Share

Chapter 14

Honeylette POV

"Umamin ka na, may namamagitan ba sa inyo ni sir Alexander?” tila naghahatol sa korte ang pagtatanong ni Julie.

Namumutla na tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. O dapat ko pa bang ilihim ang meron kami ni Alexander.

Baka kasi kapag nalaman nila ay makarating kay tiya. Pero hindi naman sila ganoon. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sila na huwag sabihin kay tiya. Natatakot ako kapag nagkataong malaman niya. Hindi naman ako natatakot sa sermon niya dahil sana'y na ako. Natatakot ako sa kung anong mangyari baka kasi umabot sa paalisin ako ni tiya dito para ilayo kay Alexander. Kapag nangyari iyon, ay parang hindi ko kakayanin.

Ngunit sa bandang huli ay nagawa ko rin sabihin kina Julie at Rose ang relasyon namin ni Alexander.

Halos masira ang eardrum ko sa tili nang dalawa samahan pa nang mga hampas nila sa balikat ko.

"Teka kung ganun may nangyari na sa inyo ni Sir.?” Tila umurong ang dila ko sa biglang tanong na iyon ni Julie. Hind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status