up knowing that you already left for school and then I’ll go home seeing you deeply asleep. Are you trying to avoid me, Sophie?”Napalunok ako. “H-Hindi, ano. Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong dahilan para iwasan ka, hindi ba?”Tumangu-tango
“WHAT about this one? Kaya mo bang sagutan ang isang ‘to?” tanong sa akin ni Lance habang nakaturo sa isang page ng libro.Actually, tapos ko nang pag-aralan ang lahat kagabi pero siyempre, dahil kailangan naming pagselosin si Vincent, nagpapanggap ako na wala akong alam.“Hindi, e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sagutan ‘yan,” sabi ko habang kumakamot pa sa ulo, trying hard na kunwaring magpa-cute.“Talaga? Okay, ituturo ko sa ‘yo.”“Thank you, Lance!”Sinadya ni Lance na lumapit pa nang husto sa akin habang ipinapaliwanag ang problem. Bahagya rin akong sumandal sa kanya, kaya naman halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang masamang tingin ni Vincent mula sa kabilang table.“Ganito mo iyan gagawin, okay? Kailangan mo lang itong i-divide rito, tapos ito i-multiply mo.”“H-Huh? Puwede mo bang ulitin? M-Medyo hindi ko kasi naintindihan,” sabi ko pa habang naka-pout sa kanya.Tumawa naman si Lance saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. “Ang cute mo talaga, Sophie.”
“GET inside the car,” sabi sa akin ni Vincent nang makita niya akong lumabas ng mansyon kasama si Venom.Hindi ako tumingin sa kanya. “Hindi na, puwede naman akong magpunta ron kasama si Venom.”“Get inside the car, Venom.”Kaagad naman siyang sinunod ni Venom. Susunod na sana ako kay Venom at uupo sa tabi niya, pero bigla na lamang akong hinila ni Vincent. “You are going to sit next to me. I’m not your driver.”Hindi na ako nagsalita pa. Sumakay ako sa kotse niya at hindi nagsalita hanggang sa makarating kami sa university.“I’ll pick you up later so don’t go without me.”“Tara na, Venom,” sabi ko, saka nagmamadaling bumaba mula sa kotse n Vincent nang hindi pinapansin ang sinabi niya.“Miss Sophie, sandali lang!”Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nasa tabi ko na si Venom. “Miss Sophie, may problema ba? Nag-away ba kayo ulit?”“Please lang, huwag mo munang banggitin ang walanghiyang lalaking ’yon, Venom. Ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Ayaw kong makita ang mukha
“NAPAKAGANDA mo talaga, Sophie!” bulalas ni Sabrina nang makita niya ako suot ang isang off-shoulder lavender beaded gown.Nasa loob kami ng dressing room ng hotel na pag-aari ni Vincent. Oo, nalaman niya ang birthday ko dahil sinabi sa kanya ni Venom. Hindi ko nga gustong mag-pa-party, pero pinilit ako nina Venom at Sabrina.“Bakit parang ang lungkot mo naman yata, Sophie? 18th birthday mo na kaya, ibig sabihin puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo—mag-party, kumuha ng driver’s license, hindi ka na bata!” sinubukan ni Sabrina na i-cheer up ako.“Sinabi ko naman sa ‘yo, ayaw ko na mag-pa-party nang ganito. Puwede naman tayong kumain na lang sa labas o kaya magluluto na lang ako tapos iinom tayo,” sagot ko habang walang ganang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.“Hindi puwede ’yon! Kailangan nating mag-celebrate dahil hindi ka na bata! Ganap ka nang babae!”Bumuntonghininga lamang ako saka sumandal sa upuan nang may bigla na lamang kumatok. Dali-dali namang binuksan ni Sabrina