Share

42

HINDI ko alam kung nakatulog na ba ko o naka idlip pa lang, pero naalimpungatan ako dahil wala akong katabi, napadilat ako, at nakita na wala na si Macoy—Michael pala sa kama. Tinignan ko ang oras, alas tres na nang madaling araw.

Tumayo agad ako, maliit lang ang kwarto ko kaya alam ko na wala sya dito, lumabas ako, patay ang ilaw maliban sa kusina, marahan akong bumaba, dahil nasa ilalim nang hagdan ang kwarto nila nanay, mabubugbog ako non pag nagising sila sa ingay ko.

“Macoy?” mahinang tawag ko, habang hinanap siya nang mga mata ko. Pero wala, dumiretso ako sa kusina, kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni tatay.

Dahan dahan akong pumasok sa kusina, at nanlaki ang mata ko nang makita ang libuhin na pera sa mesa, magkatapat si nanay at tatay sa mesa at abala sa pag bibilang.

“Tangina, ang dami naman nito Gardo. Hindi ko inaakala na makakahawak ako nang ganito kalaking pera!”

“Huwag ka na nga mag reklamo dyan at bilangin mo na lang, baka mamaya ginulunagan tayo nung matanda
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status