Halos napamaang na lamang ako sa aking kinatatayuan, pagkatapos kong maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa akin.
Tinanggal ko ang panyong nakapiring sa aking mga mata at saka nilibot ng tingin ang buo kong paligid.Wala na siya roon. Wala na yung lalaking kinamumuhian ko at sinusumpa ko ng sukdulan sa itaas. Bulong ko sa aking sarili.Dumura ako sa isang tabi at kinusot ang aking bibig gamit ang sariling kamay. Pagkatapos non ay tumalikod na ako at siyaka, sumakay ng bus."Linisin mo ang bawat ebidensyang maiiwan." Ang salitang paulit-ulit tumatakbo sa aking isipan. Halos hindi ko makalimutan ang sinabi niyang iyon, pati na ang tono ng kaniyang boses.Hindi ko maitindihan kung bakit parang napakadali lang sa kaniya ang pumatay ng tao.Dahi ba sa may mapait siyang nakaraan, kung kaya't ganoon na lamang ang galit siya sa mga tao? o dahil tao rin mismo ang lumikha sa pagiging halimaw niya?Sa loob ng maikling buwan n"Oo, nakukuha ko nga ang nais mong ipabatid sa akin. Pero kahit patayin man kita o hindi, papatayin pa rin niya ako at isusunod niya kayong dalawa." Mahinang sambit nito sa sariling bibig, sabay napatingin siya kay Shaina na nakatitig sa hawak niyang baril. Kung kaya't napangiwi ito sa kaniyang labi at umiral ang pagkapilya niya. Tipong pipindutin na sana niya ang gatilyo, subalit naunahan naman siya kaagad ni Aubrey at inasinta siya sa kaliwang braso niya dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril at magmanhid ang braso niyang iyon. "Aubrey, takbo!" sigaw ni Shaina sabay hinatak siya sa kanang kamay. "Sh*t!" gigil namang sigaw ni Roan habang sinusundan niya ng tingin ang dalawang dalaga. Tinakpan niya ng sariling kamay ang sugat na kaniyang natamo at sinundan niya ito hanggang sa makapasok ng exit stairs, kung saan dumaan sina Shaina at Aubrey. &
Medyo malayo na rin ang kaniyang naitakbo kaya puro mga nakaunipormeng pulis lamang ang natatanaw niya, kung kaya't dahan-dahan niyang inihakbang ang sariling mga paa palapit sa pinangyarihan ng insidente. Halos napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig gamit ang sariling mga kamay at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Mabilis siyang napatalikod at sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Halos gusto niyang sumigaw at humagulgol ng malakas pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang itago ang sarili sa mga owtoridad na nakakalat roon. Kaya kahit nanghihina at nanlalambot ang mga tuhod niya ay pilit pa rin niyang hinakbang ang mga paa at lumakad papalayo sa kaniya.Huwag kang mag-alala, Aubrey. Ipaghihiganti kita. Pagbabayaran ng taong iyon ang pagkamatay mo at titiyakin ko na buhay din ang siyang magiging kapalit nito.Ang paglalayag sa isipan ng dalaga habang kinukusot ang luha sa sariling mga mata.
Nagbihis anyo ako bilang isang assistant manager ng event organizer, upang masilayan ang aking kasintahan na ikinakasal sa ibang babae. Nandito ako ngayon sa pinakamahalagang araw niya, ang araw ng kasal nilang dalawa.Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa loob ng simbahan. Mukhang nasa loob na nga ang lahat at ako na lang ang naiwang nasa labas."You may kiss your bride," ang naabutan kong salita nang makapasok na ako sa loob ng simbahan.Halos napangiwi na lang ako sa sariling labi at tumulo ang luha sa gilid ng aking mga mata nang hindi namamalayan habang nakatitig ako sa kinaroroonan niya at masayang hinahalikan ang babaeng nasa harapan niya, na asawa na niya ngayon.Pagkatapos non ay masigabong palakpakan naman ang inalay ng mga taong dumalo roon, habang mariin naman akong napakuyom sa sarili kong kamao at matalim na nakatitig sa kanilang dalawa.Bakit mo ako niloko, Karlos? bakit mo ko iniwan? paano mo nagawa sa akin 'to? pagbabayaran m
