Share

CHAPTER 7: GOODBYE

“HANDA na ang breakfast, kumain na tayong lahat!” bulalas ko nang matapos na akong maghain. Lahat naman sila ay nakaupo na sa harap ng hapagkainan, pero walang kaemo-emosyon sa mga mukha. “Bakit naman parang ang lungkot ninyo?”

“Sasama ka ba talaga sa lalaking ’yon, Sophie? Hindi ba puwedeng dito ka na lang?” malungkot na tanong ni Seb sa akin.

“Nababaliw ka na ba, Sebastian? Gusto mo bang patayin tayo ng lalaking ’yon?” sabi naman ni Aunt Natalie sa kanya.

Huminga ako nang malalim. “Tama si Aunt Natalie, Seb. Maimpluwensiya ang lalaking iyon. Sigurado akong gagawin niya talaga ang sinabi niya kung hindi tayo susunod. Ayaw kong may saktan siya sa inyo.”

“Come on. Huwag ka na ngang magpanggap pa riyan, Sophie. Alam naman naming lahat na tuwang-tuwa ka nang piliin ka niya. Napaka-hot at napaka-guwapo ng lalaking iyon, sino namang hindi gugustuhing sumama sa kanya?” biglang hirit ni Samantha habang masamang nakatingin sa akin.

“Tama siya! Sigurado akong napakasaya mo ngayon dahil hindi m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status