Sa labas ng kwarto, lumiko si Alora sa kanto. Sa sandaling itinaas niya ang kanyang ulo, Ang kanyang tingin ay matalas at tahimik siyang naglakad hanggang sa nasa labas na siyang kwarto. “Ano ang ginagawa mo, Luna?”Biglang may mayabang na boses na narinig mula sa likod ni Luna, na siyang nakatayo sa labas ng kwarto, tumalon at napatalikod siya. Ng makita niya kung sino ang nasa kanyang likuran, ang kanyang magandang mukha ay biglang nagbago. “W-Wala, wala akong tinitigan...”Si Luna ang hostess na namamahala sa Room 606. Subalit, hindi siya pinatawag ng mga young master para sa kanyang serbisyo. Sa halip, pinapasok ni Alora ang baguhang cleaner na iyon.Si Luna ay hindi masaya na siya ay pinalabas ng kwarto, syempre. Wala namang tao sa paligid, kaya patago niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng maliit, sumisilip sa pagitan. Ang kanyang nakita ay nagpalaki sa kanyang mga mata, Malamig na tumawa si Alora sa sarili niya. Tinanong niya “Anong ginagawa mo?”, hindi “anong tinitignan
Si Sean Stewart ay boss ni Alora, kaya hindi niya masabing mali ito. Ang tanging kaya niyang gawin ay mainis pag nakatingin ito sa kanya.Ano bang ginawa nitong babaeng ito para magalit ang boss niya nang sobra, para mapagmalupitan nang ganoon. Ang titig ni Alora ay naguguluhan habang pinapanood si Jane na umiika, hawak-hawak ang pader habang nahihirapang maglakad paalis.Ang bank card sa kamay ni Alora ay napaka init.Pagkatapos tumalikod at umalis ni Alora, halos tumakbo siya sa opisina, nilagay niya ang card ng bangko at lahat ng pera sa safe sa kanyang opisina. Doon lamang nawala ang sakit ng pag init ng kamay niya. Nang bumalik si Alora sa Room 606. Hindi niya pa nabubuksan nang malaki ang pintuan nang muntik na siyang mabangga kay Sean.“Mr. Stewart,” magalang na binati ni Alora. Mahinang sumagot si Sean ng “mm” bago naglakad sa paligid ni Alora at umalis sa silid.Habang pumapasok si Alora sa silid, ang mga binata ay pinaguusapan pa rin si Jane. “Ang babaeng iyon kanin
Sa sumunod na arawKararating lang ni Jane sa East Emperor nang may napansin siyang kakaiba. Lahat ng tao sa paligid niya ay natipon sa dalawa at tatlo, bumulong habang tumuturo sa kanya.Hindi talaga nag-abala si Jane. Marahil siya ay isang hamak na tagalinis lamang na biglang inilipat sa departamento ng P.R. Normal para sa kanya na makaakit ng pansin.Gayunpaman, nang pumasok siya sa waiting room ng departamento ng P.R, nalaman niya na siya ay sobrang walang muwang."Hahaha, nandito na ang aso." Ang biglaang pangaasar ay nagpa putla sa kanyang mukha. Nakilala niya ang taong kasalukuyang nakaturo sa kanya at tinawag siyang isang "aso". Ito ay walang iba kundi ang hostess ng Room 606, Luna.“Huwag ka masyadong maingay, Luna. Hindi kami bulag, nakikita namin ang aso na papasok. "Tawa ng tawa si Luna. "Ah, ngunit hindi ninyo ito nakita mismo! Ang babaeng ito ay nakasuot ng isang clown costume na may napaka panget na make-up. Pinakiusapan siya ni Master Lynch na gumapang sa kanyan
Nawala na sa tamang pagiisip niya si Mr. Jonesson. Wala na siyang pakialam sa kahit ano tungkol kay Jane, mabilis na sumang ayon sa hiling ni Jenny. “Sige, kung ano man ang sabihin mo.” Pagkasabi nito, hinipo niya ang hita ni Jenny. “Ayan, huwag mong sabihing hindi ako galante.” Pagkasabi niya nito, naglabas ng bulto ng pera si Mr. Jonesson mula sa kanyang briefcase. Mukhang may 50,000 ang halaga nito. “Makakatanggap ka ng 1,000 kada kanta ng iyong aawitin. Kung makakaawit ka ng sampung kanta, makakatanggap ka ng 10,000, dalawampung kanta ay 20,000. Kung makakawit ka ng limampung kanta, matatanggap mo ang lahat ng pera na nandito.” Limampung kanta ay aabot ng kahit papaano tatlong oras~~~“Aw, Mr. Jonesson, bakit mo siya binigyan ng ganyan karammi~~~?”“Huwag ka magalala, babe, bibigyan pa kita ng mas madami mamaya.” Binigay niya ang sa tingin niya pinaka nakakaakit na ngiti habang sinasabi niya ito.“Aww~ Ang sama mo, Mr. Jonesson.” Pagkatapos nito, inalog ni Jenny ang kanyang ba
