“MISS Sophie, hinihintay na po kayo ni Mr. Jacobs sa may conference room.”Nang marinig ko iyon ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.Ito na.“O-Okay. Pupunta na ako ro’n ngayon.”“Okay, Miss Sophie.”Tumayo ako saka tinignan na muna ang sarili ko para siguraduhing mukha akong presentable bago pumunta sa conference room. Suot ko ang isang white office top and black pencil skirt.Kaagad kong nakita si Vincent na nakaupo sa isang swivel chair habang nakaharap sa may glass walls ng conference room.“Mr. Jacobs.” Hindi ko mapigilan ang mapairap nang tinawag ko siya roon.Nang marinig niya ako ay kaagad niyang inikot ang swivel chair para harapin ako. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.“Sophie.”“Mr. Jacobs, salamat sa pag-accept ng offer namin, at dahil nag-request ka namagpa-tour sa buong company building, puwede na ba tayong mag-umpisa ngayon?” pormal kong tanong sa kanya.Nagulat ako nang bigla siyang naglakad palapit sa akin saka ako hinapit sa bewang palapit sa kanya.“A-
NANLAKI ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Vincent sa mga labi ko. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko na-realize ang ginagawa niya sa akin. Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero masyado siyang malakas kaya nagawa niyang pagpalitin ang puwesto naming dalawa. Isinandal niya ako sa may pinto nang hindi humihiwalay ang labi niya sa akin.Sinubukan niyang kagatin ang ibabang labi ko para maipasok niya ang dila niya sa bibig ko, pero hindi ko ginawa iyon.Buong akala ko ititigil na rin niya ang ginagawa niya, pero nabigla ako nang bigla na lamang niyang hinawakan ang kaliwang dibdib ko gamit ang kanan niyang kamay saka sinimulang masahiin iyon.Sinubukan ko siyang itulak ulit, pero hinawakan niya ang dalawang braso ko, dahilan para mawalan ako ng laban.“You are mine, Sophie. You will forever be mine,” bulong pa niya. “Hindi mo ako pag-aari, Vincent. Hindi na ako ang Sophie na nakilala mo,” inis kong sabi sa kanya.Nakakaloko siyang ngumiti sa akin. “Reall
“ANO? Si Vincent at Dylan ay iisa? At anong ginawa niya? Sinubukan ka niyang halikan?” sabi ni Sabrina nang sabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon.Hindi ko nagawang makipag-usap kay Sabrina dahil umalis din siya ng bansa noong nakaraan.“O-Oo. Noong dinala ko siya sa may stock room, s-sinubukan niya akong halikan,” Iniiwas ko ang aking tingin mula sa kaniya.“Sinubukan niya, o hinayaan mo siyang halikan ka?” pang-aasar naman niya sa akin.Napakagat ako sa ibabang labi ko. “B-Bigla niya akong hinalikan! H-Hindi ko naman siya magawang itulak palayo, ano!”Umiling-iling siya. “Ay naku, Sophie. Kilalang-kilala na talaga kita. At for sure, tumugon ka sa mga halik niya, tama? At may nangyari pa bang higit doon?”“A-Ano? H-Hindi, ano! W-Wala nang nangyari pa pagkatapos niyon dahil sinipa ko ang pinakaiingatan niya.”“Ouch! Sobrang sakit no’n, Sophie! Baliw ka! Hahaha!”“Deserve niya naman iyon, at sa susunod na subukan niyang lumapit ulit sa akin, hindi ako mag-aalinlangan na uli
PAGKALABAS na pagkalabas namin ng office ni Miss Felestine ay kaagad kong hinila si Vincent papunta sa may lobby.“Bakit mo sinabi kay Miss Felestine ang tungkol doon?”“Told her what?”“Alam mo ang dahilan kung bakit kita iniwan doon! Paano mo nagawang palabasin na ako pa ang may kasalanan?”Ipinagkrus niya ang mga braso niya saka tumingin sa akin. “You should be thankful because I didn’t mention about what you did to me yesterday. Don’t you know how much that hurt? You kicked my balls, don’t you want to have kids anymore?”Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niyang iyon. “A-Anong anak ang sinasabi mo?! H-Hoy, napakamanyak mo kahapon kaya ko ginawa iyon! Muntik mo na akong ma-rape sa loob ng stock room!”“Rape? Oh, Sophie. You kissed me back and you even moaned when I touched you, would you call it rape if you yourself got aroused by my touch?” taas-kilay niyang sabi.“Vincent, puwede bang itigil na natin ito? Hindi ako pupunta sa dinner na iy
