May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan.""Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak
“Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan
Mayroong ATM sa kabila ng kanyang lugar. Inilagay niya ang kanyang cad sa loob at ng nakita niya ang numero na nakalagay sa screen, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagwithdraw ng two thousand bucks.Ng makuha niya ang pera, tumawag siya ng taxi at sinabi, “Dalhin mo ako papunta sa...” Sa sandaling iyon niya napagtanto na pumasok siya sa isang kotse… masyado siyang nagmamadali na makatakas, ngunit wala siyang ibang tatakbuhan pa.“Saan ka pupunta?” Naiinip na sabi ng driver.“Saan ako pupunta…?” Si Jane ay tuliro. Bigla niyang napagtanto na kahit na sa laki ng mundo, wala siya ibang pupuntahan.“May pupuntahan ka ba o wala? Kung wala, umalis ka na. Kailangan ko pang magtrabaho.” Sumimangot ang driver at inis na nakatingin kay Jane. Tsk… anong swerte naman ito? Nakabunggo pa siya sa malas sa kanyang unang byahe pagtapos umalis ng bahay.“...Pasensya na, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta,” Mabagal na sabi ni Jane. Kahit na masama ang dating ng driver at pinagtaasan siya ng
Sandali pagkatapos, may dalawang katok sa bintana ng driver. Narinig ni Jane ang isang parang businessman na boses sa labas ng bintana, nagsasabi, “Maaari bang buksan mo ang pinto.”Ang boses ay sobrang lamig at serysos, walang bahid ng emosyon. Kahit na ang gumamit siya ng salita ‘Maaari’, ito ay isang utos at hindi hiling… Ang mga tauhan ni Sean ay tulad niya sa ganoong paraan.Sumigaw si Jane sa driver, “Huwag mong buksan ang pinto!” Sabi niya, “Babayaran kita...Biglang...Smash!Mayroong malakas na tunog at ang bintana ng taxi ay nabasag. Ang biglaang pangyayari ay tumakot kay Jane ng tuluyan, ngunit ito natakot din ang driver ng taxi na nasa harapan.“T-t-tatawagan ko ang pulis! Iyan ay paglabag sa...” batas!Swoosh! Ng sandaling iyon, isang bulto ng bagong pera ang umulan sa driver. Halos mga sampung libong ang hula sa halaga noon. Sa labas ng bintana ng kotse, isang bodyguard na malinis ang gupit at nakaitim na damit ay nagtanong, “Pwede mo na bang buksan ang pintuan nga
Noon, kaya niya pang sabihin ng diretsuhan sa mukha niya niya, “Sean, masyado kang impluensyal at makapangyarihan. Masyado kang madaming kaawa, kaya wala ka dapat kahinaan. Una, ang iyong babae ay hindi mo dapat kahinaan. Masyadong mahina si Rosaline, kaya hindi siya pwede. Ngunit perpekto ako para sayo!”Lagi na lang, sinasabi niya ito ng ganito, “Paano mo nagagawang sabihin iyan? Ang paghabol sa lalaki ng iyong kaibigan?!” Subalit, sa nangyayari ito, bumabawi siya sa sinabi niya ng ganito, “Single ka naman ngayon, Sean. Kapag naging girlfriend mo si Rosaline, lalayo na ako sayo! Nangangako ako bilang Jane Dunn!”Sobrang arogante niyang babae dati“Nagmamakaawa ako, pakiusap ibalik mo na ang pera ko.” Ang tanging naririnig niya lang ay ang kanyang pagmamakaawa.Natahimk bigla si Sean… Talaga bang siya si Jane Dunn? Ang babaeng umaapaw sa pride at kumpyansa?Hinawakan niya ang kanyang kamay at hinatak siya pabalik sa kanyang kotse.“Pera, ang pera ko! Bitawan mo ako, Wala akong m
Kabadong nakatayo si Jane sa harapan ni Sean. Isang saglit pa, may kumatok sa pintuan at sabi ni Sean sa kanyang malalim at nakakaakit na boses, “Pumasok ka na”Kabadong tumingin si Jane sa taong kapapasok palang— Ito ay si Alora Smith, ang taong nag interview sa kanya tatlong buwan ang nakalipas.“Hi, Alora.” Ang puso ni Jane ay nasa kanyang lalamunan na. Maingat niyang tinignan si Sean, na siyang nakaupo sa couch at lumingon pabalik kay Alora, na biglang dumating dito. Ang kanyang puso ay kumakabog. Wala siyang ideya kung ano ang balak ng hindi mabasang lalaking ito ngayon.“Kamusta, Mr. Stewart.” Nakasuot si Alora ng puting suit at hindi nito itinatago ang kanyang ganda. Alam niya kung paano dapat kumilos sa harapan ni Sean, nagsalita,”Ano ang magagawa ko para sayo, sir?”Napansin ni Jane na kakaiba ang paguugali ni Alora kay Sean, na para bang si Sean ay kanyang suki o boss… Ang hindi alam ay na si Sean talaga ang big boss ni Alora. Nakulong si Jane ng tatlong taon sa bilanggua
Mas lalong inisip ito ni Jane, mas lalo siyang napapailing. “Hindi, Mr. Stewart, ayokong mapunta sa P.R. department.” Kabado siyang nagmamakaawa, “Alam kong mali ako, pakawalan mo na ako. Mr. Stewart. Nabilanggo na ako ng tatlong taon at nagbayad na sa kung anong nagawa ko. Ibalik mo na ang aking bank card, sir, at ako’y maglalaho na kaagad, malayong malayo at sinusumpa kong hindi mo na ako makikitang muli.”Ang tanging magagawa lang ni Jane ay ang magmakaawa. Hindi niya napansin ang gulat sa mga mata ni Alora ng marinig nito ang tungkol sa pagkakabilanggo. Si Alora ay lumipat sa bayan na ito dalawang taon ang nakakalipas at hindi siya lokal, kung kaya hindi niya alam ang kahit na ano tungkol kay Jane.Ang sinuman na nakatrabaho si Sean ng mas matagal dito ay alam ang lahat tungkol sa kilalalng si Jane Dunn.Mapanganib na natuon ang mga mata ni Sean… Gusto pa din niya bang tumakas?Gusto niyang hindi na siya makitang muli?“Hah~” Tahimik na huminga ng malalim at nilabas ang kanyan
Tatlong araw ang nakalipas. Tatlong araw matapos na malipat si Jane sa P.R. department, wala pa siyang ni isang sentimong kinikita. Tumingin siya sa oras at nakita niya na ito ay 23:07. Iyon ang eksaktong oras kung kelan nagsisimulang dumating ang kanilang mga kliyente.Ang buong P.R. department ay walang laman at tanging siya lang ang taong naiwan sa waiting room. Ang lahat ng kanyang katrabaho sa department ay umalis na para gawin ang kanilang trabaho. Sa katunayan, ang bawat miyembro ng P.R. department ay nandito sa East Emperor ay malaki ang kinikita. Ang mga kliyente dito ay nilalaman ng mga matataas na tao sa lipunan at ang mga mayayaman at makakapangyarihan ay palaging mapagbigay sa kanilang pera.Tatlong araw pa lang nandito si Jane, ngunit nakarinig na siya ng mga balita. Si Jenny, ang babaeng nakhuli niyang nakikipaglandian kay Master Soros sa hagdanan noon, ay nagyayabang kahapon lang kung paano ang isang mapagbigay na negosyante mula sa Hong Kong ay kasama niya. Ang kanya