Kapag nalaglag ang isang tao sa bangin ng kasamaan, ang puno’t dulo ng lahat—ay ang mabuhay.Tumingin siya sa parang batang mukha ni Susie. Isang buhay na maliwanag at makulay tulad ng sa kanya ay bagay na kailanman hindi magagawang maabot muli ni Jane.“Ikaw! Paano mo nagagawang makangiti?” Pumadyak ng malakas si Susie. “Alalahanin mo ito mula sakin, Jane, hindi mahalaga kung gaano kalaki ang kinikita mo, dahil pangit na ang tingin ng lahat sayo! Kahit ang mga modelo sa P.R. department na binebenta ang kanilang katawan para sa pera ay mas may dignidad pa kaysa sayo! Itinapon mo na ang pride mo ng ginawa mo ang bagay na ganun, kaya sino pa ba ang rerespeto sayo ngayon?”Pagkatapos nito, mayabang siyang huminga at tumalikod palayo kay Jane. Nakatayo lang si Jane ng matagal na panahon doon bago siya naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Pagod ang makikita sa buo niyang mukha at ang mga sinabi ni Susie ay naririnig pa din niya… ‘Ginagawa ko lang ito para kumita ng pera para sa aking tuit
Palubog na ang araw at ang sinag ng buwan ay nagpaliwanag sa kwarto.Tumayo si Alora, ang kanyang banayad na tingin habang nakaharap sa kamas as opsital. Ang babaeng nakahiga sa kama ay mukhang nanghihina at maputla, nakatulog ng nakabaluktot sa ilalim ng kumot habang ang mainit na sinag ng gabi ay kuminang sa kanya.Ng paalis na siya, biglang binuksan ni Jane ang kanyang mga mata sa kama at bumulong,“Alora, gusto kong bayaran ang utang ko, ngunit wala na ako maliban sa sarili ko. Maaari ko ba itong bayaran gamit ang sarili ko?”Pagkasabi niya ng mga ito, pinikit niya ang kanyang mga mata at nakatulog muli.Parang natusok ng karayom ang puso ni Alora. Ang kanyang mga emosyon ay medyo naging kumplikado.Nagdedeliryo si Jane sa kanyang pagtulog, ngunit hindi niya pa din makalimutan ang kanyang utang… Kahit na ano pa man, tumanggi si Alora na ang isang tulad niya ay gagawa ng bagay na ganoon kasama.Sabi ni Jane na sinusumpa siya ng lahat, tinatawag siya kasuklam-suklam… si Jane,
“Hindi!” Mabilis na sinabi ni Jane. “Hindi kita iniiwasan, Mr. Stewart.”Nagsisinungaling siya!Malinaw na iniwasan niya si Sean!Subalit...“Anong problema sa boses mo? Bakit ganyan ka paos ang boses mo?”“Nagkasakit ako, kata mayroon akong sore throat.” Binaba ni Jane ang kanyang mga mata, tumangging magpaliwanag pa.“Natatakot ka ba sakin?”Nanginig ang talukap ng mata ni Jane at sa sandaling ito hindi na niya ito itinago.Nakatayo ang lalaki sa tabi ng kanyang kama, itinataas ang kanyang kilay ng mabagal. Mas lalo siyang nalungkot ngayon.Sa isang iglap, umusog siya paharap. Habang nakatitig si Jane sa takot, inilagay ni Sean ang kanyang kamay sa kumot, biglang binawasan ang agwat sa pagitan nila.Inabot niya ang isa pa niyang kamay papuntaa kay Jane at siya ay kusang lumayo. Kalmadong sinabi ni Sean. “Huwag kang gumalaw.”Tulad ng inaasahan, sumunod si Jane. Hinawi ni Sean ang bangs nito paalis gamit ang kanyang mga daliri, hinahawakan ang balat sa kanyang noo at si Jan
“Sean, ang sinabi mo kay Jane ng bandang dulo ay talagang masakit, alam mo ba iyon?” Nakasunod si Elior kay Sean, sinasabi ang kanyang sariling opinyon. “Kailangan ko bang magkaroon ng pakialam sa nararamdaman niya?”“Talaga bang ganito ka makasarili at matigas ang ulo? Paano kung pagsisihan mo kung paano mo siya itrato balang araw?”Inalok ni Sean si Elior ng sigarilyo, walang pakialam na tumawa. “Magsigarilyo ka muna at tumigil sa kakaisip ng kalokohan.”Pagsisisi?Pagsisisihan niya ba ang bagay na ito?Syempre hindi.Wala ng sinabi pa si Elior. Sa totoo lang, napagtanto niya din, base sa karakter ni Sean, na hindi siya ang klase ng tao na nagsisisi sa kahit na ano. Hindi pa kailanman nakit ni Elior na nagsisi si Sean sa kahit ano tungkol sa aksidente ni Rosaline dati.“Gusto mo uminom?”“May kailangan akong asikasuhin sa East Emperor.”Kaagad na sumunod si Elior kay Sean, namimilit na pumunta sa East Emperor kasama niya.Sa East Emperor, pinatawag ni Alora si Susie sa ka