“I want you to file a divorce.”Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong kape nang bigla na lamang sinabi iyon ng mommy ni Vincent. Nagtataka akong tumingin sa kanya. “P-Po?”“Do you love him?” bigla niyang tanong.”Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya. “A-Asawa ko siya, kaya naman —““You don’t. You are probably not in love with that jerk.”“Bakit gusto n’yo po akong mag-file ng divorce?” tanong ko.“Gusto kong ma-realize ni Vincent na walang magmamahal sa kanya.”“A-Ano?”Tumayo siya. “Walang magmamahal sa kanya dahil isa siyang demonyo, at walang utang na loob. I want him to live miserably. I want him to realize how much he needs us in his life. I want him to regret leaving us behind.”“P-Pasensiya na po, pero hindi ko kayo maintindihan.”“Mas pinili niyang magtayo ng sarili niyang kompanya kaysa tulungang palaguin ang kompanya ng Daddy niya. What an ungrateful son he is, right? Huminto siya sa pag-aaral at lumayas nang hindi man lang inisip kung gaano kami naghirap sa
“THIS is my parents’ house. I came here to visit them today.” pagpapaliwanag sa akin ni Lance nang may napakalaking ngiti sa mga labi.Napanganga ako. “B-Bahay ng mga magulang mo? I-Ibig sabihin—si Mrs. Hastings ang mama mo?”“Oo. Ganoon na nga.”“Oh my God,” naibulong ko.“Ikaw ba, Sophie. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” bigla niyang tanong sa akin.Tumingin naman ako sa kanya. “Uh. K-Kasi. Actually —”“Lance!”Bigla-bigla na lamang lumabas si Mrs. Hastings mula sa loob ng mansyon saka patakbong lumapit kay Lance saka ito binigyan ng isang napakahigpit na yakap. “Oh my God, Lance! I missed you so much!”“I missed you too, mommy.”Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa habang magkayakap. Mukhang close sila sa isa’t isa.“Gutom ka na ba? Sinabihan ko na ang chef na iluto ang mga favorite food mo,” dagdag pa ni Mrs. Hastings.“Really? Sure! Na-miss ko rin talagang kumain dito.” Nagulat ako nang bigla na lamang lumingon sa akin si Lance. “Estudyante siya sa pinagtatrabahuhan kong u
“WHERE have you been?”Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Vincent na nakaupo sa may kama pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kuwarto ko.“A-Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?”“Waiting for you.”Tumayo siya saka naglakad palapit sa akin. “You didn’t answer any of my calls. Didn’t I tell you to go home early? Are you really that bull-headed?”“Sorry, hindi ko namalayan ang oras. Nagpunta lang ako sa mall kasama ang best friend ko.”“Oh, really?”“O-Oo. Oo nga pala, pupunta ako sa bahay ni Sabrina bukas. Tutulungan ko siyang magluto para sa birthday ng mama niya.”Tumitig siya sa akin nang salubong ang mga kilay. “Do you think I believe you? Are you seeing some other guy? Do you have a boyfriend, perhaps?”“H-Ha? W-Wala akong boyfriend. Nagsasabi ako ng totoo.”“If that is true, then good for you, but if you have a boyfriend, make sure I won’t see him. I don’t like sharing what’s mine,” sabi pa niya saka hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. “You sho
“SOPHIE!”Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Lance.Sobrang lakas kaagad ng tibok ng puso ko nang makita ko pa lamang ang mukha niya. Suot niya ang isang black turtle neck at black na pantalon, pati na rin ang round glasses niya.Ngayon na nakatingin ako sa kanya, napagtanto kong kamukha niya nga si Vincent.Teka nga, paano naman napasok ang lalaking iyon rito?Halos hawakan niya na ang pinakaiingatan ko kagabi. Mabuti na lamang at naipaalala ko sa kanyang hita ko ang pagmamay-ari niya at hindi ang kaluluwa ko. Kailangan ko siguraduhing hindi na siya mananalo sa susunod na laro namin.“Nasaan si Sabrina?” bumalik lamang ako sa ulirat nang tanungin ako ni Lance.“H-Hindi ko alam. Hindi niya rin kasi sinasagot ang mga tawag ko. Siguro papunta na rin siya rito.”Tumango naman siya. “Kung ganoon, hintayin na lamang muna natin siya.”“Uhm.”Naupo siya sa upuang katapat ko.“Ito ang unang beses na nakita kitang hindi nakasuot ng uniform,” bigla niyang komento.“Huh?”“I t
