Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng si Jane ay magsimulang magtrabaho sa East Emperor.Ng ang gabi ay dumating, ang sobrang abalang bayan na ito ay kikinang ng may mga mapangakit na matitingkad na ilaw.Kakalinis lang ni Jane sa suka ng isang lasing na babae. Kahit na mabagal siyang gumalaw, epektibo siyang magtrabaho. Matapos iyon, nagsindi siya ng mabangong insenso at iniwan ito sa isang tabi.Ang mop na kanyang hawak ay nilinis ang bawat isang cubicle sa banyo at pagdating niya sa dulong cubicle sa pinakalikod. Dito niya itinatago ang kanyang mga panlinis at nagpapahinga sa pagitan ng kanyang mga gawain.Ito ay napaka ayos at malinis.Ang tagapagsilbing na naghatak sa kanya dito para linisin ay matagal ng wala, ngunit walang pakialam si Jane. Inilagay niya ang mop at ang timba sa gilid ng maayos bago umupo sa tabing cubicle at nakatulala.‘Jane, ang lahat ng ito ay ayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.’‘Jane, wala ka na ngayon. Wala na ang iyong pamilya na pinagmamalaki mo
Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit.“Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya.Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?”“P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.”Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang nam
Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumi
“Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumal
May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan.""Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak
“Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan
Mayroong ATM sa kabila ng kanyang lugar. Inilagay niya ang kanyang cad sa loob at ng nakita niya ang numero na nakalagay sa screen, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagwithdraw ng two thousand bucks.Ng makuha niya ang pera, tumawag siya ng taxi at sinabi, “Dalhin mo ako papunta sa...” Sa sandaling iyon niya napagtanto na pumasok siya sa isang kotse… masyado siyang nagmamadali na makatakas, ngunit wala siyang ibang tatakbuhan pa.“Saan ka pupunta?” Naiinip na sabi ng driver.“Saan ako pupunta…?” Si Jane ay tuliro. Bigla niyang napagtanto na kahit na sa laki ng mundo, wala siya ibang pupuntahan.“May pupuntahan ka ba o wala? Kung wala, umalis ka na. Kailangan ko pang magtrabaho.” Sumimangot ang driver at inis na nakatingin kay Jane. Tsk… anong swerte naman ito? Nakabunggo pa siya sa malas sa kanyang unang byahe pagtapos umalis ng bahay.“...Pasensya na, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta,” Mabagal na sabi ni Jane. Kahit na masama ang dating ng driver at pinagtaasan siya ng
Sandali pagkatapos, may dalawang katok sa bintana ng driver. Narinig ni Jane ang isang parang businessman na boses sa labas ng bintana, nagsasabi, “Maaari bang buksan mo ang pinto.”Ang boses ay sobrang lamig at serysos, walang bahid ng emosyon. Kahit na ang gumamit siya ng salita ‘Maaari’, ito ay isang utos at hindi hiling… Ang mga tauhan ni Sean ay tulad niya sa ganoong paraan.Sumigaw si Jane sa driver, “Huwag mong buksan ang pinto!” Sabi niya, “Babayaran kita...Biglang...Smash!Mayroong malakas na tunog at ang bintana ng taxi ay nabasag. Ang biglaang pangyayari ay tumakot kay Jane ng tuluyan, ngunit ito natakot din ang driver ng taxi na nasa harapan.“T-t-tatawagan ko ang pulis! Iyan ay paglabag sa...” batas!Swoosh! Ng sandaling iyon, isang bulto ng bagong pera ang umulan sa driver. Halos mga sampung libong ang hula sa halaga noon. Sa labas ng bintana ng kotse, isang bodyguard na malinis ang gupit at nakaitim na damit ay nagtanong, “Pwede mo na bang buksan ang pintuan nga