“VENOM, puwede mo ba akong samahan sa ball bukas?” tanong ko kay Venom pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo.Tumingin naman siya sa akin. “Oo naman, Miss Sophie. I-a-announce na rin ng mommy mo na ikaw ang matagal niya nang nawawalang anak, hindi ba?”“Well, oo. Kinakabahan nga ako, e. Tapos nandoon pa ang lalaking iyon.”“Lalaki?”Bumuntong-hininga ako. “Vincent.”“Pupunta rin si boss?”“Uh-huh, at tingin ko may plano na naman siya.”“Malalaman na rin niyang nahanap mo na ang nawawala mong ina.”Naupo ako sa may kama. “Para namang may pakialam siya roon.”“Siyempre naman, Miss Sophie. May pakialam siya sa ’yo,”Nag-iwas ako ng tingin saka inabot na lamang ang hair brush ko. “Alam mo? Iniligtas na naman ako ni Lance ngayong araw. Sinubukan kasi akong kunin na naman ni Vincent, mabuti na lamang at biglang dumating si Lance at nagpanggap siyang boyfriend ko.”Nanlaki ang mga mata ni Venom. “Nagpanggap siya bilang boyfriend mo?”“Oo. Nagulat nga rin ako, e.”“Siguradong mas lalong nagali
SOPHIE’S POV“NAPAKAGANDA MO, SOPHIE!” bulalas ni Sabrina nang makita niya akong nakabihis na.Suot ko ang isang black Tulle bustier gown with black underlay with two front slits. Nilagyan din nila ako ng simpleng make up tapos kinulot ang dulo ng buhok ko.Ngumiti ako kay Sabrina. “Salamat sa pagpunta, Sab.”“At bakit ko naman hahayaang ma-miss ang pinakamahalagang araw sa buhay ng best friend ko? Siyempre, ako ang pinakaunang magko-congratulate at papalakpak sa ’yo kahit na mukhang may bago ka nang best friend,” nagtatampo niyang sabi habang nakatingin kay Venom na kasalukuyang nakaupo sa may couch.Natawa ako dahil sa sinabi niya. Parati niya ngang sinasabi sa akin kung gaano siya nagseselos kay Venom. Sinasabi niya pa sa aking mas madalas kong kasama si Venom kaysa sa kaniya.“Sabrina, hanggang kailan ko ba sasabihin sa ’yo na si Venom ay parang ate ko na?”“Oo na, alam ko ’yon, at best friend mo lang ako, gano’n?” naka-pout naman niyang sabi.Tumayo ako saka siya niyakap. “You a
PATULOY sa panginginig ang mga kamay ko habang hinihintay kong tawagin ako mula sa dressing room. Nagsimula na ang event, at naghihintay na lamang akong sabihin sa akin na oras na para lumabas ako.Sakto ay bigla na lamang bumukas ang pinto.“Miss Sophie, puwede ka nang lumabas,” tawag sa akin ni Sol.“O-Okay, lalabas na ako.” sabi ko saka tumayo.Bakit ba ako kinakabahan?At bakit feeling ko may mangyayari ngayong gabi?Dinig ko ang boses ni Miss Felestine habang nakatayo ako backstage, hinihintay na tawagin niya ang pangalan ko.“I have been looking for her for almost twenty years now. Long ago, I thought I would never find her again. But then God is too good because He let her live. And guess what? He even made a way for me to get close to my daughter. I didn't even know that the person I had been looking for was already right beside me. Ladies and gentlemen, I would like all of you to meet my one and only daughter, and also the next president of Felestine Company.”At nang marinig
“MAY I dance with the most beautiful girl here tonight?” bigla na lamang sabi sa akin ni Vincent habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.Masama akong tumingin sa kanya bago inabot ang kamay niya.Inilagay ni Vincent ang mga kamay niya sa bewang ko. Nagsimula kami sa mabagal na pagsasayaw. Noong una ay hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil nakatitig lamang siya sa akin. “I didn’t know that your real mother is Felestine,” bigla niyang sabi.“Hindi mo naman kailangan pang malaman.”“I have to, I’m your husband.”Tumingin ako sa kanya. “Hindi. Nakalimutan mo na bang may boyfriend na ako?”“Come on, Sophie. You can’t fool me with that. I know you’re just pretending.”Paano niya nalaman?“See? I know you’re lying when you said that Lance is your boyfriend. I was the one who made you forget about him, remember?”“W-Well, hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi ko na siya kayang mahalin ulit—lalo na matapos ang ginawa mo sa akin.”“Of course, you can’t because you are only mine, Soph