Sa huli, napagdesisyunan na lamang din namin ni Dr. Jacobs na magpunta sa isang coffee shop.“Ang ganda naman sa coffee shop na ‘to!” bulalas ko pagkalapag na pagkalapag ng waiter ng order namin sa table. Isa iyong heart-shaped latte art na gawa sa steamed milk.“Oo, may mga creative silang barista. Balita ko nga, isa sa kanila sumali pa sa isang international competition last year,” sabi naman ni Lance.“Talaga? Totoo ba? Ang galing naman!”Tumango siya. “Masarap din ang croissant nila. Madalas akong magpunta rito kapag stressed sa trabaho.”“Ibig bang sabihin niyan, stressed ka ngayon?” tanong ko.“Hindi na, dahil nandito ka.”Kaagad na nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Humigop na lamang ako sa kape ko saka nag-iwas ng tingin mula sa kanya.Actually, iyon ang similarity nila ni Vincent. Masyado silang diretso kung magsalita. Well, maliban nga lang kay Vincent na mahilig magsabi ng mga bastos.“Sophie.”“Ha?” inilapag kong muli sa table ang tasa ko saka
VINCENT'S POV“WHERE'S Sophie?” I asked Venom as soon as I entered the mansion.“Sinabi niyang pupunta siya sa bahay ng best friend niya, boss. Ang sabi niya rin nagpaalam na siya sa inyo.”I nodded. “So she went there, huh? For sure, it was not even her best friend that she was meeting up with. She kept on stuttering when she told me about it last night.”Venom said nothing.I have nothing to do today. That was why I went home early. I was planning on playing around with Sophie all day just to keep myself entertained, but looks like she was entertaining herself by being with somebody else.I think she was having so much freedom and I didn’t like it.My phone started ringing. “Vincent.”“Boss, nahanap na po namin siya.”It was Joe, one of my men.“Who?”“Felix, Boss. Iyong gagong nagplanong tumakas mula sa inyo. Nag-undergo siya sa plastic surgery para hindi natin siya mahanap kaagad, at nagpanggap din siyang ibang tao. Kilala na siya ngayon bilang si George Lautner, bar owner, at isa
SALITANG tumingin si Lance sa akin at kay Vincent. Magkasalubong ang mga kilay niyang tinanong si Vincent. “V, anong ginagawa mo sa bahay ng estudyante ko?”“Student?”“Yes, Sophie is my student. Nag-aaral siya sa uiversity kung saan ako nagt-trabaho bilang doctor.”Tumingin naman sa akin si Vincent kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. Napakalakas ng tibok ng puso ko.Bakit ko pa kasi hinayaan si Lance na magpunta rito?“She’s my wife,” pagd-deklara ni Vincent.Nanlaki ang mga mata ni Lance. “W-Wife? Are you kidding me? Ang bata pa ni Sophie para ikasal.”“She’s my wife, you can even ask her,” sabi ni Vincent saka tumingin sa akin.Napakagat naman ako sa ibabang labi ko habang nag-iisip ng tamang mga salitang sasabihin. Tumingin sa akin si Lance. “Totoo ba ’yon, Sophie?”“O-Oo,” halos pabulong kong sagot.Napanganga si Lance.Siyempre naman magugulat siya matapos malaman na ang nakababata niyang kapatid ay kasal na sa estudyante niya.Hinintay ko siyang may sabihing masama sa akin pe
SOPHIE’S POV“MISS Sophie, nakaalis na si Sir Lance,” sabi sa akin ni Venom nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ko.Hindi ko inalis ang kumot na nakataklob sa akin. “Okay.”“Aalis na ako, Miss Sophie.”“Okay.”Hindi ko rin alam pero parang bigla na lang ding sumama ang pakiramdam ko matapos ang pangyayari. Alam na ni Lance ang tungkol sa kasal namin ni Vincent, ibig sabihin madalang na lamang din kaming magkakasama. Paniguradong iiwasan niya na ako ngayong nalaman niya na asawa ko ang kapatid niya.Ayaw ko siyang lumayo sa akin.Ngayong alam niya na na kasal na ako, mas pinatutunayan lang niyon na wala na talaga kaming chance na dalawa. Alam ko namang mali itong nararamdaman ko, pero nalulungkot talaga ako at nasasaktan.Si Lance ang first love ko at ang tanging mahal ko hanggang ngayon. Ayaw kong malayo sa kanya, gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal, pero tingin ko ay hindi na mangyayari iyon.Maya-maya ay may narinig na lamang akong kumakatok mula sa labas ng kuwarto ko. K