Naalimpungatan na lamang ako nang makarinig ako ng pagkatok mula sa tapat ng pintuan ko. Saka ko lang napagtanto na alas otso na pala ng umaga at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi dahil sa sobrang kalasingan.Pikit pa ang isang mata ko habang bumabangon ako sa kama at naglalakad patungo sa tapat ng pinto."Sandali lang!" sigaw ko."Sino ba 'yan? ang aga-aga may kumakatok." Saad ko sa aking sarili. Pinagbuksan ko din naman siya kaagad ng pintuan at tumambad sa aking harapan ang mahigit kumulang limang lalaki na nakamaskarang itim at balot na balot ang buong katawan nila ng itim na kasuotan."Sino kayo? anong kailangan niyo?" usisa ko sa kanila na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Arestuyte yego!" sambit ng isang lalaki na nakatayo sa bandang likuran nila at siya lamang ang may natatangging kakaiba ang kulay ng maskara, kulay pula.(Arestuyte yego - hango sa lengwaheng russian na ang ibig sa
"Para diyan!" sabay turo ko roon sa flyer. Napalingon naman siya sa tinutukoy at napangiwi na lang sa sariling labi. "Ahh, ito ba?" aniya at muli siyang napatunghay sa akin. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag at pinamulsa ang dalawa kong kamay upang hindi niya mahalata na kinakabahan ako. "Yes," ang maiksi kong itinugon sa kaniya. "Well, gusto niyo po bang ilibot ko muna kayo rito sa loob para mai-discuss ko na rin po sa inyo kaagad ang magiging proseso," pagkasabi niya ay tumango na lamang ako sa aking ulo at sumunod sa likuran niya. Habang nagsasalita siya ay panay naman ang paglingon ko sa bawat madadaraan naming dalawa. Wala masyadong espesyal na makikita roon at napakasimple lang ng pagkakagawa. Tamang-tama lang para sa mga taong gustong mag-relax at ma
Halos tumulo na lang ang luha sa mga mata niya nang hindi namamalayan at napayuko dahil sa lubos na kahihiyan."Karlos, hijo. Totoo ba 'tong sinasabi ng Dad mo? balak mo ba talagang mapakasalan ang ganoong klaseng babae? alalahanin mo naman ang reputasyon mo at ng buong angkan natin kapag napag-alaman nila ang tungkol sa kaniya." Mahinang turan ng kaniyang ina at hinahawakan siya sa dalawa niyang kamay."Kung tutuusin hindi ka na bata pa para pagsabihan ka namin sa kailangan mong gawin. Bukod pa roon, nakapagtapos ka sa mataas na uri ng unibersidad at kilala kang pinakamatalino sa lahat ng kasabayan mo. Pero ano lang sa tingin mo ang iisipin nila sa'yo, sa oras na matuklasan nilang umiibig ka sa isang bayarang babae at nagseserbisyo sa iba't-ibang klase ng lalaki gamit ang sarili niyang katawan. Hindi ba't napakalaking kahihiyan iyon? hindi lang kahihiyan sa ating pamilya, kundi para na rin sa iyong sarili." Nananatili pa ring tulala at tikom ang bibig si Karlos habang
"Anong problema niya? bakit niya 'ko hinulugan ng barya?" angil pa nito sa kaniyang sarili. Hanggang sa naging sunud-sunod na nga ang mga nagbibigay sa kaniya ng barya."O? anong ginagawa niyo?""Teka, miss! nahulog mo yung pera mo!""Tama na! ayoko na! hindi ako pulubi no!" aniya sa bawat taong naghuhulog ng barya sa kaniya pero umiiling lang ito sa ulo at hindi siya pinapansin.Napatulala naman yung pulubi sa kaniya kanina habang nakaawang pa ang bibig nito. Tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita at naririnig.Ngayon lamang siya nakakita ng isang pulubi na kagaya niya, na nagrereklamo sa barya o perang binibigay sa kaniya. At ang masahol pa roon ay binabalik niya sa may ari o hinahabol niya ang taong naghulog ng barya sa kaniya upang ibalik iyon."Tch!" umiiling na usal nito habang nakatingin pa rin siya sa kinaroroonan ng binata.Wala rin namang nagawa pa si Karlos at napabuga na lang ng malalim na pa
Kasalukuyang nakatayo si Karlos sa tabing bintana. Nakatindig na nakasulyap habang may kinakausap ito mula sa cellphone niya. "I will pay you any amount. Just don’t hurt her, just scare her a little bit." Pagkatapos niyang sabihin iyon sa kausap ay binabaan na niya ito kaagad ng tawag at pinamulsa ang dalawa niyang kamay. Nag-hire siya ng sarili niyang tauhan at binabalak niyang banggain ang nag-iisang tagapagmana ng mga Desepeda, na si Alona. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya ay napag-isipan niyang gamitin ang dalaga upang makapaghiganti sa sariling ama. Pinili niya ang magsunud-sunuran na muna sa mga pinaplano nitong mangyari sa kaniyang buhay, ngunit ang tunay niyang agenda ay ang mapabagsak ang sarili niyang ama at angkinin ang trono na dapat ay sa kaniya. Binabalak niyang pakasalan ang dalaga, ga